Chapter 14

53 53 0
                                    

Box of wafers and boquet of roses


            Pagdating ko sa room ko, dahil naghiwalay na kami ni Grey kanina sa lobby dahil magkaiba ang rooms namin ngayon, hindi naman ako late. Umupo ako sa tabi ni Cally dahil classmates kami ngayon. Napatingin siya sakin. Nilabas ko ang isa kong libro at ang iba pa para sa exam namin. Magrereview muna ako habang wala pa si prof. Binuklat ko ang libro ko.

“Kamusta naman ang feelings mo?” tanong ni Cally.

“Maayos naman, bakit? May problema ba?” sabi ko at saglit ko siyang tinignan. Nagbasa ako para naman makapasa ako sa exam.

“Hindi ‘yang feelings mo na ‘yan, ang ibig kong sabihin, ang nararamdaman mo sa friend mo” paglilinaw niya. Tinignan ko siya ng seryoso.

“I just realize everything. Naguguluhan ako nun kasi nga that's the first time I saw him kissing woman infront of me, pero narealize ko na naguguluhan lang ako nun, na hindi naman talaga 'yun ang nararamdaman ko,” paliwanag ko.

“And what is that feeling?” tanong niya saka nangalumbaba.

“Natatakot lang ako na baka masaktan na naman ang kaibigan ko oras na magkabalikan na naman sila at ayokong nasasaktan ang kaibigan ko” paliwanag ko saka ibinalik ko ang tingin ko sa libro ko. ‘Yun naman talaga ang narealize ko kagabi habang nagsusulat ng journal namin ni Grey. Nagkaganon lang talaga ako kasi natatakot ako na baka ‘pag nagkabalikan sila, wala na naman akong magawa para hindi masaktan ang kaibigan ko. Nung mga oras na nagkagulo silang dalawa, ni wala akong nagawa para lang matulungan siya para kahit papano mawala ang sakit na nararamdaman niya, hindi ko nagawa kahit si Zach na kasama din niya palagi dati, walang nagawa. Ang hirap makita na nagkakaganon ang kaibigan mo at wala ka man lang magawa-gawa para pagaanin ang loob niya.

"Is that really all? Or you feel more?" nakangiti niyang tanong.

"Of coarse not! We're just friends, nothing more, nothing less" sabi ko saka nag-iwas ng tingin sa kaniya. ‘tong babaeng 'to talaga kung ano-anong naiisip.

"Okay" sabi niya saka naglabas na ng mga libro niya. Nagbasa din siya tulad ko.

"Are you ready?" tanong ng prof namin habang naglalakad papunta sa harapan.

"Hindi pa po miss F" sabi ng isa sa classmate namin.

"Hindi ba kayo nagreview?" tanong niya at nagbigay na ng mga testpapers. Kinuha ko ang testpaper na binigay ni Jessy sakin mula sa harapan at kumuha ako ng isa. Pinasa ko sa likod ko at binasa ko ang first question. 'What is the most important thing when making a master piece?’ Ah! Madali lang ‘to.

Dahil sa nagreview ako at passion ko ang arts, alam ko sagot dito kahit na walang choices. Binasa ko pa ang sunod na question. Where the Sistine Chapel located? Oh, halo ang exam namin, shuffle ah? Buti na lang pala nagbasa ako ng marami sa libro ko kagabi. Antok na antok na nga ‘ko kagabi dahil sa kakabasa ng mga libro ko para lang makapasa ako.

"Ang ganda ng exam natin, shuffle na shuffle" bulong sakin ni Cally. Rinig ko naman kahit na medyo malayo siya sakin.

"Oo nga," sabi ko. Sana talaga maipasa ko ‘to. Ayoko naman na madismaya sila mama ‘pag nakita nila ang grades ko. Para sa susunod wala akong babalikang subject. Last year na lang ang gugugulin ko pagkatapos ng halos 4 months pa. Malapit na 'kong matapos kaya kaya ko ‘to, hindi ako susuko. May balak pa naman akong kumuha sa susunod ng culinary. Kaya sana hindi ako bumagsak.


***


            Kumakain na kami ng lunch namin ni Grey sa canteen. Hindi samin sumasabay 'yung tatlo kasi may ginagawa pa daw sila kaya hinayaan na lang namin. Sanay naman kami na kaming dalawa lang ang magkasabay na kumain.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon