Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa katunayan ay 2 weeks na lang at December na naman. And after that, matatapos na naman ang isang taon. Matatapos na ang 2023 at helo 2024 na. Ang bilis nga lang ng araw eh. Parang kailan lang ay sinasalubong pa namin ang 2023.Ngayon naman ay matatapos na ang 2023 at sasalubongin na namin ang 2024. Sa katunayan ay wala naman masyadong nangyari sa loob ng mga nagdaang buwan.
Noong May ay doon ko nakilala si Andrie sa bus pauwi ng Bataan na kasama sila Eunice, Mae, at Trichia para mag-outing. Buong June hanggang September ay nasa rest house lang kami ni Mama. Naliligo paminsan-minsan sa dagat dahil hindi naman malayo. Before naman ako makabalik ng Maynila ay naisipan ni Mama na bilhan ako ng bagong cellphone. Iyong gamit ko pa kasing cellphone noong mga nakaraan ay iyong binigay na cellphone ni Drixx. At dahil alam naman ni Mama na break na kaming dalawa ay baka naawa na siya sa akin at binilhan na ako ng cellphone. Tama lang iyon dahil medyo ma-lag na rin naman ang luma kong cellphone na tipong ang sarap itapon at ihagis. Pero hindi ko gagawin iyon dahil still mahalaga pa rin iyon sa akin. Itatago ko na lang iyon sa cabinet ko.
Hindi ko di-nelete ang picture naming dalawa ni Drixx. Hindi ko di-nelete ang picture niya roon sa cellphone. Bukod sa cellphone niya iyon dahil siya ang nagbigay, it is also because I want to cherish those memories we had. I don't want to forget him. I always cherish him as a part of my life. Good or bad it is still a memory. A memory that teaches you a lesson that you'll learn. Kahit na sobrang sama ng nangyarin sa amin. Kahit na may samaan kami ng loob sa isa't-isa, ay siya pa rin iyong taong may lugar sa buhay ko. He will always be. Kahit na galit na galit kami sa isa't-isa at kahit na galit pa rin ako sa kaniya hanggang ngayon dahil sa malinaw pa rin sa utak ko hanggang ngayon ang panglolokong ginawa niya sa akin noon.
Dahil sa ginawa niyang iyon sa akin ay sobrang nasaktan ako. Sobrang nadurog ako. Tipong hindi ko kayang wala siya sa buhay ko. Tipong back to square one ang buhay ko kung paano maging mag-isa ulit dahil nasanay ka na may ibang tao na nag-stay sa'yo for almost thre years at pinaramdam sa iyo na espesyal at mahal na mahal ka. At dahil sa ginawa niyang iyon ay wala na akong pinapapsok sa buhay ko. Kahit na sino pa iyon. Kahit pa gustong makilala lang ako, gustong makipagkaibigan o manligaw ay ini-ignore ko sila. Para sa puso kong ayaw ng maramdaman ang sakit. At para sa sarili kong na-trauma na dahil sa pangyayaring iyon.
And maybe there's another reason. At ano naman kayang rason? O kaya aral? Aral na huwag nang umibig muli dahil masasaktan ka lang?
Kung hindi siya ay huwag na lang...
But all in all, kahit na galit na galit pa ako sa kaniya, walang makakapag-bago na mahal na mahal ko pa rin siya. Parang walang nagbago kahit pa ilang araw, linggo o taon na ang lumipas.
Oh shoot! Isang taong break na pala kami noong August. Kita mo na, sobrang bilis ng panahon. Ni hindi ko man lang naisip na makakaya kong umusad. Umusad ng pakunti-kunti. It's okay kahit pakunti-kunting nakakausad. At least nakakausad diba?
Noong August lang din ay birthday ko. Nasa Bataan pa ako n'on kaya doon na lang sine-lebrate. Masaya naman, pero alam ko sa sarili ko na may kulang at alam ko kung ano at sino ang kulang na iyon.
September came, the classes started. MWF ang sched ng pasok namin kaya parang hindi naman pagod. Hindi katulad last year na araw-araw ay may pasok. Pero kahit kaka-start pa lang ng pasok ay pagod na pagod na ako. Na para bang gusto ko ng umuwi sa Bataan para mag-relax, mag-pahinga at mag-unwind.
Noong first day of school ay nagkita kami ni Drixx sa may cafeteria. I'm with my friends and so is he. At first ay hindi ko siya nakita. Sadyang tinuro lang siya sa akin ni Mae.
At nang makita ko siya ay naisip kong blooming siya. Hindi man siya baabe ay nakikita kong blooming siya. He's living his life really, huh?
Pero hindi naman kami palaging nagkikita dahil nakita ko ang schedule nila, stalker lang? Hindi ah. Sadyang magkatabi lang ang mga schedules namin na nasa bulletin board. So ayon nga, MWF din sila parehas sa amin. Pero whole day sila samantalang kami ay half day lang. Paminsan-minsan lang sigurong magkikita. Maybe kapag breaktime naming dalawa o kapag nagkaka-salubong sa hallway habang naglalakad.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Novela JuvenilSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
