Chapter 126

26 1 0
                                    


Someone's Pov

"AHAHAHAHA magaling! magaling!" sumilay ang ngiti nito ng makita sa screen nito ang mga nagaganap sa arena.

Pinapalibutan nang maraming clevers ang kanilang reyna na walang malay.

Makikita rin ang galit sa bawat-isang miyembro ng Ceveste.

Nagkakagulo ang mga tao at biglaang pagdating ng mga pulis.

"Boss."

"Magaling AHAHAHA makikita mo talaga sa mukha ng mga Ceveste ang pag-aalala sa kanilang mahal na reyna AHAHAHA." sabi ko.

Kung hindi lamang sila gunggong at hindi pinabayaan ang reyna nila ,edi hindi sana ganun ang nangyari.

"Nasa'n na mga tauhan natin? We have a big big greatt celebration!! HA HA HA HA"

"B-boss, nahuli ang apat na kasamahan natin." sabi nito.

"Isa naman ang namatay." dugtong niya na ikinainis ko.

"Inutil!!"sigaw ko saka pinagtatapon mga gamit sa mesa.

"Isang miyembro ang bumaliktad boss at 'yon ang namatay." sabi pa nito na ikinangiti ko naman.

"Mabuti na rin 'yon!!"inis kong sabi.

"Hindi naman po namin inakalang nand'yan ang Ceveste." sabi nito.

"Bobo!!Anong gamit ng mga mata n'yo!?? Kahit isa man lang hindi nakaalam!!?"sigaw ko dito.

"Unang putok pa lamang boss ay agad na nagsilabasan mga tauhan nila at 'yon ang hindi namin alam."sabi nito.

"Asikasuhin mo mga nahuling tauhan natin!! at siguraduhin mong hindi ito kakanta." sabi nito.

"Hindi naman po sila singer---"bago paman nito matapos ay tinutukan kona ito ng baril na s'yang ikinalabas niya sa office ko.

"Nakakabobo!" agad ko namang tinawagan mga kapit ko sa pulisya.

"Nag-uumpisa pa lamang ako Tiana." bulong ko.

"Dad!!"

"Yes darlin'?" sagot ko at hindi na nawala ang ngiting tagumpay.

"Kagagawan n'yo 'yon!? Pa'no pag namatay si Tiana???"sigaw nito na ikinarindi ko.

"What!? 'Yon naman ang gusto mo diba?" tanong ko pabalik.

"Huwag mong sabihin?nagiging malambot kana sa kanila?"tanong ko ulet.

"Huwag na huwag mong gagawin 'yan, kung hindi ay ako rin mismo makakalaban mo." sabi ko dito saka ito inis na lumabas.

HAHAHAHAHAHAHA mapapasakin na rin ang lahat.

---

FARISHA's POV

"Excuse me? Nasa'n ang room ni Tiana?Tiana Salazar." pagmamadali kong tanong sa nurse station.

"Wait lang po ma'am." sabi nito saka may kung anong chineck sa computer.

Hindi ko inasahang may mangyayaring ganito sa kaibigan ko.

Hindi na akong nagdalawang-isip na pumunta dito ng makita ko ang balita sa tv.

"Room 334 po ma'am, this way po." sabi nito saka tinuro kung saan ako dadaan.

Mabuti naman at hindi na kailangan gumamit ng elevator.

Dali-dali naman akong pumunta doon at nakita ko nga agad sa labas sina Kuya Hux.

"Fari?"gulat nilang tanong.

"Punyemas talaga kayo!!"sigaw ko sa kanila saka diretsong pumasok.

Nakita ko naman sa tabi ang tatlong magkapatid habang si Razen ay nasa tabi nila.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon