Hindi nagpatinag si Anastacia. Alam niyang kapag nakikita siya ni Casimiro na nanghihina, ganoon din ang binata. Kaya sa halip na magpatianod sa emosyon ng nakaraan, nilabanan niya ito.
"Casimiro. Nagdaan na ang lahat ng ito. Huwag tayong susuko sa ating emosyon. Nandito tayo upang ituwid ang lahat. Mapapatawad nila tayo," saad ni Anastacia upang mapalakas ang loob ni Casimiro.
Lumiwanag naman ang mukha niya nang maramdaman niya ang sinseridad sa tinig ni Anastacia.
Hinugot ni Casimiro ang lakas ng kaniyang lohika sa pag-iisip. Nais niyang ipakitang kakampi siya at hindi kaaway.
"Nasa posisyon ako, gagamitin ko ang batas upang magtuwid," sambit ni Casimiro.
"Sinabi ko na sa iyo, Casimiro," galit na wika ni Maximiliano habang nakatayo sa kanyang harapan. At kinakalag ang tali na gumagapos sa katawan nina Anastacia at Casimiro, sang hudyat na handa siyang making. "Ang bayan ay hindi makikinig sa mga batas. Ang tunay na lakas ay nasa katarungan ng masa, hindi sa mga papel na naglalaman ng mga alituntunin na wala namang kapangyarihan."
"Kung walang batas, wala ring kaayusan, Maximiliano," sagot ni Casimiro na may galit sa kanyang mga mata, ngunit sinubukang magpatahimik ang kanyang tinig. "Gusto mo ng katarungan? Magandang simula ang pagsunod sa mga batas. Baka sakaling ito ang magbukas ng pintuan para sa tunay na pagbabago."
"Tinutulungan mo ba ang bayan o ang iyong pamilya?" tanong ni Maximiliano, ang tinig ay malutong sa mga salitang bitin.
"Sinusubukan kong itama ang mga pagkakamali ng pamilya ko. Pinagdaanan ko ang lahat ng ito para magbago, para itama ang sistema ng mga kasaysayan ng panlilinlang!" sumagot si Casimiro, na ang mga mata ay kumikislap sa ilalim ng mabigat na pagbagsak ng bawat salita.
Kahit ang bawat sagot ay tumatanggi sa ideya ng pakikisama, hindi makatatanggi sa mga katotohanang ipinahayag sa mga mata nina Maximiliano at Casimiro. Ang bayan at ang mga taong napag-iwanan, hindi na sila maghihiwalay, ngunit kailangang magkaroon ng isang pangakong nag-uugnay sa kanilang layunin.
Mahalaga ang isang tulay.
Si Anastacia na tahimik na nakaupo sa silid ay hindi na nakatiis. Lumapit siya sa pagitan nila, nagbigay gabay sa kanilang alitan. "Maximiliano, Casimiro, hindi tayo magtatagumpay kung patuloy tayong maghihiwalay. Ang tunay na laban ay hindi laban sa isa't isa, kundi laban sa katiwalian," wika niya, ang kanyang tinig ay maligaya, ngunit puno ng tapang.
Tumahimik silang dalawa. Ang huling sinabi ni Anastacia ay nagdala ng liwanag sa kanilang madilim na daraanan. Matapos ang ilang saglit na katahimikan, tumingin si Maximiliano kay Casimiro, at tumango siya. "Oo nga, Anastacia," sagot niya, "kailangan natin ng pagkakaisa." Tumalikod siya at naglakad papalayo. "Kasama ka na namin, Casimiro. Ngunit mag-ingat ka. Baka magkamali ka ng desisyon."
Tumayo si Casimiro, inabot ang kamay ni Maximiliano, at nagsalita ng buong tapang. "At ako ay magbibigay ng pagkakataon. Si Maximiliano ang mamumuno sa masa, at ako naman ay mamumuno sa batas. Nangako ako na babawi ako sa mga pagkakamali ng pamilya ko, at itutuwid ko ang lahat ng mali sa ating bayan."
BINABASA MO ANG
La Escapador
Historical Fiction[COMPLETED] Nakakulong si Anastacia sa kahong ginawa para sa kanya ng lipunan -- pagkilos nang mayumi, pananatili sa loob ng tahanan, pag-aaral kung papaano maging mabuting ina at maybahay, at pagpapakasal sa lalaking itinakda sa kanya ng kanyang mg...
