Chapter 12

53 55 0
                                    


Exchange Journal

 
 

“Hoy Grey----“

“Babycakes nga” putol niya sakin.

“Fine. Fine. Fine. Babycakes alam mo ba kung saan tayo pupunta ha?” tanong ko.

“Hindi ko alam, pero feeling ko, malapit na tayo sa tuktok”

“Feeling mo lang?” mataray kong tanong. Tumango siya habang umaakyat.

“Oo,”

“Mamaya ‘yang feeling mo mali pala”

“Eh kaya nga feeling lang ‘di ba? Walang kasiguraduhan kung tama o mali.”

“Edi sana hindi mo na lang sinabi”

“Alam mo, mas magandang sabihin kong hindi ko sigurado kesa sinabi kong sigurado ako. Mamaya kapag nagkamali tayo edi mas lalo mo 'kong sinisi” sabi niya.

“Eh kanina ka pa kasi pilit ng pilit, sabi ko kasi 'wag na lang tayong tumuloy eh”

“Sige na nga, bumalik na lang tayo, ayaw mo naman eh” sabi niya at baba na sana kaso hindi ako gumalaw dahil hawak-hawak niya ang kamay ko. Tinignan niya 'kong muli.

“Sige na, tumuloy na lang tayo, feeling ko din malapit na tayo, bilisan na lang natin, ta para maabutan natin ang paglubog ng araw” sabi ko at ako ang humila sa kanya. Sayang naman talaga kung hindi pa kami tumuloy dahil nandito na rin lang kami.

“Ay tangina!” gulat kong sabi ng may naramdaman ako sa braso kong isang malaking sanga na bumangga sa braso ko. Rinig ko ang pagtawa ng malakas ni Grey.

“Ang sweetcheecks ko, nagulat” natatawa niyang sabi.

“Wag mo nga ‘kong asarin! Ilaglag kita eh” sabi ko pero wala parin sa kanya, tawa pa rin siya ng tawa.

“Grey hindi nakakatuwa”

“Pero sakin oo, pero joke lang, sorry” natatawa niyang sabi at unti-unti siyang tumigil saka natawa na naman ng napakalakas.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon