"Class dismissed. " saka lumabas si Sir Joms, teacher namin sa Ethics. Napabuntong-hininga ako dahil tapos na rin ang klase namin sa araw na ito. Mabuti naman at parang pagod na pagod ako kahit na wala akong ginawa mula kaninang pagpasok. Buong class nga namin ay hindi ako nagsulat, nakikinig lang. But still, I'm still tired.
Tumabi ako at sumunod kila Pamela. Habang naglalakad kami sa hallway ay bigla siyang humarap sa akin sabay sabing...
"Nandiyan siya. " kunot ang noo kong tiningnan siya pero nakatingin siya sa unahan namin kaya tiningnan ko ang tinitingnan niya.
Naka-maong jeans, black shirt, at black nike shoes.
Na-realize kong all black pala ang suot niya ngayong araw. Bakit? May patay ba?
Nang tingnan ko siya ay kaagad na nag-iwas ng tingin.
You're staring at me, Mr. Drixx.
Umiwas ako ng tingin pero nakita ko sa peripheral vision ko na tiningnan ulit ako ni Drixx bago siya pumasok sa computer room or computer lab, same as Ryle.
Lumabas na kami ng gate at nakasakay naman kami kaagad sa dyip.
First week na ngayon ng May. Sa 26 ay last day na ng pasok namin and then bakasyon na. Excited na akong magbakasyon dahil sa Bataan ako buong bakasyon.
Wala lang, wala naman akong gagawin dito sa bakasyon kaya naisip kong sa Bataan na lang kasi nandoon din naman si Mama. Pangalawa, gusto ko munang makalimot. After all these days kasi ay hindi pa rin ako nakakalimot. Hindi pa rin ako makalimot.
Noong linggo pala ay pinapunta ako ni Nanay, lola ni Drixx. Tinanong ko sila kung bakit, namimiss na raw nila ako. Nagda-dalawang isip pa nga ako n'on dahil wala naman akong gagawin sa kanila. Isa pa, anong sense ng pinunta ko doon eh nandoon ang bagong girlfriend ni Drixx. In short, hindi na ako part ng family nila.
Pero dahil mapilit si Nanay ay napilit niya akong pumunta sa kanila.
Nakita ko pa si Drixx at iyong girlfriend niya pero hindi ko sila pinansin dahil hindi naman sila ang ipinunta ko doon.
Nang makababa kami ng dyip ay dumiretso kami sa nagbebenta ng mga hikaw, kuwintas at bracelet. Si Shane ay may pinipili, hindi ko naman alam kung ano ang bibilhin niya.
Maya-maya...
"Sophia, letter d oh. " saka itinaas ni Shane ang kuwintas na may pendant na letter d. Natawa ako.
"Bilhin niyo na yan. Bigay niyo sa boyfriend niyo. "
Nagkatinginan kami ni Shane saka ibinalik ang tingin ko sa kuwintas nang may ngiti sa labi.
YOU ARE READING
I Already Found Him | On-Going
Teen FictionSa dinarami-rami ng tao sa mundo... Paano mo nga ba masasabi na... I already found him? Written date: September 1, 2019
