CHAPTER 60

83 7 0
                                    

AGAD akong napaupo dahil sa tunog ng alarm clock ko. 

Aish!Takte naman oh!

Inis ko itong pinatay at pabagsak na binalik.

Sino ba nagset nito? Eh hindi naman ako gumagamit ng alarm clock!

Napatingin naman ako sa suot ko at nakapantulog ito.

Mukang nakatulog ako bago paman makarating dito sa mansyon,and I'm sure na si Manang ang nagbihis sakin.

Sa sobrang pagod siguro ay hindi ako nagising. 

Tumayo naman ako at pumuntang banyo para gawin ang morning routine ko.
-----

Pagkatapos kong ayusin sarili ko ay bumaba na ako at dumiresto ng kitchen.

Medyo masakit ang paa ko dahil sa suot kong sandal kahapon,eh hindi ako sanay eh.

Mas gusto ko pa pag sapatos kesa sandal-,-!

"morning manang" sabi ko ng maabutan ko itong naghahanda ng breakfast. 

"morning iha,ang aga mo ata?" sabi nito. 

"may pisteng nagset ng alarm ko" nakapout kong sabi. 

"Hahaha siguradong si Yaco yun dahil siya ang nagbuhat sayo papuntang kwarto mo" sabi nito. 

Wahhhh! Talaga? Nakakahiya naman. 

"Ginigising ka naman niya pagdating sa kwarto mo pero hinampas mo ito kaya pinabihasan ka niya sakin hahahah" sabi nito. 

"Nakuu,pagod lang siguro hehe" sabi ko. 

Wahhh hinampas ko si Yaco? Gosh!

Ang sama ko naman! Bakit ko ginawa 'yun?Tsk.

"Ano po bang nangyari dito kagabi manang?" tanong ko. 

"Naku iha,barilan" sagot nito kaya napahinto naman ako. 

"b-barilan?" paninigurado ko. 

"Dyan lang naman sa di kalayuan satin kaya buti na lang at di pa kayo umuuwi" sabi nito. 

"eh bakit daw po?" tanong ko. 

"alam mong maraming nagkakalat ngayong masasamang tao,kaya mag-ingat ka iha" sabi nito. 

Kinabahan naman ako dahil sa sinabi nito pero parang sanay na si Manang sa ganitong pangyayari. 

"Mas mabuting nakakasama mo lagi sila" sabi nito na ang tinutukoy ay sina Kuya Hux .

Marami pa akong gustong tanungin pero mukang puno ngayon ang utak ko. 

Tinulungan kona lang si Manang at nagpresintang ako na maghahanda ng kape nila. 

----

"Goodmorning" nakangiti kong bati sa kanila dahil ang aga palang ay nakakunot na ang mga noo nila.

"morning" sabay nilang sabi.

Ay,matamlay. 

"Ito,pinagtimplahan ko kayo ng coffee" sabi ko. 

"Salamat Tiana,mukang masaya ka ngayon ah?" sabi ni Yohan.

"Masaya naman ako lagi ,kayo lang yung nakabusangot kahit ang aga-aga" sabi ko. 

"Saan nga pala kayo nagpunta ni Yaco" tanong ni Prix.

"Secret Hahahaha"sagot naman ng katabi kong si Yaco. 

Binatukan ko naman ito. 

"Awch!Aga mo atang nagising?" tanong nito na may nakakalokong ngiti. 

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon