TIANA's POV
"AYOS ka lang?" tanong ni Prix habang nakatanaw sa malawak na dagat saka binalingan ako ng tingin.
"Hmm" tugon ko saka ngumiti kahit alam ko sa loob kong may sakit.
Nakatanaw na rin ako sa dagat habang dinadamdam ang bawat ingay na dulot ng mga alon.
Nakaupo kami at nakasandal sa kotse nito,ipinarada niya lang ito sa maliit na daan kaya mula dito ay makikita ang mala-asul na dagat kasabay ng along sumusugod sa labang walang kahahantungan dahil may katapusan ito.
Pero sakin ay parang natawa ako sa ginawa ko dahil ako yung naglakas-loob na sumugod kaya huli ako ang naaggrabyado.
"salamat Prix" salita ko dahil kanina pa kami tahimik habang ninanamnam ang simoy ng hangin.
"para san?" tanong nito saka tumingin sakin.
"kanina...para kanina"sagot ko at ngumiti.
Natawa naman ito ng mahina pero kita kong may hinahakit ito sa mga mata niya.Nakikita ko 'yong sakit saka paghihinayang sa mata nitong tila'y sumisigaw sa kalungkutan.
"Welcome,gusto ko rin naman mag-unwind" sabi nito saka bumuntong-hininga.
Ang ineexpect ko ay sa bar kami pupunta dahil yun naman ang pagkakilala ko sa kanya.
Pero dito pala kami pumunta,ilang-minuto ang byinahe namin...baka nga oras pa eh.
"Bat dito tayo pumunta?" tanong ko sa kanya.
"Lagi naman akong nandito" sagot niya.
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya pero hindi ako sumagot.
"Dito ako madalas...Pumupunta muna ako dito saka naman sa bar" sabi nito.
Hanep,gusto niya sa tahimik pero maya-maya lang ay pupuntang bar.
Sa totoo lang ay mas gusto kong lugar ay ang sa tabi ng dagat.
Mas nakakarelax,nakakagaan sa pakiramdam.Hindi ako nakakaramdam ng pagod pag ganun.
"Do you believe me if I have something to tell you?" biglang tanong nito matapos dumaan ang katahimikan kanina.
"It's depends on situation Hahahaha" sinubukan kong magbiro pero tumawa nga siya pero ayon na naman ang kalungkutan sa mga mata nito.
"Okay?..." sabi ko dito kaya ngumiti ito kaya binalik ang tingin sa dagat.
Unti-unti ng bumaba ang araw.
"Xen..Hera Xen" panimula nito.
Hindi ako sumagot pero bagkus ay nakinig lang ako habang nakatanaw pa siya sa araw na malapit ng lamunin ng dagat.
"She's my ex...Ex-Fiance" sabi nito.
Nagulat pa ako dahil sa sinabi nito..may fiance siya? Ex-Fiance.
"5 years kaming nagsama hanggang sa maisipan kong magpropose sa kanya.Okay naman siya,mabait sobrang maalaga kaya nga nagtagal kami." sabi nito.
"Wow 5 years? Tapos?" tanong ko.
Mapakla itong tumawa saka bumaling sakin.
"After a day,she broke-up with me without any reasons" sabi nito.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito.Sobrang saket nun.
"Para akong mabaliw sa araw na 'yon,sinuyo ko siya.Pinuntahan ko ito pero ayaw niyang magpakita sakin.
Ginawa ko lahat ng makakaya ko,napabayaan kona rin pag-aaral ko" sabi nito.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...