Chapter 112

28 2 0
                                    


"Hey" sabay kaway ni Fari mula sa labas ng maglunch na.

Mas nauna ata silang nagbreak kaya nagawa pa nitong dumaan dito,inaayos ko muna ang mga gamit ko bago kami lumabas.

Agad itong kumapit sa braso ko at ngumiti ng malapad,problema nito?

"Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong dahil pag ganito kase si Fari ay may dinadamdam siya.

"Yup! opkorss HAHAHA" sagot niya at tumawa pa pero kita ko namang ang lungkot ng mga mata nito.

Nararamdaman ko 'yun...

"Kumain na lang tayo, Hahahaha" masigla kong sabi at hindi na lang siya tinanong pa dahil alam kong siya na mismo ang magsasabi sakin.

Dumiresto kami sa may canteen at nandon na nga sila.

"Mga tutaaaaa talaga kayoo,ano? bat di nyo'ko ginising?" bulyaw ko sa kanila.

Umupo naman ako sa tabi ni Razen na nakangiti pa.

"Ang himbing kase ng tulog mo" sagot nito.

"Alam nyo namang mala-late ako eh!" sabi ko.

"May tulo-laway kapa nga habang natutulog" sabi ni Yaco kaya ayon lumipad ang box ng tissue sa mukha niya.

"HAHAHAHAHA" agad naman silang nagtawanan.

Mga nimal,amp-,-.

"Oh gurl, bat tahimik ka ata?" tanong ni Charby kaya lahat naman ng tingin namin napunta kay Fari.

"H-ha? ah HAHAHAHA ano may tonsil a-ako" sabi niya at hinahagod pa ang lalamunan.

Nagkatinginan naman kami ni Charby dahil alam na namin ang ganitong ugali ni Fari.

"Kumain na tayo" sabi ko para lang mawala ang tensyon.

"May problema ba?" bulong ni Razen.

"Wala,kumain kana lang hahahah" sagot ko at nag-umpisa ng kumain.

Bigla namang naningkit ang mata ko ng makitang okay naman kung kumain si Fari, akala ko masakit lalamunan niya?

Tss.

Napailing na lang ako saka nagpatuloy sa pagkain ng makitang papasok ng canteen si Haze at alipores niya.

Umirap lang ako sa kawalan ng makita kung gaano kalaki ang ngisi niya.

Parang lasing naman itong rumampa palapit sa amin.

"Ang mga ahas~
na gumegewang~
ay papalit na~" biglang kanta ni Charby at ganda pa ng pagkanta.

Pfffft---,-

"Wasup,looks like... everyone's happy" sabi nito habang ang isang kamay ay nasa upuan ni Yaco.

"Anubayan Yaco! hindi kaba naligo?" reklamo ni Yohan na nasa tabi niya.

"Teka....Ewan,bigla akong nangati eh" sabi nito.

Nagpipigil naman ako ng tawa.

"Tss,mga sira...tingnan lang natin kung makakatawa pa kayo mamaya,tss!" sabay walk-out nito.

Natawa na lang kami.

Maya-maya lang ay may lumapit na isang babae,parang ayaw pa nitong humakbang at nanginginig ang kamay habang hawak ang isang baso ng juice.

Papalit ito sa gawi ko.

"S-s-sorry" sabi nito at itinapon ang juice sakin pero hindi man lang ako nabasa.

Pagtingin ko ay basang-basa na ang sahig,nabasag na rin drinking glass.

Nakatayo naman si Prix at kaharap na yung babaeng may gawa 'non, na ngayon ay nanginginig pa rin at nakayuko na.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon