"good morning self! iloveyou self! muah" sabay-unat ko pa bago bumangon dahil maaga na at nasisilaw na ako sa sinag ng araw.
Gosh!
Masarap ang tulog ko dahil sabay-sabay kaming kumain kagabi at unti-unti na ring bumabalik ang pagbibiruan namin.
WAHHHH mahh layp!
"Lalalalalala~~" pakanta-kanta kopa at paikot-ikot.
"awch!" kaya ayon nauntog sa may pinto ng banyo.
Buwisit!
Napahilot na lang ako sa may noo ko habang papasok sa may banyo.
Agad napatingin sa salamin at grabe pala ang pagbago ng katawan ko dahil sa nangyari.
Pumayat ako at medyo hindi pangit tingnan ang mata ko dahil lagi akong puyat 'nun kakaiyak lang.
Konting alaala lang ay napapaiyak ako,may konting bagay lang nakikita ay naiiyak ako at hanggang umaga na 'yon.
Minsan sa sarili ko ay hindi ko mapigilang umiyak ng sobra,yung tipong hindi kona mapigilan yung emosyon ko.
Para pa nga akong tanga na kulang na lang ay saktan ang sarili para tumigil sa pag-iyak kase sobrang sakit sa dibdib.
Meron kang dibdib?Chocks!
Mabuti na lang at hindi ako nabaliw,
ahem syempre maliban sa bebeluvssweetiepiehoneybunch ko.Ews,ang sagwa!
Nagsipilyo ako bago pumasok sa shower para maligo.
Ramdam na ramdam ko ang malamig na tubig na dumadaloy sa balat ko.
Ilang-oras akong nasa banyo dahil ganun talaga ako.
Mas nagtatagal pa kase akong nakatulala at nag-iisip kong itutuloy ba ang pagliligo.
Oh diba? pati sa pagligo tinatamad ako pero.... kailangan talagang maligo eh.
Ligo everyday! Pawis later--este Fresh Everyday syempre.
Naghanap na lang ako ng masusuot saka muling inayos ang sarili sa harap ng salamin.
Parang ngayon lang ako muling nag-ayos ng mukha kahit hindi kona kailangan 'yun pero dahil sa stress...sa sobrang lungkot,iyak at pagkulong sa kwarto ay para ngang isang-buwan akong walang-ligo.
Syempre pinipilit ko ang sarili para bumangon kahit hirap na hirap para makaligo lang.
Minsan ay mas tumatagal pa ako sa banyo kase nakatulala lang.
Minsan nga ay akala nilang patay na ako dahil nakalublob ako sa bathtub pero nirelax ko lang yung sarili ko 'dun.
Nagulat ako na lahat sila ay nandun pero nakatshirt naman ako 'nun dahil sa sobrang kalutangan ko ay nagba-babad ako lagi sa bathtub pag pasok palang ng banyo.
Kayo ayon puro palo nila Fari ang natanggap ko at nagawa ko pang tumawa sa mga reaksyon nila.
Pero nung nakita kong umiyak si Fari at halatang sobrang pag-aalala nila sakin ay 'don ko napagtantong mahalaga ako sa kanila.
Sobrang swerte ko sa mga kaibigan ko na pamilya na ang turingan namin.
Kahit ano 'yong nangyari ay hindi nga nila ako iniwan,'dun palang ay sobrang pasasalamat ko sa kanila.
Wala akong balak naman na tapusin yung buhay ko dahil alam kong kasalanan 'yon tsaka napakaimportante ng buhay ng isang tao dahil nag-iisa lang 'yon.
Pag nawala,hindi na maibabalik.
Talagang nasusubok yung pagkakaibigan namin dahil hanggang ngayon ay buo pa rin kami.
"goodmorning" bati ko sa kanila.
Tanging ceveste lang ang nandito dahil umuwi ang mga sisiw,sina Fari.
Babalik din sila mamaya."Good morning Lady M" bati nila.
"Pucha naman oh!" mura ko ng makaupo kaya agad namang tinap ni Razen yung bibig ko.
"sorry" nasabi ko saka kunwari tinampal-tampal ang bibig.
"Tiana nga kase! TI-YA-NA!" pagkokorek ko.
"Ti....ya....nak..-awch" sabi ni Yaco kaya ayon nakatanggap agad ng batok sakin.
Buwisit!
"Matangkad ka lang saking 3 inch,kuha mo?Tsk" sabi ko.
"Ang alin?Anong nakuha?" tanong niya.
"Pffftttt HAHAHA kumain ka ng marami ah,pakabusog ka" sabi ko dito at ako na mismo naglagay ng pagkain sa plato niya.
"Thanks" sabi nito saka ngumuso.
"Alam mo...naiiba ka talaga sa dalawang kambal mo eh"sabi ko saka uminom ng kape kaya ngumuso ito.
"Is that a compliment? Thank you"sabi ni Yohan.
"But don't yah worry,I love the way you act like a kid...kuha mo? kaya stay who you are,more blessings to come,more birthday to com---" hindi ko natuloy kaya inis kong nilingon si Yaco.
Lagyan ba naman ng toasted bread ang bunganga ko.
"Letse ka talaga!" inis kong sabi at kinain na lang 'yon.
"Hayaan mona bunso" sabi ni Kuya Hux.
Ahh namiss ko ang pagtawag niya sakin ng bunso.
"wag niyong asarin si Yaco,TBH ang cute kaya ng tuta ko"sabi ko dito dahil inaasar nila ito.
"TBH?" tanong niya dahil letra lang ang sinabi ko.
"Don't tell me hindi mo alam?" tanong ko dito.
"Naku Yaco,matagal kana dito sa earth" sabi ni Charby.
Ah namiss ko ang baklang 'to.
"alam ko 'yun ah" sabi nito.
"sige nga" sabi ni Prix.
ah namiss ko ang lokong 'to.
"Hahahaha The Black Hotdog Hahahaha"sagot nito.
"Pfft HAHAHAH" mas natawa kami sa tawa niya,amp-,-!
"shutdown na" sabi ko.
"Pfft,shut up 'yon" pagkokorek ni Kaebe.
"Tse! shut up? shut down? parehas lang 'yon,you know sarcasm?" sabi ko dito pero tumawa lang ito.
"Do you still remember Tita Beth story about The Black Burn Hotdog?" tanong ni Yoshi saka tumingin kay Kaebe kaya agad siya nitong binatukan.
"HAHhahahaha yeah yeah" sang-ayon namin.
"Oh don't forget yung sinabi rin ni Tita Zette kay Razen nung baby pa siy---" di natuloy ni Prix ng agad siyang abutin ni Razen.
Buwisit na mga tutang 'to.
"Hepppp! Stop! Wait a minute kapeng mainit" pigil ko sa kanila dahil kulang na lang maglaro sila sa taas ng mesa.
"Kumain na muna tayo"sabi ko sa kanila para tumigil ang kalokohan nila.
"Yes,Lady M" sabi nila saka kumain na rin.
Hayssss parang mga bata.
Kahit kumakain ay nag-aasaran pa rin sila pero angsaya lang dahil hindi sila napipikon,maliban sa batukan nila ang isa't-isa dahil kasama 'yon sa kakulitan nila.
"By the way, Tiana...marami kaming sasabihin sayo,mga naiwang habilin ng Grandma mo saka meron itong pinabibigay rin"sabi ni Kuya Hux.
"Okay po"sagot ko at nakangiti pa dahil hindi ko mapigilang sumaya na ulit.
Ito na ang panibago pa rin sakin, siguradong masasanay rin ako.
Alam kong marami akong kailangang matutunan bilang Reyna,at pangakong gagampanan ko ito ng buong-puso.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
AçãoShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...