Heartbreaker
Paglabas ko ng gate ay dumeretso ako kagad papunta sa bahay nila Grey. Anong oras na ba? Tinignan ko ang relo ko. 8:23 pa lang pala ng gabi, maaga pa. Huminto ako sa tapat ng pinto nila Grey at inakyat ko ang pader nila. Tumayo ako sa taas ng pader nila. Parang walang tao eh, kaya inakyat ko na lang.
"George anong ginagawa mo diyan?" tanong ng nasa gilid sa baba sa gate. Binuksan niya ang gate saka lumabas. Nakatingala siya sakin.
"May gate naman ah, bakit diyan ka dumaan?" tanong ni Grey sakin at napangiti ako.
"Parang walang tao eh" sagot ko.
"Baliw, ‘di ba walang kuryente ngayon?" sabi niya at napakamot ako sa batok ko. Oo nga pala, kaya pala mukhang walang tao. Nakalimutan ko. Tumalon ako sa tapat niya.
"Dapat pala mag report na ‘ko sa mga pulis na may akyat bahay na dito" sabi niya habang nakangiti.
"Bakit mukha na ba ‘kong akyat bahay ngayon?" tanong ko at natawa siya sa mga sinabi ko. Inakyat ko lang naman kasi hindi ko makita ang gate nila, baka mamaya mapatid pa ‘ko. Naglakad lang kami sa kalsada ng village at marami ang mga taong nasa labas ng bahay nila dahil sa wala ngang kuryente ngayon. Kelan kaya nila balak na sindihan muli ang kuryente? Kanina pa ‘to walang ilaw. Mula pagdating ko galing sa school hanggang sa makauwi na sila mama, wala parin. Siguro may problema na naman sa kuryente dito?
"Nga pala, may gagawin ka ba sa linggo?" tanong ko sa kaniya. Naalala ko, baka kasi may pupuntahan siya, edi sasama na lang ako kila mama. Minsan kasi may ginagawa siya ng mag-isa, pero minsan lang naman kasi family business nila yun kaya hindi ako kasama. Pero minsan naman, kinikwento niya sakin ang mga nangyayari.
"Meron, may meeting si me eh, at kasama ako, pero, saglit lang naman yun, kaso malayo nga lang, ikaw?" paliwanag niya at balik tanong sakin. May gagawin din pala siya. Sasama na lang ako kila mama, wala naman akong magawa dito sa bahay ng wala si Grey, at wala din si kuya kaya wala akong magawa.
Para din naman malaman ko kung gano kaboring ang ginagawa ng mga business man and woman. Nakakaboring kaya ang maging business man, lagi lang silang nakaupo sa loob ng apat na sulok ng isang opisina. 'Di bale na lang kung iba ang shape ng opisina nila. Mas nakakapagod kaya ang umupo lang ng umpo kesa ang may ginagawa ka.
"So isang buong araw kang wala?" tanong ko. Naglakad lang kami at nakatingin ako sa kaniya pero hindi siya nakatingin sakin.
"Hindi naman, tanghali pa lang nandito na 'ko" sagot niya. Hay buti naman, sasama na lang ako kila mama sa umaga, at sa hapon hindi na. Sasabihin ko na lang kila mama mamaya pag-uwi namin. Okay lang naman siguro sa kanila yun.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Novela JuvenilFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...