MadOn the way na kami sa sinasabi nilang pupuntahan namin. Hawak na naman ni Grey ang kamay ko. Sabi ni Grey malapit na daw kami. Tinignan ko siya at nakapikit lang siya habang nakasandal sa sandalan ng upuan niya. Napangiti na lang ako at pnisil ko ang pisngi niya. Minulat niya ang mga mata niya saka ako tinignan.
"Gwapong-gwapo ka sakin 'no kaya mo 'ko tinititigan?" nakangiti niyang tanong.
"Wow ang taas ng tiwala mo sa sarili mo ah" sabi ko habang nakangiti kaya tinignan nila kami.
"Siyempre ah, nafall ka nga sakin eh" pabiro niyang sabi. Ang hangin niya. At sa tingin ko, yun ang nagustuhan sa kanya ng mga chicks niya. 'Yang kahanginan at kayabangan niya. Tsss.
"Pasalamat ka, nafall ako sayo dahil kung hindi..."
"Dahil kung hindi ano?" nakangiti niyang tanong.
"Bahala ka diyan" sabi ko. Bibitawan ko sana ang kamay niya kaso hindi niya 'ko binitawan.
"Ako George, gwapo ba 'ko?" tanong ni Spencer. Tinigna ko siya.
"Oo naman, bakit ah?" sabi ko habang nakangiti.
"Sige sweetcheecks, 'pag ako nagselos sa inyong dalawa, hindi tayo mag-uusap ng isang buwan" sabi ni Grey kaya natawa ako. Isang buwan?
"Grabe maka isang buwan ah?" tanong ni James.
"Kaya mo?" tanong ko.
"Malamang. Hindi" sabi ni Grey. Kahit nga magbestfriends kami, isang linggo pa lang hindi na namin kaya. Yung isang buwan pa kaya? Napatingin ako kay Ynah na nakacross arms habang naka headset. Halatang asar na siya samin ah? Nakakatawa naman talaga 'to. Kalokohan talaga ni Grey.
"Oh sus mga love birds nga talaga" puna ni Aaron samin. Napansin kong huminto ang sasakyan namin at binuksan ni James ang pinto ng van sa tapat niya. Binuksan ni Grey ang gilid niya saka lumabas kaya lumabas na din ako. Nandito na ba kami?
"Nandito na tayo?" tanong ko. Napatingin sakin si Grey.
"Wala pa, sasakay pa tayo sa bangka para makarating tayo" sagot niya.
"Malapit na ba? Lasta na yun?" tanong ko.
"Oo, malapit na, bakit ah? Pagod ka na?" tanong niya habang nakangiti. Tumango lang ako.
"Akin na 'yang bag mo," sabi niya saka kinuha sakin ang bag ko. Nagsilabasan silang lahat at hinawakan ni Grey ang wrist ko saka hinatak ako papalapit sa kanya. Napatingin ako sa likod ko na may dumaan. Tinignan ko siya sa kabilang side at nakita ko si Ynah. Binalik ko ang tingin ko kay Grey na masamang nakatingin kay Ynah.
"Hindi nakakatuwa ang ginagawa niya" bulong niya sa sarili niya.
"Tama na, hayaan mo siya, inggit lang siya kasi nga jowa ko yung ex niya" bulong ko sa kanya kaya natawa siya sakin.
"Sira, tara na nga" sabi niya saka ako hinila papunt sa pampang ng dagat. Nandito na pala kami sa dagat. Baka sa isang isla kami pupunta kaya ganito. Parang hindi parang, parang oo.
"Tara hanap tayo ng masasakyan" sabi ni Grey saka ako hinila. Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa mga tao dun sa dalampasigan. Binitawan ako ni Grey saka kinausap ang mga tao dun. Napatingin ako sa dalampasigan ng may makita akong isang shell na medyo maliit lang. Naglakad ako papunta sa shell saka yun kinuha. Ang ganda naman nito. Napatingin ako sa alon ng palapit na sakin kaya tumakbo ako kasi baka mabasa ang sapatos ko. Natawa sila Zach sa harapan ko.
"Anong ginagawa mo?" natatawa niyang tanong. Binuksan ko ang kamay ko at nakita nila ang isang shell.
"George san mo nakuha yan? Tara hanap tayo" sabi ni Spencer at pumunta sa dalampasigan. Sumunod kami sa kanya at may nakita na naman akong isang shell na kakatangay lang ng agos ng tubig. Tignan ko yun at parehas na parehas lang ng nakuha ko kanina. Ang ganda naman nito. Maganda siguro 'to kapag ginawa ko 'tong pendant ng isang bracelet? O 'di kaya ng kwintas. Ang ganda niya.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...