CHAPTER 22

85 12 0
                                    


BUSY silang lahat,ang anim naman ay nag-gym kasama si Yael.

Hindi sumama si Razen dahil ewan ko anong nangyari sa kanya.

Napagdesi-syunan ko na lang na tumulong sa pag-ayos.

Nag-ayos rin ako para sa design ng mga mesa. 

Talagang pang- party talaga ang theme.

*ohmygashhhh ampopogi nila kyahh nakita mo ba kanina?
*mag-aapply ako dito katulong langgg wahhhhhh
*keriii yunnn basta lagi kong nakikita mga pogiii wahhhhhh! 
*mala-angel!! hindi lang isa kundi pito Kyahhhhhhhhh

"hoy! tapusin niyo muna yang ginagawa niyo bago pagchismisan ang kliyente natin" sigaw nung beki,yung kanina.

"s-sorry sir" sabi nung tatlo at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Pasensya kana madam ah?" sabi nito sakin.

"Tiana lang po" sabi ko.

Alam kase nitong dito rin ako nakatira,hindi sana siya papayag na tutulong ako dahil binayaran naman sila pero wala akong magawa eh.

" Vince nga pala,nice to meet you Tiana" sabay-abot ng kamay.

"nice to meet you too" ngiting sabi ko.

" ang ganda mo talaga pero don't me! maganda rin ako Hahaha" natawa na lang ako sa sinabi nito.

"naku po..salamat Haha"sabi ko dito.

"here's my card..gusto mo bang maging model?Manager rin kase ako ng D'Elegant Model" sabi nito at inabot sakin ang isang card.

Balita ko nga sikat ang D'Elegant,maraming sikat na model rin.

"sige po,salamat" sabi ko.

Pag-iisipan ko pa,masyado akong busy.. charottttt HAHAHAH

Hindi ko lang talaga alam kung kakayanin ko,hindi naman ako masyadong maganda..sexy tulad ng ibang model.

"Excuse me" umalis na ito kaya bumalik ako sa sala.

Nanood lang muna ng movie.

"Iha,pasuyo naman" sabi ni Manang.

"bakit po manang?" tanong ko.

"pakibigay itong gamot ni Razen,marami kase akong ginagawa" sabi nito.

Kinuha ko naman ang tray na may gatas at gamot...meron ring arozcaldo.

Lunch na kase ngayon.

"sige po manang,ako na bahala" sabi ko.

"salamat Tiana" ngumiti lang ako at pumunta sa kwarto niya.

"Razen....Razen pakibukas" tawag ko.

Hindi kase ako makakatok kase may dala akong tray.

"Raz..."tawag ko ulet.Aishhhh.

Binaba ko muna ang tray at kumatok pero no response.

Sinubukan kong pihitin ang doorknob,buti na lang at di nakalock.

Binuksan ko ang pinto nito at kinuha ang tray tsaka itinulak ang pinto para masarado gamit ang paa.

Nilibot ko naman ang tingin.

Gray and white ang wall nito,may mga frame pa ng panda..kyahhh ang cuteeeeee!

"Razen pumasok ako ah" sabi ko dito.

"saan na kaya yun?" sabi ko at pumunta sa isang side ng kwarto nito.

Malaki kase ang kwarto niya at halatang panglalaki talaga tsaka amoy na amoy mo talaga ang pabango nito.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon