FARISHA POV
"TIANA!!!!" sigaw namin ng makita itong naliligo sa ulan.
Jusko!
Maagang-umulan pero nagising ako dahil sa tawag nila tapos paglabas namin ay nakita namin itong naliligo sa ulan.
"TIANA tama na yan! sobrang lamig na oh" sigaw ko pero mukhang nag-eenjoy lang ito sa ginagawa.
"Hay naku!pag yan talaga nabaliw" sabi ni Charby
"hOy Gaga! nag-eenjoy lang 'yan oh tsk" sagot ni Blythe.
"oo nga,look at her" sabi ni Ate Euryz kaya napatingin kami sa kanya na ngayon ay parang nagsasayaw.
Ang saya niya panoorin kahit naman alam niyang sa loob nito ay nalulungkot siya.
Gusto niyang i-enjoy ang bawat sandali at ganun nga si Tiana. Ginagawa niya ang nakakapagpasaya sa kanya bago isipin ang mga bagay na ikadudurog niya.
Alam naming hindi madali ito sa kanya dahil malalayo ito sa dating kagawian niya. Magiging busy siya,lalo na't nalaman kong sobrang humina ang lahat sa kanila.
Tanggapin niya man o hindi,talagang hindi siya makakatakas.
Alam ko namang nagpapalipas muna siya ng oras dahil gusto niyang pag-isipan.
Bilang kaibigan ay dapat nakakaunawa ako sa kanya,walang akong magawa kundi ang suportahan siya.
"WOAHHH c'mon guysss! Let's continue the partyyyy!" sigaw nito samin at paikot-ikot pa.
"Magkakasakit ka niyan!!" sigaw ko pero ngumisi lang siya.
Ang tigas ng ulo niya.
"Oh san ka pupunta?" biglang tanong sakin ni Blythe ng magpapaulan na ako.
"Kailangan niya ako...tayo"sabi ko saka nagpabasa na rin sa ulan.
Agad akong lumapit sa kanya kaya todo ngiti niya sakin.
"Wahhh maliligo ka rin?" excited nitong tanong.
"Ano pabang magagawa ko? Kita mo oh!!basa na rin ako" sabi ko at sumimangot.
"okay lang 'yon,mag-eenjoy ka naman Hahahaha" sabi nito at hawak pa ang kamay ko saka ito patalon-talon.
"Baka magkasakit ka nyan?" tanong ko.
Alam ko kasing mahina ito,lalo na pag nababasa ng ulan.Hindi siya pwedeng magtagal na maligo ng ulan.
"Ano? Ako magkakasakit? Tss. Ang lakas ko kaya!!" masigla nga nitong sabi saka ako inambahan.
Agad naman akong tumakbo pero hinabol niya ako saka binatukan,amp!
"Tekaaaa! Sali kamiiiii" napahinto naman kami saka napatingin sa Ceveste na nakatayo na sa harap namin.
Pati na rin sina Ate Euryz kaya nababasa na kaming lahat.
"Duh guys!Talagang maliligo kayo sa ulan?" reklamo ni Haze na hindi pa rin lumalapit.
Psh,arte.
"Prix,Yaco"sabi ni Tiana saka itinuro si Haze.
Agad naman sumunod ang dalawa saka hinila si Haze palabas kaya nabasa na rin.
"Let's partyyyy!! WOAHHH" sigaw ni Tiana kaya sumunod naman kami at nag-eenjoy na rin.
Panandaliang kinalimutan ang lungkot at mga dapat isipin.
Sumasayaw sa ulan,tumatalon,tumatawa na parang walang iniwang problema.
Makikita kong pano bumalik sa pagkabata,kung pano nasabik sa bawat patak ng ulan.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...