Makalipas ang ilang-araw ay patuloy ako sa pag-eensayo dahil alam kong umaayos na ang lahat.
Ang ibang Ceveste naman ay may inaasikaso dahil meron rin naman silang kompanya na pinapatakbo, lalo na si Kuya Hux.
Ang laging pinapasama sa akin ay si Yaco at Prix tuwing may lakad ako dahil kahit barumbado ang dalawang 'to ay sobrang maaasahan.
"Attention." sabi ko kaya agad naman silang nagsilapitan saka sabay sabay na napayuko.
"Okay, I have a good newssss!!" excited kong sabi kaya halatang namang napangiti sila.
"Yehey--"
"Wala pa Yaco." sabi ko kaya natawa naman mga clevers.
"Na-excite lang hehe." sabi nito kaya napailing na lang ako.
"Lahat kayo ay invited sa gaganaping pagtitipon sa mansyon, at mamayang gabi na 'yon." sabi ko.
"Aasahan kobang makakapunta kayo?" tanong ko.
"Yes, Lady M. maraming salamat po." sabi nila sabay bigay galang kaya tumalikod na ako.
"Woahhh/ Yessss!" rinig kong ingay nila kaya napangiti naman ako.
Nagbihis na muna ako ng bagong damit dahil pawisan ako ngayon kaka-ensayo.
"Tama na muna 'yan, kumain na kayong lahat sa restaurant....si Yaco magbabayad." sabi ko kaya nakita ko naman ang paglaki ng mata ni Yaco dahil sa sinabi ko.
"Woah yehey, salamattt clever Yaco." sabi naman ni Renz na sinabayan naman ng ibang clevers.
"Hehe." sabi lang nito saka lumapit sakin at sumabay na sila sa paglakad sa akin.
"Tiana naman, alam kong mabait ako..oo mabait talaga ako kuripot ako." sabi nito habang nakanguso.
"Sabi mo nga mabait ka." sabi ni Prix na tawang-tawa.
"Alam ko namang mabait kayong dalawa kaya kayo ang magbabayad, hati kayo mwehehe" sabi ko kaya naiwan naman silang dalawa at nagkatinginan pa.
"Oh ano? halina na kayo!" sabi ko sa dalawa.
"Hindi ba sila pupunta dito?si Yohan? o kahit si Kaebe?" tanong ni Prix.
"Hindi eh." kunwaring nalulungkot kong sabi.
"Hahanap pa kayong kakampi ah." sabi ko.
"Hindi ah, may utang kase sa'kin si Yohan hays." tugon ni Prix.
"Wehh? si Yohan? magkakautang?" sabi naman ni Yaco
"Oo, actually yung nasa probinsya pa tayo no'n eh.." imporma nito habang umupo naman kami para umorder na.
"P*cha Prix ang tagal na!" sabi ni Yaco
"Kahit na, sayang yung limang piso ko aish!" sabi nito kaya sabay namin itong binatukan.
"Parang ikamamatay mo ang limang piso hanimal ka talaga!" sabi dito saka ito binigyan ko siya ng bente.
"Salamat hehe." sabi nito saka may kinuhang papel at ballpen.
"Ano naman 'yan?" tanong ko.
"Listahan ng may utang, lagyan ko lang ng paid si Yohan." sabi nito saka pinakita pa sa'min ang listahan.
Yohan - 5pesos
Razen - 5pesos
Kaebe -3pesos
Huxlet -5pesos
Yaco-2 pesos"Sumpain ka sana ng mga bathala!" sabi ni Yaco saka napahalakhak.
"Baliw kana." sabi ko.
"BWAHAHAHAHA." pinagtitinginan na kami dahil sa tawa namin ni Yaco habang si Prix ay nilagyan na nga ng paid yung utang ni Yohan.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...