Chapter 93

3 0 0
                                        

Kasabay ng mahinang paghangin ay nagulo ang nakalugay kong itim na buhok. Dahil din sa mahinang pag-hangin ay sumasabay ang mga puno sa galaw nito na tila ba ay masayang nagsasayawan.

'Nay, hindi mo na ako naantay. Hindi mo 'ko naantay gumaduate. Hindi mo na kami naantay ni Drixx na maka-graduate. Hindi mo na kami makikita at mapapanood na masaya naming tinanggap ang mga diploma namin. Hind... Hindi mo na rin makikita na baka magkabalikan pa kami ng apo mo... ni Drixx.

Kung magkaka-balikan nga ba.

Bila tuloy akong napahinto sa pagsasalita ko sa isip ko dahil bigla akong natawa sa huling sinabi ko.

Sino bang hindi matatawa sa sobrang pagka-rupok na lagpas dalawagng taon na mula noong nagka-hiwalay kami ni Drixx. Oo, sariwa pa rin sa'kin sa akin ang pangyayarng iyon. Palaging nasa isip ko iyon mula mula umaga hanggang gabi. Mula sa paggising hanggang sa pagtulog. Ni minsan nga ay pati sa panaginip ko ay ang paghihiwalay pa rin namin ni Drixx ng naroon.

Anong magagawa ko kung ganoon ang nasa isipan at nararamdaman ko? Na dalawang taon na ang nakakalipas mula nang nangyari iyon ay para bang na-stock ako sa timeline na iyon.

Sa dalawang taon na nakalipas ay nandoon lamang ako sa pangyayaring iyon. Samantalang si Drixx at iyong bago niyang girlfriend ay masayang sasalubungin ang tatlong taon nilang relasyon. Oo, magta-tatlong taon na sila sa August. Samantalang ako, heto kaunti na lang ay mababaliw na. Kaunti na lang ay papakinggan ko na ang Right Where You Left Me ni Taylor Swift. For sure ay makaka-relate ako doon. Title pa lang ay alam kong na-stock ako sa lugar kung saan niya ako iniwan.

Sinubukan ko namang makipag-entertatin sa iba. Kaso wala eh. Wala akong magustuhan kahit pa green flag na ang mga pinapakilala sa akin. Ayoko namang gawin silang rebound dahil masama iyon. At saka lolokohin ko lang kung sino mang lalaking iyon.

Papaano kaya nila nagagawa na pumasok sa isang relasyon na hindi pa healed 'no? Lalong-lalo na, papaano sila nakakapasok sa isang relasyon na hindi naman nila mahal ang isa't-isa? Because for me, I can't do that. I can't even do that to the person that is only giving me pure and genuine love. They doesn't deserve the hurt and pain in return. And loving someone I don't? That's the least thing I can ever do to other people.

Eh ano naman diba kung hindi pa ako nakaka-move on? At least wala akong ginagawang rebound o sinasaktang ibang tao.

Makaka-move on naman siguro ako diba? Hindi pa nga lang ngayon. But I know that time will come. All things take time afterall.

Tahimhik akong huminga ng malalim.

Pero 'Nay, alam kong masaya ka na kung nasaan ka man ngayon. No more pain. No more suffering. Till we meet again po.

Ngumiti ako sa harap ng puntod ni Nanay na para bang nakangiti siyang nakatingin sa akin kung makangiti ako.

Bumalik ako sa aking kinauupuan saka tinanggap ang inabot na kape ni Tita Joy, Mommy ni Nicole. Umuusok pa nga ang taas niyon kaya mahahalata mong bagong timpla lang iyon.

Naglapag din si Tita Joy ng kung ano-anong tinapay pero hindi ko pinansin iyon dahil nakikinig ako sa kuwento ni Nicole about kay Nanay, sa Lola nila.

Hatinggabi raw noong isang araw nang biglang hindi makahinga si Nanay. Kaagad naman nilang isinugod sa ospital. Bapag-alaman nila na tumaas ang sugar niya. Idagdag mo pa ang pag-atake raw ng hihbloo niya. Sabi nga raw ng Doctor ay mabuti raw at naidala agad si Nanay sa ospital dahil naagapan daw agad. Pero lumipas ang mga araw, biglang hindi raw umepekto ang mga gamot. Saka ipinagtapat nila ang posibleng pagkawala ni Nanay. Kinabukasan ay nalaman nilang hindi na humihinga si Nanay. Walang paalam, walang sinabi na aalis na siya. Sadyang umalis na lang siya nang walang pasabi para siguro hindi malungkot ang mga maiiwan niya? Ewan. Nagpaalam man si Nanay o hindi, mahirap pa ring tanggapin ang pagkawala niya. Kahit sino naman siguro ang mawala basta mahal mo, mahirap tanggapin na wala na. But this time, they won't be coming back even if we wait for years, decades, or even centuries.

Kahit naman na mag-ex na lang kami ni Drixx ay napamahal na rin ako kay Nanay. Kaya nang malaman ko na wala na si Nanay ay kaagad kog inayos ang mga gamt ko no'n sa university at nagsabay kami ni Nicole na magpunta.

Pinapapunta rin kasi ako ni Nanay sa kanila, dahil hindi ko na raw sila nabibisita doon. Na kahit hiwalay na kami ng apo, pamangkin, pinsan at anak nila ay palaging welcome ang tahanan nila para sa akin. Pero ako lang itong panay sabi ng busy dahil alam ko naman na nandito palagi ang bagong girlfriend ni Drixx. Ayoko namang maging awkward ang atmosphere namin. yoko ring ma-feel bad iyong girlna untl now ay ako pa rin ang gusto ng family ng boyfriend niyang si Drixx kaysa sa kaniya.

Last day na ng burol ngayon ni Nanay kaya mabuti naman at naabutan ko. Dahil kung hindi, baka sobra akong ma-guilty. Na tipong sobrang dami ba talaga ng ginagaw ko para hindi man lang puntahan si Nanay kahit sandali.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko hudyat na may tumatawag.

Si Dina pala, may celebration kasi kami nagayon. Kaunting kainan at inuman dahil tapos na ang kakaba-kaba nilang Thesis. Sino ba naman kasing hindi kakabahan kung ang panelist niyo ay puro terror? na tipog bawat page, hinahanapan kayo ng butas?

Hindi ko sinagot ang tawag ni Dina, pinatay ko at ti-next ko na lamang siya na papunta na ako.

Humarap ako kay Tita Jackie, Mommy ni Drixx. Saka ko nakita si Drixx at sa tabi nito ang bago niyang girlfriend.

Muntik pa akong mahuli ni Drixx na nakatingin sa kaniya dahil bigla rin siyang napatingin sa akin. Mabuti na lang at bumalik kaagad kay Tita Jackie ang paningin ko.

"Tita, aalis na po ako. May pupuntahan din po kasi ako eh." paalam ko.

"Sayang naman. Nagpaluto pa naman ako ng sopas para makakain ka dahil for sure ay hindi ka pa kumakain." natawa ako.

"Hindi na po Tita, thank you po."

"Sigurado ka ba? Gabi na rin, ipahatid kita kay Drixx, mamaya baka mapano ka pa."

"Naku, huwag na po. Kaya ko naman po."

"Okay sige. Maga-update ka kay Nicole kapag makarating ka na sa pupuntahan mo. Magpagpag ka rin pala ah."

"Opo, sige po. Bye po." ngiting sabi ko at isa-isang niyakap sila. Niyakap ko sila ng mahigpit at ganoon din sila sa akin.

Hindi ko kasi alam kung kailan ulit ako makakabisita rito eh. O baka hindi na rin ako makapunta. Bukod sa wala na si Nanay ay wala ng rason upang magpunta pa ako sa lugar na ito. But they assured that I'm still welcome in this place. Wala naman daw magagawa iyong Jode kung nandito ako. Umalis na lang daw siya. Ang sasama eh 'no? Hahaha.

Pero habang niyayakap nila ako ay nakita ko na nakatingin sa akin si Drixx. Tila ba sinusubaybayan niya ang galaw ko.

Tiningnan ko siya at nagkatinginan kami pero ako na itong tumalikod at naglakad paalis. Humangin ulit pero this time mas malakas kaysa kanina kaya for sure ay buhaghag na itong buhok ko.

Pero kasabay ng hangin ay ang pag-gaan ng aking pakiramdam.



Maybe this is the last chapter I'll be updated of this story. Bigla kasing nawala ang notebook ko eh nandoon pa naman ang mga mga chapters nito. Pasensya na. Hahanapin ko na muna iyon saka ako maggu-update sa story na ito. O kung hindi ko man mahanap ang notebook kong iyon ay isusulat ko pa rin ang mga chapters nito pero baka matagalan pa. Sana lang ay mahintay niyo pa rin iyon.
'
Dahil mao-on hold ang story na ito. I'll be updating Finding Mr. Wrong at iyon ang tatapusin ko for now. Pero matagal ko pang matatapos iyon dahil medyo busy ako. Pero sana matapos ko iyon bago matapos ang 2026. Ang bilis naman kasi ng araw. Magtu-two years na rin pala ang story na iyon next year. HAHAHA

May bagong iu-upload din akong bagong story before the year ends. Actually tapos na ang prologue sa notebook ko. Pero hindi ko pa naita-type sa laptop ko dahil hindi ko pa allam ang magiging title. Sorry naman. Mabaliw-baliw na ako kakaisip ng title pero wala pa rin akong maisip. But I can assure you guys, that I'll post it before the year ends. Kaya sana po ay wait niyo na lang at bigyan niyo ng oras basahin.

So, I'll see you there guys. Ingat kayo palagi and God bless.



🌹 TheGirlLOvesRed 🌹



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 22, 2025 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Already Found Him | On-GoingWhere stories live. Discover now