Chapter 37

8 3 0
                                    


Brother‘s Advice


Ayoko lang naman na mawala ka sakin kaya sana maintindihan mo. Sorry. Ayokong masaktan pero bakit kasi sayo pa? Bakit sayo pa 'ko nahulog? Bakit sa bestfriend ko pa?! Dahan-dahan akong tumayo at kinuha ko ang battery at ang sim cards ko. Naglakad ako pauwi ng bahay pero patuloy parin ako sa pag-iyak. Nakakainis naman 'tong luha na 'to!


Ayoko na ngang umiyak! Tapos agos parin ng agos! Ako naman ang may-ari ng katawang 'to pero bakit parang may mga sariling isip na ang ang mga parte ng katawan ko. Ayokong sumilip dun kanina pero hindi ko alam kung bakit ako sumilip kaya naiinis talaga 'ko sa sarili ko!


Pero kahit ganon, ang sakit sakit parin ng nararamdaman ko ngayon, lalo na ang puso ko. Bakit kasi kay Grey pa? Bakit sa bestfriend ko pa? Ang hirap kayang magmahal ng kaibigan kaya bakit siya pa? Bakit sa dami daming lalaking nakapaligid sakin, bakit si Grey pa?


Tsaka bakit hindi mawala wala ang nararamdaman ko sa kaniya? Bakit ayaw?! Pumasok ako sa loob ng gate at naglakad ako papasok ng bahay. Pagpasok ko ng bahay ay nakita ko sila mama at papa sa sala na magkasama.


Hindi nila 'ko nakikita kasi lakas nilang maglandian dito sa bahay. Tsss. Kung pwede lang maging bitter sa kanila, ginawa ko na. Naglakad ako paakyat. Nakita ko si kuya na malapit na sakin kaya yumuko ako para hindi niya 'ko makita. Okay lang naman dahil parang hindi niya 'ko nakikita.


Nang makasalubong ko siya ay hahakbang na sana ako kaso hinawakan niya ang braso ko kaya napahinto ako. Hinila niya 'ko kaya tinignan ko siya ng masama.


"Seryoso ang kapatid ko ah?" tanong niya pero hindi ko siya sinagot. Aalis na sana ako kaso hinigpitan niya ang hawak niya sa braso ko.


"May problema ka ba?" tanong niya at umiling lang ako habang nakayuko.


"Hindi ako naniniwala sayo" sabi niya at tinignan ko siya ng seryoso.


"Ayos ka lang?" tanong niya na kinaiwas ko ng tingin.


"Okay lang ako" sabi ko at kinuha ko ang braso ko sa kaniya. Naglakad ako papasok sa kwarto ko at sinarado ko kagad ang pinto ko. Napaupo na lang ako at sumandal ako sa pinto ko.


Tinupi ko ang magkabila kong tuhod at niyakap ko ang mga ito. Hindi ko na naman napigilan ang luha ko na umagos muli. Ano ba talagang nangyayari sakin? Naiinis na 'ko sa sarili ko! Naiinis na 'ko sa sarili ko at palagi na lang akong ganito.


Ang hirap lang na makita ang kaibigan mo na may kasamang iba at ang saya-saya pa niya. Oo, may karapatan akong magtampo sa kaniya, may karapatan akong magselos sa kaniya, pero hanggang sa mga iba niyang kaibigan at hindi sa taong mahal niya. Pwede din naman akong magselos sa taong mahal niya pero 'yung tipong selos na as a friend lang.


Pero wala akong karapatan na magselos sa kaniya ng dahil sa nagkakagusto ako sa kaniya. Hindi ko pwedeng gawin 'yun dahil kaibigan niya lang ako. KAIBIGAN lang. Kung siya nga, hindi nagseselos samin ni Marcus, ako pa kaya? Papano naman kasi, ako lang naman ata ang nahulog saming dalawa.


Ang sakit pala ng walang sumasalo sayo. Meron namang sumalo sakin, si Marcus, pero hindi ko alam kung anong meron at ang sinasabi ng isip ko ay oo, mahal ko siya, gusto ko siya, pero iba ang sinisigaw ng puso ko.


Magkaiba sila at hindi ko na alam kung sino ang susundin ko sa kanila. Hindi ko na alam kung saan ang paiiralin ko. Kasi kung isip ko, alam ko naman na mahal ko si Marcus, pero may kulang. Alam ko rin naman na mahal niya 'ko. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may kulang talaga kay Marcus.


Hindi ko alam kung anong kulang sa kaniya na kay Grey ko lang makikita. Hindi ko alam kung ano 'yun! Pero kapag si Grey ang kasama ko, hindi ko alam kung bakit parang kumpleto na ang lahat at wala na 'kong maihihiling pang iba. Ano ba kasing meron si Grey na wala ang iba?


Kapag puso ko naman ang pinairal ko at si Grey ang pinili ko, natatakot ako sa sagot niya. Natatakot ako na baka kapag nagtapat ako sa kaniya eh, baka ang sagot niya ay hindi niya 'ko gusto at lumayo lang siya sakin. Mas mahirap 'yun. Mas mahirap kapag lumayo siya sakin.


Naguguluhan na 'ko sa sarili ko! Gulong gulo na 'ko sa mga naiisip ko! Hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko. Baka kapag pinili ko din si Grey sa oras na 'to ay baka masaktan ko si Marcus. Hindi ko gustong makasakit ng ibang tao. Ayokong may masaktan ng dahil sakin. Ayokong masaktan ko si Marcus dahil nagbabago na 'yung tao.


Unti-unti kong inangat ang mukha ko at pinunasan ko ang pisngi ko. Tumayo ako at umupo akong muli sa gilid ng kama ko. Pinunasan ko na nga kanina ang luha ko pero eto, patuloy parin siya. Ayoko ng umiyak pero hindi ko naman kayang madiktahan ang sarili ko.

Hindi ko kayang diktahan ang sarili ko kahit ako naman ang nagmamay-ari nito. Tama lang naman siguro si Cally, hinding hindi mo madidiktahan ang puso mo kung sino ang gusto nitong mahalin. Parang 'tong mga luha ko, ilang beses ko mang pigilan, dadating at dadating ang araw na babagsak sila at hindi ko 'yun mapipigilan.


Ako ang may kontrol ng sarili ko pero eto ako, nahulog ng hindi ko man lang alam kay Grey. Bakit kasi siya pa? Pwede bang ibahin na lang? Ibahin niyo na lang Lord, para hindi ako nasasaktan. Pero sabi nga nila, may plano ang Diyos kung bakit niya 'to ginagawa. Everything happens for a reason.


Kaya Diyos ko, kung masasaktan lang din ako pagkatapos nito, kung masasaktan lang ako ulit kay Grey, ilipat mo na lang sa iba kahit na sabihin na everything happens for a reason. Pero pano kung mas may maganda pa talagang plano ang Diyos sakin kaya niya 'to ginagawa? Pano kung pagkatapos nito ay hindi na 'ko iiyak pa?


Pano kung nailipat nga sa iba tapos hindi naman pala 'ko minahal ng taong 'yun? Pano kung pinalipat ko tapos masasaktan lang pala ko sa pinaglipatan niya? Kaya kung maganda man ang gagawin ng Diyos sa buhay ko pagkatapos nito, go na lang ako kahit na masaktan ako.


Alam ko naman na maganda ang plano niya sa bawat taong nandidito sa mundo. Napatingin ako sa pinto ko ng bumukas ito. Nakita ko si kuya at umupo siya sa tabi ko.


"Hindi ako naniniwalang ayos ka lang. Sabihin mo sakin kung anong problema, 'wag mong subukang magsinungaling, sasabihin kita kay mama na umiiyak ka" sabi niya. Talagang i-bo-block mail pa niya 'ko masabi ko lang ang problema ko. Imbes na sumagot ako ay umiyak lang ako ng umiyak sa gilid niya habang yakap ko ang mga tuhod ko. Hindi ko magawang magsalita. Unti-unti siyang lumapit sakin saka ako inakbayan.


"Mukhang malala 'yan ah? Ano ba kasi 'yan? Sabihin mo na, para gumaan 'yang loob mo," sabi niya pero mas lalo lang akong umiyak.


"Walang mangyayari sayo kapag iiiyak mo lang 'yan ng iiiyak kaya sabihin mo na. Hindi naman masama ang umiyak ng umiyak, at ilabas ang lahat gamit ang pag-iyak kasi minsan, dahil sa pag-iyak mo, nailalabas mo lahat ng sakit, pero 'wag mo namang gawing araw-araw ang pag-iyak." Sabi niya at pinunasan ko ang pisngi ko saka tumingin sa kaniya. Ngumiti lang siya sakin at nakasimangot ako. Bigla ko siyang niyakap na kagad niyang kinagulat.


Ngayon ko lang 'to gagawin. Nag-o-open naman ako sa kaniya pero never pa 'kong umiyak ng ganito kalala, oo, umiiyak ako sa kaniya minsan, pero hindi ako umiiyak ng ganito kalala at hindi ko siya niyayakap. Never, ngayon lang. Natawa lang siya ng mahina at naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko.


"Tama na, 'wag ka ng umiyak, hindi ganiyang George ang kilala ko, kaya tama na, tumahan ka na, sino ba kasing nagpaiyak sayo? Umamin ka sakin" sabi niya at mas lalo lang akong naiyak. Sinubsub ko ang mukha ko sa balikat niya at mas lalo ko siyang niyakap.


"Kuya…" umiiyak na sabi ko.


"Tama na kasi, iyak ka ng iyak, sino ba kasing nagpaiyak sa kapatid ko?" tanong niya. Pano ko ba ipapaliwanag sa kaniya? Pano ko ipapaliwanag sa kaniya na may gusto ako sa kaibigan ko? Pano ko sasabihin na hindi ko sinasadyang mahulog kay Grey?


"Hindi ko naman kasi sinasadyang manyari 'to eh, lumayo naman ako sa kaniya ng ilang araw pero ganon parin, hidni ko parin mapigilan" sabi ko habang umiiyak.


"Ano ba kasing ibig mong sabihin?" tanong niya. Umiiyak lang ako sa kaniya habang nakayuko sa balikat ni kuya. Unti-unti ko siyang binitawan at hindi na ako masyadong umiiyak katulad ng kanina. Pinunasan ko ang pisngi ko.


"Hindi ko naman sinasadyang mahulog sa kaniya, hindi ko naman alam na mamahalin ko siya" sabi ko at may umagos na namang luha sa mga mata ko.


"Kanino? Kay Grey ba?" tanong niya at hindi ako sumagot. Pinatong ko lang ang ulo ko sa braso ko na nakapatong sa mga tuhod ko.


"Mukhang oo ang sagot mo ah? Pero balita ko may boyfriend ka daw? Kaya kung may gusto ka kay Grey, bakit mo sinagot ang lalaking yun?" tanong niya.


"Kasi akala ko, maibabaling ko sa kaniya lahat ng pagmamahal ko kay Grey, pero alam ko naman sa sarili ko na mahal ko din siya, pero kasi…" pabitin kong sabi habang nakatingin sa labas ng bintana ko.


"Kasi mas mahal mo si Grey? Ano bang pangalan ng boyfriend mo?" tanong niya. Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa kaniya.


"Marcus" sagot ko.


"Alam mo, dapat hindi mo na lang muna sinagot 'yung lalaking 'yun, kahit na sabihin natin na gulong gulo ka at gusto mong maibaling lahat sa Marcus na 'yun? Dapat hindi mo muna siya sinagot, lalo na kung alam mong sobrang mahal mo na ang kaibigan mo" sabi niya at mas lalo akong umiyak na naman.


"Hindi kita sinisisi, pero wala ka narin namang magagawa, kaya ayusin mo na lang muna 'yan, mamili ka sa kanilang dalawa kung sino ang mas gusto mo" sabi niya.


"Bakit kailangan ko pang mamili?" tanong ko sabay tingin sa kaniya.


"Hindi naman big sabihin ng mamimili ka sa kanila eh kakalimutan at hahayaan mo na lang ang isa, ipaliwanag mong maigi sa isa kung hindi mo man sia mapipili, teka nga, alam ba ni Grey na may gusto ka sa kaniya?" tanong niya at umiling ako.


"Patay. Bakit di mo sabihin?" tanong niya.


"Hindi ko kaya, baka kapag sinabi ko sa kaniya, baka lumayo siya sakin" sabi ko. Kaya ayokong sabihin kasi ayokong mawala siya. Matatanggap ko naman kung hanggang kaibigan lang talaga.


"Alam mo, hindi mo malalaman ang sagot kung hindi mo susubukan" sabi niya.


"Pero pano nga kung kapag sinabi ko sa kaniya eh layuan niya 'ko" sabi ko. Ayokong lumayo sakin ang kaibigan ko.


"Hindi mo maiiwasan ang ganon George, hindi mo maiiwasan na hindi siya lumayo oras na malaman niya, pero hindi naman siguro sobrang babaw ang kaibigan mo para lang layuan ka niya ng ganon, layuan ka man niya, mare-realize niya din naman na hindi niya sasayangin ang ilang taon niyong dalawang magkasama, kaya magtiwala ka lang, hindi siya lalayo sayo. Tsaka sabihin mo na sa kaniya, mamaya mahal ka din niya" sabi niya.


"Imposible ang sinasabi mo" sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.


"Walang imposible kung maniniwala ka, halata naman na may nakita kang kasama niyang iba kaya ka nagkakaganyan diba? May nakita kang kasama niyang iba?" tanong niya kaya napatango ako.


"Pero mahal na mahal niya 'yun" sabi ko. Sinabi din niya sakin na seryoso siya kay Bella. Halata din naman sa kaniya. Kaya imposible na ako ang piliin niya kesa kay Bella kaya mas okay na 'to. Okay na, na ako ang nasasaktan kesa naman mas masaktan pa 'ko kapag nawala siya.


"Hindi lahat ng nakikita, totoo, hindi din lahat ng naririnig totoo at tama, may mga taong magaling magpretend, at may mga taong hindi marunong magbasa ng mga mata ng iba, katulad mo, kaya kung ako sayo, sabihin mo na" sabi niya at huminga akong malalim.


"Pero pano si Marcus? Pano siya kapag nalaman niya 'to? Pano kapag nasaktan ko siya?" Tanong ko. Ayoko pa naman na masaktan siya. Nagbabago na 'yung tao para sakin.


"Wala kang magagawa, 'yun ang gusto ng puso mo, hindi mo din naman maiiwasan sa buhay mo na hindi makasakit ng damdamin ng iba" sabi niya.


"Alam ko naman 'yun pero Kuya, mahal ako ng tao at nagbabago na nga siya para sakin" sabi ko at muli kong pinunasan ang umagos kong luha.


"Ikaw ang bahala, kung siya ang pipiliin mo, okay lang naman. Ang kaso lang, para mong pinipigilan ang sarili mong magdesisyon ng gusto nito. Parang tinatanggalan mo ng karapatang sumaya ang sarili mo. Kasi kung mahal ka talaga ng Marcus na 'yan, maiintindihan ka niya, tsaka anong magagawa mo? Mahal mo man siya, pero mas may mahal ka pang iba, gusto mo atang torturin ang sarili mo. Gusto mong magmahal ng taong mahal ka pero hindi mo naman masyadong mahal, mahirap 'yang gusto mong gawin. Baka kapag nalaman mong may gusto sayo si Grey, baka huli na at magsisi ka lang," sabi niya. Napayuko ako at inisip kong mabuti ang sinabi ni kuya.


"Hindi ka din naman masisisi kung bakit mo yan ginawa, kasi sinagot mo lang naman siya dahil inakala mong maibabaling mo sa Marcus na 'yan ang lahat, pero hindi naman pala, wala kang kasalanan, kaya 'wag mong subukang sisihin ang sarili mo kung sakaling masaktan mo yang Marcus na 'yan" sabi niya at umagos na namang muli ang luha ko. Naalala ko ang mga sinabi dati ni Marcus.


Hindi mo daw maiiwasan ang hindi makasakit ng tao kahit na hindi mo gustuhin. Makakasakit at makakasakit ka parin kahit na hindi mo gusto. Hindi ko gustong masaktan si Marcus, lalo na si Grey, pero baka kapag sinabi ko kasi kay Grey na may nararamdaman ako sa kaniya, baka parehas silang dalawang mawala sakin. Baka dahil sa pagtatapat ko kay Grey, lumayo siya sakin pati si Marcus dahil nasaktan ko siya.



Ayokong malayo silang dalawa sakin. Kahit maging kaibigan ko na lang si Grey, ayos lang sakin, wag lang siyang mawala. Kahit si Marcus, kahit na isipin na lang niyang siya lang ang mahal ko, 'wag lang siyang malayo sakin dahil sa kabilang banda, kahit papano, napamahal na siya sakin, pero may kung ano talagang meron kay Grey at hindi ko alam kung ano 'yun.


"Pano kung nawala silang pareho sakin kapag sinabi ko ang lahat kay Grey?" tanong ko.


"Sinabi ko na sayo, walang mangyayari sayo kung hindi mo susubukan, hindi mo rin naman siguro gustong magsisi sa huli? Hindi mo rin naman siguro gustong saktan yang Marcus na 'yan balang araw kapag nalaman niyang may iba ka pa palang mahal? George, mas masasaktan 'yang Marcus na 'yan kapag hindi pa niya nalaman ngayon, mas lalo siyang masasaktan kapag patatagalin mo pa 'yan, baka kapag balang araw pa niya 'yan malaman, baka mas lalo lang magkatotoo na parehas silang mawala sayo, kaya habang maaga pa, habang hindi ka pa nagse-settle dow sa kanya, kung ayaw mo talagang masaktan yang lalaking yan, at kung ayaw mong mas lalo silang malayo silang pareho sayo, gawin mo ang tama, kahit mahirap, gawin mo, yan lang ang masasabi ko sayo, dahil hindi lang sila ang masasaktan kapag pinatagal mo pa yan, pati ikaw, isipin mo na lang na ginagawa mo din 'to para sa sarili mo, tsaka hindi lang naman 'to para sayo, para rin 'to sa inyong tatlo, isipin mo na lang, kapag nasabi mo na, baka hindi ang nasa isip mo ang mangyari. Tsaka kung maaga mo lang na masasabi sa kanilang dalawa ang nararamdaman mo, baka yang Marcus na 'yan, masaktan man siya, baka matanggap niya din at marealize niya na hindi nga ikaw ang para sa kaniya, tsaka si Grey, malay mo mahal ka din ng tao, hindi imposibleng hindi siya magkagusto sayo, kahit na sabihin mong sinasabi niya minsan na hindi siya magkakagusto sayo? Hindi imposible George, palagi kayong magkasama, iba na ang turingan niyong dalawa, halos magkapatid na ang turingan niyo, minsan nga naiinis na 'ko dahil inaagawan niya ko bilang kuya mo, pero ayos lang sakin dahil alam kong hindi mo 'ko nakakalimutan, kaya George, hindi imposibleng mahalin ka ng tao, eh ikaw pa nga lang nahulog ka na, siya pa kaya?” sabi niya kaya medyo napangiti ako. Hindi ko alam na magaling pa lang magcomfort ang kuya ko. Tumatak sa isip ko ang mga sinabi niya, lalo na 'yung minsan naiinis na siya dahil naagawan na siya ng pwesto sakin, pero buti naman at alam niyang hindi ko nakakalimutan kung sino siya sakin. Pinunasan ko ang mga mata ko na parang bata at natawa siya. Tinignan ko siya ng seryoso.



"Isipin mong mabuti ang mga sinabi ko sayo, dahil kung hindi mo gagawin ang dapat, ang tama, mas lalo kayong masasaktan, hindi lang ikaw, hindi lang si Marcus, hindi lang si Grey, kundi kayong tatlo, mamaya, nagsettle ka kay Marcus, tapos nalaman mo na may gusto din pala sayo si Grey pero hindi ka naglakas loob na sabihin sa kaniya edi ikaw ang nagsisi sa huli.



At baka mamaya, kapag pinatagal mo pa 'yan, dahil sa ayaw mong masaktan mo si Marcus, baka mas lalo mo pa siyang masaktan sa ginagawa mo, kaya kung ako sayo, habang hindi pa huli ang lahat, sabihin mo na ang totoo, gawin mo ang tama, at sigurado akong hindi ka magsisisi sa huli at hindi ka masasaktan, masaktan ka man, atlis ginawa mo ang tama, at may plano sayo ang tadhana kaya gawin mo ang tama, 'wag ang mali, 'wag mong hayaan na mas magkaroon ng malaking tiyansa na mangyari ang nasa isip mo" sabi niya at tumango ako.



"Hindi mo naman maiiwasan ang hindi makasakit, kahit din naman yang Marcus nay an, nakakasakit din siya, kahit si Grey, kaya kung ayaw mong mas lumala ang mga bagay-bagay na nararamdaman mo ngayon lalo na 'yang sakit na nararamdaman mo, gawin mo na ang tama, at hinding hindi ka magsisisi" sabi niya habang nakangiti at ginulo niya ang buhok ko.


"'Wag mo 'kong gayahin, kung hindi pa sinabi sakin ng mga kaibigan ko na wala talagang gusto sakin 'yung babaeng nililigawan ko dati, na naging girlfriend ko dati, hindi ako mahihimasmasan, lalo ka na, sinabi mo na sakin 'yun, kaso lang hindi ako nakinig, kaya muntikan na 'kong magsettle sa kaniya, muntikan ko na ngang ibigay sa kaniya ang lahat, wag lang siyang mawala sakin. Buti na lang at nalaman kong hindi ako ang gusto nung babaeng 'yun at pinaglalaruan niya lang ako, kaya 'wag mo 'kong gagayahin na hindi agad nakinig sa mga sinabi ng iba, hindi ko kagad ginawa ang tama, kaya kung ako sayo, gawin mo na ang tama hangga‘t maaga pa. Gawin mo na ang tama para hindi ka magsisi sa huli" sabi niya kaya napangiti ako.


"Tignan mo, ngayon, ako ang hinahabol ng dati kong nililigawan at sinasabi niya sakin na mahal niya 'ko, pero hindi ko sisirain at sasaktan 'yung babaeng mahal ko ngayon na nagpapasaya sakin para lang sa kaniya" sabi niya.


Mabuti naman at alam narin niya na mas may deserve pa sa kaniyang iba, ang bait kaya ng girlfriend niya ngayon kesa dun sa dati niyang girlfriend na ang tagal tagal niya ng niligawan tapos niloloko lang pala siya. Oo, naging sila nun pero saglit lang dahil nalaman ni kuya na niloloko lang siya ng lalaking 'yun. Tapos 'yung babaeng 'yun pa ang may ganang makipaghiwalay. Kapal niya.


"Kaya ikaw, makinig ka sa kuya mo, mas marami na 'kong napagdaanan kesa sayo, kaya makinig ka sakin, gawin mo ang tama, 'wag mong ipairal 'yang sinasabi ng demonyo sa utak mo na 'wag gawin ang tama, na 'wag sabihin sa kanila ang deserve nilang malaman, dahil pare-parehas lang kayong masasaktan kapag nagkataon" sabi niya kaya napangiti ako at tumango.


"Salamat" nakangiti kong sabi.


"Saan?" tanong niya.


"Sa Advice, hindi ko alam na magaling ka pala dun" sabi ko habang nakangiti. Nag-iwas siya ng tingin sakin pero nakangiti parin.


"Salamat kuya ah" sabi ko na ikinatawa niya ng malakas.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon