Chapter 43

4 2 0
                                        

Unfair Decision

“Mahal na mahal kita kung alam mo lang…” sabi niya at nagulat ako ng bigla siyang bumagsak sa balikat ko. Ano ba ‘tong nangyayari?

“G-grey,” sabi ko pero hindi na siya sumasagot. Oo, masaya ako na nalaman ko, dahil kaya naman pala niyang suklian ang nararamdaman ko, pero hindi ko maaatim na makasakit ng tao lalo na si Marcus, kahit na nagamit ko lang din siya, minahal ko pa rin ang taong ‘yun. Hindi ko magagawang makasakit ng tao.

At ayoko ring masaktan niya si Bella dahil alam kong mahal siya ng taong ‘yun. Pero bakit ganon? Parang hindi naman ako makapaniwala na totoo ang mga sinasabi niya. Hindi ko alam na ganiyan pala ang nararamdaman niya.

Baka naman lasing siya kaya niya lang nasabi ‘yan? Kaso karamihan ng mga nalalasing, dun nila nasasabi ang lahat ng gusto nilang sabihin. Pero parang ang hirap naman talagang paniwalaan na may gusto siya sakin.

At sabi pa niya, two years na sa kaniya, eh ako kelan lang. Pano niya natagalan ang two years na ‘yun? Nang hindi sinasabi sakin? Kay bas a two years na ‘yun wala parin siyang sineseryoso kahit isa?

Ayokong mag-assume pero sa tingin ko ‘yun ang nangyayari. Two years? So kung two years na…Simula pa nung naghiwalay sila ni Ynah? Pano naman siya nahulog sakin ng ganon kung kagagaling niya lang sa break up?

Napatigil ako sa pag-iisip ng bigla niyang ipulupot ang dalawa niyang braso sa bewang ko. Ipinatong niya sa balikat ko ang ulo niya at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga. Amoy na amoy ko din ang alak sa bibig niya. Ang lalaking ‘to talaga, kailangan pa pala ng alak para umamin.

Tama siguro ang sinabi nila, pampalakas nga talaga ng loo bang alak. Huminga akong malalim at inayos ko siya. Dahan-dahan kong tinanggal ang mga braso niya sa bewang ko at pinahiga ko na siya sa kama niya.

Tinukod ko ang isa kong tuhod sa kama at inangat ko ang ulo niya para ilagay ko ang unan niya kaso bigla niyang ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko kaya napahiga ako sa ibabaw niya at buti na lang naikalso ko ang dalawa kong kamay sa gilid ng ulo niya.

Tinitigan ko lang ang mukha niya pero nakapikit siya at feeling ko, natutulog na siya. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata niya at tinitigan ako. Tinitigan ko lang ang mga mata niya.

“Sana masuklian mo rin ang nararamdaman ko, sana…’Wag mong hayaan na masaktan ng ganito kalala” sabi niya at tumaas ang mga balahibo ko.

Unti-unti niyang ipinikit ang mga mata at naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim. Pano ba ‘to? Pano ko gagawin ‘to? Naiipit na ‘ko sa dalawang ‘to, kung pipiliin ko siya, parang hinayaan kong maging katulad lang nila ‘ko.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon