"HELLO" sagot ko sa numerong tumawag na hindi ko kilala.
sino naman ito?
"Azalea Tiana?" tanong ng isang babae.
"Speaking" sagot ko.
"Good afternoon po,ako nga pala si Gel..secretary ni sir Vince" pakilala nito.
Sir Vince? Ah yung manager nung sa birthday party.
"Ah yes,bakit?" tanong ko.
"He wants you to be a model... together with Mr.Yaco Nishania" sabi nito.
Nagtanong pa ako kung ano bang product at nagulat pa dahil akala ko talaga si sir Vince ay Events Manager,dami palang trabaho.
"Yeah,after class.Thank you" sabi ko at binaba ang tawag.
I'm sure namang alam na ito ni Yaco,tskk.
Di na ako magtataka kung si Yaco ang kinuha nilang model,besides sa pagiging gwapo nito na maraming nakakapansin agad pa ito'y dumaan ay mahilig din siya sa Chocolate.
Bumalik na ako sa room dahil nagpaalam lang akong pumunta ng banyo.
Lunch break naman pero ilang minuto na lang ay klase na naman.
Hindi pa rin maalis sa isip ko yung nangyari sa arena! Goshhh
Nadala ko pa pagka-linggo at buong-araw akong napaisip dahil 'don.
Bakit hindi ko ba agad napansin 'yun? Tss.
Kahapon lang ay nahalata kong napakabusy nila na tila'y may hinahanap.
Hindi na ako nagtanong dahil hindi naman ako interesado sa kung ano mang hinahanap nila.Tss.
"bat ang tagal mo ata?" salubong ni Fari sakin.
Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng room.
"May kinausap pa ako"sagot ko.
Dumungaw naman ako sa baba ng building kahit nasa ikalawang palapag lang naman kami.
Nakita ko naman si Razen na may kausap na babae. Parehong nakangiti pa sa isa't-isa.
"masakit?" tanong ng katabi ko.
"oo...a-ah h-ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan?" tanong ko,nakita ko pang napatingin dito si Razen at ngumiti! wahhh-,-!
Agad akong napaharap sa room namin.
"Ay nagseselos ka" sabi ni Fari.
"Ako? no way HAHAHA never" sagot ko.
"Yes way"sabat naman niya kaya napairap na lang ako.
"Eh sino nga kinausap mo kanina?" tanong niya.
"Gel raw" sagot ko.
"sino? admirer?" tanong niya at patulak-tulak pa sakin.
Hinampas ko naman ito dahil malapit akong masubsob.
"Sino ngaaa?" tanong niya.
"Secretary ni sir Vince raw" sabi ko.
Agad namang namilog mga mata niya at literal na napanganga.
"OA mo!" suway ko.
"Gaga! hindi koba kilala 'yun?si sir Vince Nuevo!!" tanong niya.
"Kilala,syempre! Nakausap kopa nga nung birthday party nila Yaco" sagot ko.
Patalon-talon naman siya!
Sinong hindi makakakilala sa isang tanyag na Fashion Designer/Manager of Model Agency ....pala.
Kilala rin ito sa pagiging strikto pag dating sa trabaho pero sobrang galing humawak ng mga proyekto.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...