CHAPTER 69

67 3 0
                                    

"SINO!?" sabay naming tanong ni Razen ng pareho kaming nakaposas na ngayon.

"No other than,the poging-cute Yaco"pumasok nga si Yaco at may nakangisi na ngayon.

Kasama rin nila ang Cevéste pa na may nakakalokong ngiti na pati na rin ang dalawang kaibigan ko.

"What is the meaning of this!?" mahinahon kong tanong.

"wala naman,para naman mag-enjoy kayong dalawa" sabi ni Yoshi.

Sinamaan ko naman ito ng tingin,hindi naman ibig sabihi 'non ay ayaw kong makasama si Razen pero ayoko lang talaga nito.

Jail Booth?

"Inereklamo ka nila Miss Tiana na ninakaw mo raw ang puso ni Razen at wala itong kabayaran"sabi nung isang babae at tinuro pa mga kaibigan namin.

"Ikaw naman Razen ay inakusahang #hindiloyal,at nagdala kapa raw ng ahas kaya wala itong kabayaran" sabi nung beki na parang may binabasa talaga na isang kasulatan.

"Teka? anong ahas? San mo nakuha ang ahas Razen?" tanong ko dito.

"Wala naman ah" sabi nito.

Tiningnan ko naman si Fari at Charby na tumatawa na. amp!

Hindi na ako magtataka kung sinong tinutukoy nila.

"Ikukulong kayo dito ng isang-oras dahil matibay ang ebidensya nila at sila ang witness" tinutukoy nila mga kaibigan namin.

Wtf!

"Pano ba yan guys? Enjoy" sabi Fari .

"Good luck bunso" sabi ni Kuya Hux.

"Pasalamat kayo sakin ah" sabi ni Yaco.

"H-hoy teka---" agarang lumabas na sila kaya naiwan naman kaming dalawa ni Razen at ikinulong sa gawa nilang selda.

Hindi ito makikita sa labas dahil purong tela ang palibot.

Magkaharap kami ngayon habang ang isang kamay ko at isang kamay niya ay nakapatong na nakaposas.

Pinatong ko naman ang siko sa arm chair at pinatong ang mukha sa kamay kong hindi nakaposas.

Naramdaman ko naman ang paghawak nito sa kamay kong nakaposas dahil magdikit na 'yon.

"Aza" mahinang tawag nito.

"Hmm?" sagot ko at tinitigan ito,masyadong magandang tingnan ang mukha niya.

"are you mad?" tanong niya.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa tanong niya.Tititigan koba siya kung may kasalanan ito sakin? aish!

"Hindi,bakit baman ako magagalit sayo?" tanong ko.

Napapabuntong-hininga naman ito sabay pisil sa kamay ko at pinagkaisa 'yon.

"sorry...sobrang busy lang talaga tsaka hindi naman ako nakikipag-usap ng kung ano kay Haze.Promise" sabi nito.

Hindi ko inaasahan na ganito ang sasabihin niya.Alam kong sinsero ito sa sinasabi niya at bakas pa sa mga mata nitong nagsusumamong sana ay hindi ako galit.

Hinawakan ko naman ang pisngi nito tsaka napangiti. Parang ngayon ko lang siya nakitang matamlay ng ganito.

"I'm not mad at you,okay? I understand naman eh" sabi ko dito.

Lumapit ito at hinalikan ako sa noo,tuloy ay parang lumulukso na ako sa sobrang saya.

"bumalik si Yohan,hindi ka raw kumain" sabi nito.

Alanganin naman akong ngumiti saka napakamot sa batok.
Akala ko talaga hindi sila sasabihin kay Razen,tss.

"I'm full" sagot ko pero kumunot ang noo nito ng umalma ang tyan ko-,-!

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon