CHAPTER 96

42 3 0
                                    

"grandma.." sabi ko ng tuluyang makalapit sa kanya at hinawakan ang kamay nito.

"Sabi ng doktor,matanda na raw siya at hindi na kaya ng katawan niya.Bumagsak na ang resistensya niya at mahina na rin ang tibok ng puso nito"sabi ni Razen.

"Anytime...grandma will---"

"Please,ayokong marinig" pigil ko dito habang mahigpit kong hinahawakan ang kamay ni Grandma.

"Tiana...pwede kang magpahinga muna" sabi nito.

"Hindi ako pagod,pwede bang iwan mo muna kami?" tanong ko.

"sige" sabi nito saka lumabas na.

"Grandma..."tawag ko dito kahit mahimbing ang tulog niya.

"Nandito na po ako" masaya kong sabi, pinipigilang umiyak.

"Gusto niyo dibang naririnig mga kwento ko? Kung anong mga ginawa ko? Grandma..." kwento ko dito pero tanging paghinga lang nito ang naririnig ko.

"Ang ganda po ng pinuntahan ko Grandma...gusto mo bang pumunta tayo 'don? Palakas kana please" kausap ko dito kahit alam ko namang natutulog siya.

"Grandma...mahal na mahal kita" sabi ko at hindi na napigilang umiyak.

"Makakaya mo 'yan kase alam kong malakas ka kaya nga kinakaya ko diba grandma? Wake up please...." pakiusap ko dito.

Napayuko naman ako habang hawak pa rin ang kamay niya at umiiyak.

Ayoko mang-isipin pero gusto kong makasama pa si Grandma.

Marami pa akong gustong marating na kasama siya dahil siya ang pinakasupporter ko sa lahat.

Siya na ang pinakabest na Grandma na nakilala ko...na binigay at laging inaalala ang kalagayan ko.

Nawala na si Mommy at hindi ko na alam ang gagawin kung pati si Grandma ay kukunin na rin sakin.

"Sorry po...sorry" sabi ko.

"Sana hindi na lang ako umalis...edi sana nabantayan kita at nakapagbonding tayo" kausap ko pa rin.

"Grandma...nandito na po ako oh,diba may pupuntahan pa tayo? grandma...." hikbi kong sabi.

Wala akong pakialam kung naririnig ba nila ang pag-iyak ko.

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong hinahaplos ang buhok ko.

Nakatulog pala ako.

"Grandmaaa" bulalas ko ng makitang gising na ito at nakangiti.

"Tatawagin ko po sila----"akma akong tatayo ng pigilan niya ako kaya ngumiti namang akong tumingin sa kanya.

"Kumusta pakiramdam mo Grandma?" tanong ko dito.

"Okay lang ako apo dahil nakita na kita"sabi nito kaya hindi ko mapigilang maluha at hinawakan ang kamay nito.

"Sorry Grandma dahil umalis pa ako...edi sana nabantayan---"

"Wag mong sisihin ang sarili mo Tiana,alam mong naiintindihan kita.Masaya kaba 'don sa pinuntahan mo?" tanong niya kahit mahina na ang boses.

"Opo Grandma,sa susunod ay pupunta tayo 'don basta palakas kana ah" kumbinsi ko dito habang siya naman ay nakangiti.

"Tiana...Wag mona akong intindihin,gusto kong maging masaya ka at wag mong hayaan ang sarili mo apo" sabi nito kaya patango-tango naman ako.

"Pasensya na po...." paumanhin kona naman.

"To find fault is easy but to do better is different...nasa iyo ang desisyon apo" sabi nito.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon