CHAPTER 3

174 12 0
                                    

*knock*knock*

"Pasok." tugon ko habang pinapatuyo ang buhok ko dahil kakatapos ko lang maligo. Nakita ko naman si Manang.

"Bakit po?" tanong ko. "Pinadala na ang kotse mo dito iha, anong bang nangyare do'n?" tanong nito.

"Naflat po 'yong gulong, Manang."sagot ko.

"Oh s'ya, bilisan mo at nandito nandito ang lolo mo." napatigil naman ako. Si lolo? 

"Grandpa? si lolo Juno?" paninigurado ko.

"Oo kaya bilisan mo na d'yan dahil nakaready na ang dinner." sabi nito.

"Sige po manang." lumabas na ito kaya dali-dali na naman ako sa ginagawa ko. Excited na akong makita si lolo- one of my closest person.

"Grandpaaa, wahh I miss you." nasa hagdan palang ako at nakita kona ito sa sofa at kaharap si Dad. Muntikan pa akong maslide sa hadgan.

"Hi Dad." humalik pa ako sa pisngi nila.

"Lolo, namiss kita." niyakap ko pa ito. "I miss you too, apo... have a sit." sabi nito kaya umupo na ako.

"Napadalaw po kayo?" tanong ko dahil ang alam ko ay nasa Singapore sila ni Lola.

"May inasikaso lang at may sasabihin sayo." nagta-taka naman akong tumingin dito.

"Since nandito na ako, gusto kong lumipat kana ng bahay." diretsong sabi nito.

"Po? lilipat? Bakit po? Si lola? Makakasama kona si grandma? " diretso ko ring tanong.

"Anak, hindi." sagot ni Dad kaya napasimangot naman ako. "Edi sa'n po ba?" tanong ko dahil naguguluhan na rin ako.

Napabuntong-hininga naman ito at tumingi sa akin. "Kailangan mong lumipat sa mansyon ng La Ceveste." sabi nito. Saan naman 'yon? Ako lang isa? I mean kaya ko namang mag-isa pero bakit masyadong maaga?

"Don't worry, makakasama mo ang Ceveste."
Ceveste? ?Sinonaman 'yon? "Sino naman siya, Dad?" tanong ko.

"You mean, sila? You'll be staying with them...7 Ceveste" T-teka? 

7? 

PITO?

"What? But dad! Ipagkakatiwala niyo ako sa puro lalaki? Sa iisang bahay lang?" naiinis na ako sa mga sinasabi nila. Ano ba kase??

Baka prank lang 'to?

"Apo,may tiwala ako sayo at sa mga makakasama mo." sagot ni Lolo

"Really grandpa? Pero wala akong tiwala sa kanila." hindi parin ako makapaniwala.

"You need to." diing sabi ni Dad.

 Hindi ko matanggap. "I will ask Grandma about this kalokohan! Ayoko!" pinipigilan ko lang tumaas ang boses ko para hindi lang mawalan ang respeto ko sa kanila.

"She knows already." sagot ni Lolo kaya natigilan ako.

"Then pumayag si Lola? Oh no!" napatayo na ako. Hindi ako makapaniwala dahil pumayag din si Lola na sobrang conservative 'pag dating sakin. The one and only child of my parents, of course.

"Apo, para naman sayo 'to and I know na maiintindihan mo ito balang-araw." bumuntong-hininga ako sa sinabi nito. Ba't balang-araw? Ba't hindi ngayon? Hell no!

"So, let's eat." tumayo na si Lolo kaya sumunod na kami, masamang pinaghihintay ang pagkain.
Hindi na ako umimik kahit nag-uusap sila dad and grandpa about business.

Marami akong gusto itanong pero pagdating kay Grandpa ay natitiklop ako, lalo na't alam din ito ni grandma.

"Goodnight dad, grandpa... take care to your flight." paalam ko nang matapos na kaming kumain.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon