HUXLET's POV
Tahimik lamang ang lahat dito sa kwarto ni Tiana.
Ilang-araw lang na pamamalagi niya sa hospital ay kailangan na namin siyang iuwi sa mansyon.
"Kailan kaya siya magigising?" tanong ni Yaco
"Aba malay namin." sagot naman ni Prix.
Hindi namin alam na ganun na pala kalaki yung epekto ng aksidenteng nangyari.
Naro'n naman kami nung karera niya,hindi niya nga lang alam.
Una pa lamang ay para may iba ng mangyayari dahil kahit yung ibang staff ay nagulat at biglang naging party mode.
"Ipapaalam ba natin ang nangyari sa kaibigan nito?Sino nga 'yon? Ma--Maligno?" tanong ni Prix.
"Bobo! Magno!" sagot naman ni Yohan.
"Kung makabobo ka!" sabay hampasan na ng unan.
"Goodmorning."
"Hi Fari,goodmorning din." bati ni Yaco kaya ngumiti lang ito.
Pumasok naman ito saka dumiretso kay Tiana para tingnan.
"Kamusta na siya?" tanong nito kaya nagkibit balikat lang kami.
"Upo ka muna." sabay bigay ni Prix ng upuan.
"Salamat." sabi nito saka naupo kaharap si Tiana,tumabi naman si Prix sa kanya.
"Kumain kana?" tanong nito kaya nagpipigil naman kami ng tawa saka napatingin kay Yoshi na walang reaksyon.
"Y-yeah,kanina lang." sagot ni Fari at hindi man siya nito sinulyapan.
pfft.
"Ahh ipaghahanda sana kita ng pagkain, drink? baka gusto mo?" tanong pa nito.
"No thanks." sagot ni Fari.
Napatingin na lang kami sa ibang direksyon saka natawa.
" Ohh okay" sagot ni Prix saka napakamot sa noo.
"BWAHAHAHAHAHA" biglang tawa ni Yoshi kaya lahat naman kami napatingin dito.
"Oh sorry HAHAHA pfft" sabi nito kaya napailing na lang ako.
Tumayo naman si Prix saka lumapit samin.
"Weak" sabat ni Yaco dito pero umiling lang siya.
"Fari" tawag ni Yaco
"Bakit?" tanong nito saka lumingon samin.
"Chocolate?Gusto mo?" tanong ni Yaco saka may pinakitang chocolate na halatang mamahalin.
"No thanks,iwas ako sa sweet." sabi nito saka ngumiti.
"O-okay?" sagot ni Yaco.
"pfft AHAHAHAHAHA." tawa naman ulit ni Yoshi.
Parang tao.
Tsk tsk.
"Hey Fari how about pizza?" tanong ni Kaebe.
Nag-isip naman ito saka tumawa.
"Okay, thanks." sabi nito.
"BWAHAHAHAHA." tawa namin sa reaksyon ngayon ni Yoshi.
"Bro,pizza daw. " sabay siko ni Kaebe sa kanya.
Umiling ito saka lumabas.
"Mga walang kwenta." reklamo niya ng lumabas saka naman may tumawag sakin.
"Cloud." sagot ko.
"Okay, papunta na kami." sabi ko saka binaba ang tawag.
Napabuntong hininga naman ako saka napatingin sa kanila.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...