Chapter 25

17 13 1
                                    

Advice in the Middle of the Rain

            Paglabas ko ng gate, katulad ng inaasahan ko, wala akong nakitang Grey kahit na anino man lang niya. Kasabay niya siguro si Bella. Okay na rin naman 'to. Basta masaya siya, masaya na din ako para sa kaibigan ko. Maglalakad na sana ako ng biglang magring ang phone ko. Binuksan ko ito at binasa kung sino man ang nagtext sakin. Babycakes. Ah si Grey. Binuksan ko ang message niya at binasa.

‘Sorry babycakes hindi ako makakasabay sayo, don’t worry, i‘ll be with you tomorrow, that‘s a promise‘ sabi sa text.

‘Okay lang, take your time with her‘ text ko with smiling face pa.

"Sino 'yan?" tanong ng nasa likod ko kaya nagulat akong tumingin sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"'Wag mo nga 'kong gulatin" sabi ko sa kaniya at natawa na lang siya sakin. 'Tong Marcus na 'to ang sarap patayin.

"Sensiya na, akala ko kasi alam mong may tao dito" sabi niya habang nakangiti. Inirapan ko na lang siya. Pasensiya.

"Sino ba 'yan?" tanong niya.

"None of your business" sagot ko.

"Ang sungit mo na naman, meron ka ba?" tanong niya habang nakangiti.

"Porket masungit lang, meron na kagad? Hindi ba puwedeng masungit lang talaga 'ko sayo?" tanong ko.

"Nung nakaraan, okay naman na tayo, tapos ngayon, masungit ka na naman?" tanong niya. Ewan ko ba kung bakit minsan naiinis ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ako nagagalit sa kaniya. Hindi ko maintindihan, basta nagagalit lang ako sa kaniya.

"Nung nakaraan 'yun, pero hindi ngayon" sabi ko.

"Eh 'yun na nga eh, dapat hanggang ngayon, mabait ka na sakin" sabi niya. Minsan talaga naiinis ako sa kaniya dahil minsan mahangin siya parang si Grey pero hindi naman ako naiinis kay Grey. Sanay na 'ko sa kaniya na ganon ang ugali niya. Mahirap siyang makasama pero kung makikilala mo lang siya, malalaman mo din na mabait siya sa totoo lang.

"Ewan ko sayo" sabi ko at pinulot ko ang mga rose na binigay ng kung sino man siya sa tapat ng gate. Kasama ng mga red and white roses ay may kasamang maliit na box of chocolates. Ayoko talaga sa mga chocolates pero dahil sa kung sino mang tao 'to ay nahilig ako sa chocolates.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon