Chapter 124

40 0 1
                                    


*YAWN*

MABIGAT ang pakiramdam kong napaupo sa kama saka nag-unat ng katawan bago naisipang magsipilyo.

"What the!" napatigil ako ng makita totally ang mukha sa salamin.

Ang laki ng eyebags ko, namumula pa mga mata ko,hays.

"Iyak pa!" sermon ko sa sarili.

Pa'no ba kase? Nabalitaan ko lang naman na uuwi na sila Kuya Hux. Ilang buwan rin silang nawala at hindi nakita simula nung umalis sila.

Hindi ko alam pero buong mag-damag naman akong umiyak, hindi ko man lang naisip na may bisita pala ngayon.

Nang maisipan ko nga 'yon ay agad na kong nagmadali sa pagkilos.

Nang matapos na akong maligo ay agad na akong lumabas at humarap sa salamin.

"Pa'no ba 'to?" tanong ko sa sarili para ayusin ang mukha ko.

"Lady M." tawag sakin sabay katok.

"Pasok." sagot ko na lang.

"Ahm Lady M., parating na po mga bisita" boses ni Xie.

"Wahhhh Xieee!!" parang iiyak na ako kaya agad naman itong lumapit.

"Bakit po?" alalang tanong niya kaya humarap naman ako at medyo nagulat pa ito sa itsura ko.

"Ahmm a-ako na po bahala." sabi niya saka kinuha sa kamay ko ang foundation.

Pumikit na lang ako at hinayaan na lang siyang mag make up.

"Buong magdamag naman po kayong umiyak ano?" tanong nito kaya napadilat naman ako.

"Pa'no mo nalaman?" tanong ko.

"Hindi naman halata sa mata n'yo tsaka sa ingay kagabi." pilosopa niya pang sagot.

-,-

"Ayan, okay na po." sabi nito

"Thanks." sabi ko saka sinuri ang mukha.

Nakakahiyang narinig nila pag-iyak ko. Talagang maririnig kase sa verandah ako,amp.

Mabuti naman at maayos ng tingnan.

"Sige po, hintayin kona lang po kayo sa labas." sabi nito saka yumuko pa at lumabas na.

Tumayo naman ako naghanap na ng susuotin.

"Breakfast po muna kayo Lady M." sabi nito ng makalabas na ako.

"Wala paba sila?"tanong ko dahil sabi niya kanina parating na.

"Malapit na raw po pero i'm sure magtitipon pa sila para sa announcement at instructions na binigay niyo, si Vie na bahala do'n." paliwanag niya kaya tumango lang ako saka umupo na.

"Morning manang." bati ko.

"Kay gandang bata naman, morning din... wag kang mag-alala sa mga pagkain dahil ayos na lahat." sabi nito kaya ngumiti naman ako saka tinanggap ang binigay niyang kape.

Konti lang naman kinain ko dahil parang nawala ata gana kong kumain.

"Nasa'n si Kaebe?" tanong ko naman.

"I'm here crying little baby." sagot mula sa likuran ko.

Agad ko naman itong tinapunan.... ng masamang tingin.

Ang laki naman ata ng ngiti niyang umupo sa tabi ko.

"Goodmorning." bati niya kaya inirapan ko lang 'to.

"Okay na 'yang tarayan mo'ko kesa laging blade bumubungad ng umaga ko." sabi ko.

"Pasalamat ka't may bisita tayo ngayon tss." sabi ko dito pero humalakgak lang ito ng tawa.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon