[Mansyon]
Actually, kanina pa ako dito sa kwarto kase...
"Aish! Ano ba 'yan? Hello betcha!! Gimik pupuntahan natin, hindi sa opisina mo." komento ulit ni Farisha.
Okay na sana 'yung suot ko kanina pero kailangan raw magpalit kase napaka-formal kong tingnan habang 'yung mga suot nila kinulang sa tela.
"Gimik naman pala pupuntahan eh ang sexy n'yo ata." sabi ko naman.
"Gaga! kaya nga gimik at hindi formal party kaya ayan suotin mo 'to." sabi nito sabay bigay sa'kin ng white sexy short.
"Sa beach ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Dami mong tanong suotin mo na, tsaka ano 'yan? seriously? susuotin mo pa 'yang shirt? wag na." sabi nito.
"Sexy naman." sabay na sabi ni Vie at Xie.
Pinaharap naman ako nito sa salamin at parang kinulang na rin sa tela yung suot ko.
"Let's go" sabi nito at hinila na ako palabas.
Naroon na raw kase sila at sinigurado lang ni Fari na pupunta ako kaya siya lang mag-isa pumunta dito, syempre kasabay ko rin ang dalawa.
"Paminsan-minsan, dapat ganito sinusuot mo 'pag gagala tayo...'pag pumupunta tayong Mall parang nahihiya akong kausapin ka pero kinakausap pa rin kita kase wala akong hiya hehe." daldal nito habang papunta na kami sa kotse nito.
"Yung jacket ko, balikan natin." sabi ko pero nakaalis na kami.
"Sa yaman mong 'yan pwede ka agad bumili dyan tsaka naku 'wag na." sabi nito.
Napatingin naman ulit ako sa suot ko, mas okay pa sana kahit may jacket man lang ako.
Hindi ko na pinansin pa kung ano mang suot ko kase parang komportable naman sa suot niya si Fari.
"Okay we're here!! wah I'm excited." hindi na ako hinintay pa at naunsa na silang lumabas.
"Hey Tiana, as today tropa muna tayo kaya bumaba kana" tulala pa ako saglit dahil sa sinabi ni Vie na dumungaw sa bintana.
"Oh okay...?" sagot ko na lang at nawala na sila sa paningin ko.
Parang bigla na lang bumaliktad ang mundo ngayon, kailangan ko ata talagang mag relax man lang at mag-enjoy dahil ngayon ay muli ko na naman silang makakasama at makakausap , mga chiks.
"Wow." ang ganda naman dito.
Totoo ngang nandito kami sa beach, ang sarap ng simoy ng hangin at biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Tila nakawala ako sa hawla. Hays...
"Hoy!!! walang paparazzi dito." dumoble ata yung saya ko nang makita silang kumpleto.
Nakangiti naman akong lumapit, hindi lang kami ang nandito dahil sa magkabilang tabi ay maraming paninda.
Medyo malayo pa ito sa dagat pero dito palang ay tanaw kona ito. Siguradong mas maganda dito tuwing gabi kase may nakikita akong mga lights.
"Ayown may banda, sakto ka talaga pumili." sabi ni Aida.
"Syempre naman, nakakasawa rin naman sa Bar... pero parehong may alak." sagot naman ni Fari kaya natawa naman kami. Napakahyper talaga kahit kailan.
Umorder na rin sila ng drinks at mga pagkain, maliit lang 'yung mesa kaya kailangan pang ipagtabi pa namin ang tatlong mesa at andaming pagkain at drinks.
Hindi ko alam kung makakauwi kami nito tsaka kumpleto kami ngayon.
"Ang saya ko ngayon at sa wakas ay nakasama kona ulit kayo." sabi ni Ate Euryz at tumayo pa para yakapin kami isa-isa.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...