CHAPTER 86

48 2 0
                                    


20th BIRTHDAY CELEBRATION!

"wow" manghang sabi ni Fari.

Nandito lahat ng mga kaibigan kong babae habang ako naman ay nakaupo kaharap ang salamin.

"sanaol pinagpala ang future" sabi ni Ivette kaya agad ko namang tinakpan ang dibdib ko at inis itong nilingon pero tumawa lang ang bruha! amp.

"ang bastos mo!" suway ko dito kaya natawa rin sila.

Ngayon na ang pinakahihintay kong araw.Pakiramdam ko ay matagal ko na itong hinintay na pagkakataon, sobrang saya ko.

Hindi tuloy mawala ang mga ngiti sa labi ko habang tinititigan ang sariling repleksyon sa salamin.
Nakabun ang buhok ko habang may iniwang ilang hibla sa magkabilang gilid.

Prinsesa!

Natawa pa ako sa isip ng maramdamang parang prinsesa nga ako kahit matanda na. Gosh!

Sa wakas ay nakaabot rin ako sa dalawamput-taon, kahit nung bata ako ay ayaw kong hinahanda ang birthday ko dahil naaalala ko lang si Mommy pero ngayon ay parang bata na tuloy ako dahil sa sobrang saya.

Kompleto ang mga kaibigan ko at nagawa pa nila magharana kaninang umaga.Kaya excited na excited ako ngayon!

Napatayo naman ako muli para harapin ang buong repleksyon sa sarili at namamangha na namang tiningnan ang suot ko.

Napakagandang gown,kulay abo ito at talagang kumikinang pag natatamaan ng liwanag. Ako na mismo ang pumili nito,bukod sa hinahangaan ko ang mala-abong mata ni Razen.

Bukod 'don ay may nakatagong maliit na baril at patalim sa magkabilang hita ko,naiintindihan ko naman kung bakit.

Kitang-kita rin ang mga buto sa taas ng dibdib ko.Nahiya tuloy ako ng maalala ulit ang sinabi ni Ivette!

"ang ganda mo,apo" nagulat pa ako sa pagsulpot ni Grandma kaya napangiti naman akong lumingon dito.

Pormal rin ang suot nitong kulay-pula. Makikitaan ang pagiging strikto at nagsusumigaw ang pagiging kagalang-galang nito.

"ahh grandma" sabi ko saka yumakap.

Umupo naman ako kaya umupo rin sa harapan kong upuan. Tumitig lang ito sakin saka hinaplos ang pisngi ko.
Parang pinangingiran naman ako ng mga luha ko dahil sa emosyong pinakita nito.

Nakangiti ito sakin saka parang kumislap rin ang mga mata niya pero sandali lang 'yon dahil hindi na saya ang nakikita ko,kundi lungkot.

Grandma....

"Apo" napapabuntong-hininga pa ito saka diretsong tumitig sa mga mata.

Ngumiti ako sa kanya at pinapakitang masaya ako ngayong gabi dahil batid kong may mga bisita na rin sa labas.

"Masaya kaba ngayon?" tanong nito.

"Opo naman Grandma kase kompleto tayo ngayon" magiliw kong sagot.

"mabuti naman" sabi nito saka kinuha ang mga kamay ko.

"may problema po ba?" tanong ko na parang nag-uumpisa ng kabahan dahil parang balisa ito at panay titig sakin na animoy sinasaulo ang bawat parte ng mukha ko.

"w-wala,masaya lang ako. Gusto kong mag-enjoy ka ngayong gabi" sabi nito kaya tumango naman ako.

"Ilang-minuto lang ay lalabas kana kaya gusto kong ngumiti ka sa lahat kahit ano mang gawing pakilala sa iyo" sabi nito.

"what do you mean,Grandma?" tanong ko.

"Wala..alam mo namang madaming pakwela yung MC mamaya kaya i-enjoy mo lang" sabi nito.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon