SECRETLY INLOVE WITH MY BOYBESTFRIEND PART II

33 2 0
                                    


Sa nagdaang mga araw, hindi ko inakalang ganito pala kahirap mawalan ng mga magulang. Iniisip ko ngayon kung paano pa kami muling makakabangon dahil sa pagkawala ng aming ina lalo na't dumagdag pa ang kaibigan kong hindi marunong makiramdam.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa mga nangyari. Ni hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawalan na 'ko ng ina nawalan pa 'ko ng kaibigan paano na ako? Kami ng kapatid ko? Maging ang ama namin, hindi man lang nagpakita. Kahit sa burol man lang ni Mama, hindi siya dumalaw.

Napalingon ako kay Jessa ng marinig ko siyang bumuntong-hininga. Ilang araw na din siyang tahimik. Alam kong mas mahirap sa kaniya tanggapin ang ganitong sitwasyon, lalo na't masyado pa siyang bata. Kaya nalulungkot ako para sa kaniya.

"Okay ka lang, Jessa?" Panimula ko. Tahimik lang siyang tumango sa'kin.

"Namimiss ko na si Mama, ate." Mahina niyang sabi. Napakagat nalang ako sa labi lalo na nang marinig ko ang mahina niyang hikbi. Wala na akong magawa kundi ay yakapin nalang siya, para iparamdam sa kaniya na hindi siya nag-iisa.

--

Kinaumagahan ay lumabas ako para bumili ng makakain namin ni Jessa. Nang sa 'di inaasahan ay nakasalubong ko si JM at ang Mama niya.

Ng mapansin ako ng Mama niya ay alinlangan siyang ngumiti sa'kin. "Nakikiramay ako sa nangyari sa Mama mo, Micee." Sinsero nitong sabi na ikinangiti ko ng tipid.

"Salamat po." Nasabi ko nalang kahit na gustong-gusto ko sumigaw sa harap nila. Isigaw sa kaniya para sabihing kung hindi sana dahil sa ginawa ng anak niya, hindi sana gano'n ang sinapit ni Mama.

"Kung may kailangan ka o kayo ng kapatid mo, 'wag ka mahiyang lumapit sa'min. O kaya ay ipasabi mo nalang kay JM kung anong maitutulong namin sainyo." Muli pang ngumiti ang Mama niya, na ikinaiwas naman ng tingin ni JM.

Naiinis ako. Bakit ba siya ganiyan? Hanggang ngayon ba galit pa rin siya sa'kin? Pagkatapos ng lahat na nangyari sa amin?

Tinanguan ko nalang ang Mama niya at nagpaalam na aalis na. Hindi ko na kasi kayang makita siya, lalo na dahil sa t'wing nakikita ko siya, palagi ko lang siya sinisisi sa pagkamatay ni Mama. Kahit na hindi naman dapat.

--

JM
• active now

JM: Meng, pwede ba kitang makausap?

Nanlaki ang mga mata ko sa nag pop-up na message sa phone ko. Halos lumundag naman ang puso ko dahil simula noon, ngayon lang siya ulit nagparamdam.

At nakakainis isipin na yung epekto niya sa'kin noon, nandito pa rin hanggang ngayon.

Kahit gustong-gusto ko na bilisan ang pagreply ay pinigilan ko ang sarili ko. Kumalma naman ako saka nagsimulang magtype.

Micee: Tsk. Para saan pa?

JM: May importante lang sana akong gustong sabihin. Pagbigyan mo sana ako, Micee. Please?

JM: Magkita tayo sa playground mamayang 6pm. Hihintayin kita.

Napairap nalang ako sa hangin. Bakit gusto niyang makipagkita? Para saan pa? Para gaguhin ulit? HAHA! Isa lang ang masasabi ko.

T*ngina niya!

--

Time check: 7:00 pm.

Inis kong sinabunutan ang sarili ko. Kanina pa kasi ako patingin-tingin sa orasan.

Bwisit naman, Micee! Umayos ka nga! Wag mo na kasi siya isipin!

Kanina pa ako nagdadalawang isip na pumunta sa playground. Mas nagulo naman ang isip ko ng makitang nagsisimula ng umulan.

ONESHOT TAGALOG STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon