HINDI kona alam kung ilang-araw na akong nandito pero nasisigurado kong wala pang isang-linggo. HAHA
Pupunta ako ngayon sa may swimming pool nila dito para naman kahit papaano maging masaya yung pagpunta ko dito.
Malapit lang naman ito sa may hotel,ilang-minuto lang ang lalakarin hanggang sa makarating.
Hindi ko kayang magsuot ng lantad ang balat,kaya tulad kahapon ay maliligo akong naka-oversized t-shirt tsaka short.
Hindi naman bawal diba?
Bumili muna ako ng pineapple juice saka mas piniling pumwesto sa di masyadong marami ang naliligo.
Sobrang lamig ng tubig pagbaba kopa lang,ilipag ko naman ang juice sa may tabi.
Nasa 7-8 ft ito,gosh!
Kaya pala wala masyadong pumupunta dito,karamihan rin kase ay mga bata.
"Excuse me? pede bang pumalit ka ng pwesto?" tanong ng maarteng babae na may kasama. Tatlo silang babae at dalawang lalaki.
"Kanina paba kayo dito sa pool?" tanong ko na walang emosyon kaya nabigla sila.
"Y-yes, don kami oh" sabi nito saka itinuro ang kabilang pool.
Tiningnan ko lang sila na parang di interesado sa mga pinagsasabi nila.
"Hayss" sabi ko na lang saka lumangoy.
Wala akong pakialam sa kanila.
Kung kailan nandito na ako ay pupunta rin sila? Tss
Sapakin ko kaya sila?
Sumisid ako sa pinakababa saka nagtagal ng ilang segundo lang saka umahon.
Ng mapansin kong nandun pa rin yung lima na nakatingin sakin ay agad kumunot ang noo ko.
Hindi kona lang pinansin at lumapit sa juice ko para uminom sana ng tapikin ito ng isang babae kaya nabuhos.
Yung iba ay nabuhos sa tubig at kumalat saka sila tumawa.
Tiningnan ko lang ulit sila ng blankong expresyon saka umahon na lang.
Wala akong interes sa kanila dahil marami akong iniisip saka pa sila dumagdag.
Amp.
"hoy!!wag mo nga kaming talikuran"sigaw ng babae.
Bobo ba siya? Hindi naman ako nakatalikod ah-,-!
Di kona sila pinansin saka aalis na sana pero agad namang hinila ang buhok ko.
Ampucha ansaket ng anit oh.
Inis kong nahuli ang kamay niya at mabilis na inabot sa likod niya kaya agad siyang napadaing sa sakit.
"wag kayong lalapit,naiinis na ako"diin kong sabi sa kanila.
"b-bitawan mo kaibigan namin!" sabi nung isa.
Umirap lang ako.
"naku miss,tama na yan...bitawan mona girlfriend ko kung ayaw mong patulan ka namin"sabi nung parang adik na lalaki.
"edi bakla ka"sabi ko.
"a-anong sabi mo?! hoy! hindi ako bakla!"sigaw nito saka ako hinila kaya nabitawan ko yung babae.
Ang saket ah! pero hindi ako dumaing,mas pinili kong tingnan lang ito ng blangko.
Inilapit nito ang mukha saka nanlilisik ang mata.
Humigpit ang hawak nito sa braso ko at inis na binabawi.
Pag 'to talaga pinatulan ko,may ililibing talaga bukas.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...