Chapter 120

34 2 0
                                    


CHRISTMAS.....

"Merry Christmas" nakangiting bungad ni Manang ng makalapit na ako ng kusina.

Busy silang lahat at maraming niluluto.

"Bakit andami naman po?" tanong ko habang nakangiting tumingin sa hinahanda nila.

"Alam ko namang magsama-sama naman kayo mamaya hehehe" sabi nito at naexcite pa ,kahit ako naman.

"Kaya nga po" sabi ko.

"Oh sya,magkape ka muna" sabi nito.

"Ako na po kukuha Manang" sabi ko kaya ngumiti lang ito.

Lumapit naman ako sa coffee maker tsaka naghintay ng ilang sandali bago pumuntang dining.

Mukang busy rin ang Ceveste ngayon, lahat naman kami.

Sunod-sunod yung mga trabaho at sa pag-aaral namin,nakakastress this past few days.

NGAYON na pasko ay isinantabi ko muna lahat dahil sobrang excited ko.

Sa wakas magkikita na naman kaming lahat, kaming magkakaibigan.

Tamang-tama talaga ngayong pasko...

"Lady M." nakita ko namang papalapit sina Vie at Xie.

"Merry Christmas!" sabi ni Xie at napatalon pa.

"Tigil mo na yang kakatalon mo,di kana tatangkad pa" asar ni Vie

"Amp, che!" sabay-irap nito, mas matangkad kase si Vie HAHAHA

"Goodmorning,bakit?" tanong ko.

"Ahm, ayos na po lahat ng mga pinabigay niyo.." sabi ni Vie at sumulyap pa kay Xie pero di sya pinansin.

"At nadeliver na naman, maraming salamat daw po" pagpatuloy niya ng walang balak magsalita si Xie.

Natawa na lang ako sa kanila dahil naalala ko naman yung pagkakaibigan namin nina Fari at Charby.

Namimiss ko asaran namin,tawanan..

"Lady M.!"

"H-ha?" nabigla pa ako.

"Sabi ko po, aalis na po kami" sabi nito.

"sige,pasensya na. Pwede rin kayong pumunta dito mamayang gabi" sabi ko.

"Try namin mwehehe" sabi ni Xie saka kumaway na kaya ngumiti lang ako.

Baka pupunta muna sila sa pamilya nila.

"Salamat" sabi ko ng dalhan ako ng pagkain habang nagkakape pa.

Dinala ko na lamang yung isang slice ng cake papuntang garden.

Mas nakakafresh tuwing umaga pag dito agad punta ko.

Sana naman mabuo kona yung korona, hindi ko pa pala nasabi sa kanila...

Kailan kaya pwedeng sabihin? Kaso kulang pa, nawawala ang isang diamond.

Pagnakataon na mahanap ko yon ay agad na sasabihin sa kanila dahil alam kong importante din 'yon sa kanila.

(phone ringing...~)

(Farishamarufokk calling~)

"Hellooo Fari? goodmorning and Merry Christmas!" bati ko agad dito.

(Merry Christmas din...) sabi nito.

"Nasa'n kana? Pupunta ka dito diba?" tanong ko.

(Tiana...sorry)

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon