Chapter 91

5 0 0
                                        

Nasa bus kami ngayon kasama si Shane, Trichia at Eunice. Pupunta kasi kami ngayon ng Bataan, yes Bataan. Tapos na kasi ang class namin, bakasyon na kaya nasa byahe na kami papunta doon. Actually 2-4 days lang sila doon tapos uuwi na rin sila sa Maynila. Ako naman ay maiiwan doon sa Bataan. Spend the summer vacation with my Mom.

Sana rin this time ay makalimot na ako. Sana pagbalik ko ay nakalimot na ako. Sana pagbalik ko, okay na ako. Sana pagbalik ko ay totoong ngiti na ang makikita nila sa akin. At sana pagbalik ko, kapag nakita ko sila Drixx at ordinaryong pagtibok na lang ng puso ko ang maramdaman ko kapag nakita ko sila.

Huminto ang bus hudyat na magpapasakay ulit kaya may sumasakay na mga eestudyante. Medyo malayo pa pala kami sa bababaan namin.

May tumabi sa'king lalaki, estudyante ng isang university. Noong magse-second year ako last year at dito ako gustong mag-aral ni Ate Maymay kaya lang malayo. At saka magiging irregular lang ako kapag ganoon.

Tumabi siya sa'kin at hindi ko na siya pinansin dahil naka-earphone ako at pati na rin siya. Pauwi na rin siguro siya galing sa school.

"Ate, saan ka bababa? ", tanong ng katabi ko. Sumagot naman ako sa kaniya. "Ahh, kalabitin mo na lang ako kapag bababa ka na ah. " ngumiting tumango naman ako. At saka binalik ang tingin ko sa labas ng salamin habang nakikinig ng music sa earphone ko.

Yeah I'm happy I don't need someone
I'm happy I don't need your love

"Ate, hindi ka ba nilalamig?", tanong ng katabi ko.

"Hindi." Sagot ko naman. Tama naman siya nilalamig ako. Mga 1 hour ago kasi ay tinutok ko ang dalawang aircon sa akin. Kanina okay pa, pero ngayong tinanong niya ay nilalamig ako.

Mataas kasi ang pride ko para aminin na nilalamig ako.

Laying with the windows down
The seat's bent back all the way down

Oh sakto pa yong lyrics kung nasaan ako ngayon ah.

Saturday, drive through sunset, music loud
I'm okay

Napatingin ako sa harapan. Huminto ulit ang bus at nag-akyatan ang mga pasahero at this time  nakatayo na sila. Wala na kasing bakanteng upuan.

Tsk. Bakit pa sila nagsasakay ng pasahero eh puno na nga?

Maya-maya ay biglang tinaas ng lalaki ang kamay niya sa mukha ko. Nagwa-wave, parang ganoon. Parang binabalik niya yong paningin ko sa reyalidad. Basta yon.

"Ate, okay ka lang? ", tanong ulit niya, ng katabi ko.

"Oo." Sagot ko. Natawa siya at natawa ako.

Ang guwapo niya.

Oo, sinabi ko talaga sa isip yan. Ang guwapo naman niya kasi talaga. Tan yong skin. Singkit ang mata. Perfect ang ngiti niya. Good boy look siya kaya ang guwapo niya.

Run away, run, run, we run away
I'm happy, I don't need your love

May sinabi pa yong lalaki na katabi ko pero dahil naka-earphone ako eh hindi ko naintindihan. Kaya siyempre para maintindihan ko siya eh pinatay ko yong music at tinanggal ang earphones at pinasok sa bag. Ganoon din siya, tinago niya rin ang earphones niya at tinago sa bag saka humarap sa akin.

"Hah? ", tanong ko.

"Bakasyon?", tanong niya.

"Oo, bakasyon."

"First mo rito?"

"Ahh hindi. 2021 pa kami nagba-bakasyon dito. Taga-rito kasi yong napangasawa ni kuya kaya dito na rin nagpatayo ng bahay. Bahay-bakasyunan." Tumango siya.

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now