Bawian
Unti-unti akong bumangon sa kama ko at hinilamusan ko ng mukha ko ng dalawa kong kamay. Napatingin ako sa wrist ko na nakasuot parin ang tatlong bracelet namin ni Grey. What I have done to feel this pain? Mas gusto ko pang piliin si Grey kesa kay Marcus, kung hindi naman talaga niya gusto, balak ko sana kagabi kung ayaw niya talaga, puputulin ko na lang kung anong meron kami ni Marcus para saming magkaibigan, ayokong pagmulan 'to ng away namin.
Ayoko talaga, kasi kaibigan ko siya at mas mahalaga siya sa lahat. Susubukan ko siyang kausapin mamaya. Pero pano naman si Marcus? Baka masaktan ko lang siya? Ayoko naman na bumalik siya sa dati dahil sakin. Nakakabaliw na talaga! Pero baka hindi ako pansinin ni Grey, text or chat ko muna siya bago ko siya kausapin ng personal.
Naalala ko 'yung diary, hindi ko alam na siya na lang pala ang nagsusulat. Hindi ko alam na ilang linggo na nga 'kong hindi nakakapagsulat. Try kong tignan sa locker ko kung nanduon. Kinuha ko ang bag ko at nakita ko ang box ng kwintas na binigay sakin ni Marcus. Kinuha ko ang note at ang envelope pati ang kwintas. Tinignan ko ang envelope at binuksan ko ito ng maingat. Kinuha ko ang papel at binuklat ito.
Napakunot ang noo ko ng makita ko ang papel. Bakit walang sulat? Anong utak ba meron si Marcus? Napatingin ako sa sulat sa note. Galing ba talaga 'to kay Marcus? Parang ngayon ko lang nalaman na hindi niya sulat ang nasa papel. Parang…Parang katulad ng sulat ng mga nagbibigay sakin tuwing umaga. Parang…Parang sulat ni Grey?
Hindi, hindi siya magbibigay sakin ng ganito, magkaibigan lang kami, at isa pa, galit na siya sakin at hindi din niya 'ko gusto, hindi niya 'ko type. Wala din namang sinabi sakin si Marcus na siya ang nagbigay. Tinanong ko siya pero hindi siya sumagot ng maayos, pero pwede din naman na sa kaniya nga galing.
Pero nacu-curious parin ako kung bakit walang nakasulat? Pinagtitripan ata ako ng nagbigay nito eh? Binalik ko na lang ang papel sa sobre at nilagay ko sa ilalim ng table ko na may maliit na compartment. Diyan ko lahat nilalagay ng mga binibigay sakin ni Grey. Kaso magbabago na lahat ngayon, pero pipilitin ko parin na bumalik siya, aayusin ko 'to.
Kinuha ko ang kwintas at humiga akong muli sa kama ko. Pinagmasdan kong maigi ang kabuuan ng kwintas at ramdam ng mga daliri ko ang magandang pagkakaukit ng rose sa blue heart. Maingat siguro ang pagkakaukit dito para hindi mabasag? Ang ganda naman. Tinignan ko ang likod ng heart at wala namang pinagkaiba sa harapan.
Tinignan ko ang gilid ng heart at may maliit na nakapaligid dito na silver color at may mga nakaukit na vines of rose. May nakita akong nakasulat pero hindi ko mabasa dahil medyo maliit ang mga letra. Tumayo ako at kinuha ko ang magnifieng glass sa drower ko. Tinignan ko ang mga nakasulat at nakita ko ang buong pangalan ko. At sa pagitan ng pangalan ko, may butas akong nakita. Medyo maliit lang siya.
It takes time bago ko marealize na ang butas na nakita ko ay hugis lock. Kailangan ko ng susi para makita ko kung anong nasa loob nito. Kaya siguro medyo malaki ang heart na 'to. Ano kayang nasa loob nito? Kinuha ko ang box at nagbabakasakali akong may susi akong makikita pero wala akong nakita. Nakanino kaya ang susi nito?
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...