Chapter 137

25 0 0
                                    


IVETTE's POV

"Ahem." nakuha ko naman ang atensyon ng Ceveste dahil kanina pa kami nandito sa rooftop at wala man lang magsasalita?

Narinig ko kina Xie ang nangyari kina Tiana at simula no'n ay bihira lang kung lumabas si Tiana pero 'pag bubuksan naman ang pinto ay naaabutan nilang nasa laptop lang nito ang atensyon.

"Ano sa tingin niyo ang nangyari sa ADM?" tanong ko..

"Bakit merong nakapasok?" tanong naman ni Kuya Hux kaya lahat kami ay malalim ang iniisip.

"Konti lang ang naiwang guards sa ADM dahil nga sa kasiyahang naganap." sagot ni Prix

"Kung ganun, pa'no nila nalaman 'yon? I mean ,'yung mga clevers ay nagsasaya sa mansyon? Nagkataon lang ba talaga?" tanong ni Yaco

"Hindi... sa palagay ko ay sinadya ito dahil una sa lahat ay pribado ang ADM! Alam nilang nasa mansyon tayong lahat." sabi ni Kaebe.

"So, ano?" tanong ko.

"May traydor. " sagot ni Yoshi na ikinatahimik namin.

Posibleng ganun na nga, wala kahit na sino ang basta-bastang makakapasok sa ADM ,kahit mga customers sa VRestaurant.

Impossibleng mga clevers 'yon? Hindi nila magagawa 'yon dahil alam nila kung sa'n sila pupulutin pag trinaydor nila ang La Ceveste Fam. Wala rin naman silang dahilan para talikuran ang ADM.

"Pinatay pa talaga si Austere." sabi ni Prix

Talagang nakakapaghinayang 'yon dahil bago pa lamang ako sa ADM ay nando'n na ang buwayang alaga, mas nauna pa kaysa sa'kin.

"Tinangka lamang nila na ibalik si Austere dahil patay na ito, wala namang may nabawas sa mga tauhan natin." sabi ni Kaebe

"No....Ayon kay Pops, base sa binigay sa kanilang report tungkol dito ay meron silang nakita na isang-uri ng droga" napunta naman kay Hux ang atensyon namin dahil sa sinabi nito.

"Ibig sabihin...maaaring ginamit nila si Austere para pag-eksperimentuhan? F*ck!!" sabi ni Razen.

Napahilot naman ako sa sentido ko.We felt frustrated!

"And based on the results, Austere was dead just a few hours ago, maybe the drug that was put in didn't work yet." Kuya Hux.

"We all know... si Saturno ay big time at siguradong ang negosyo nito ay droga!" hindi ko napigilang magsalita.

"Exactly, at gumagawa sila ngayon ng droga." dugtong ni Yaco.

Now, we got it!

"Does Tiana know this?" biglang tanong ni Prix

"Of course, I am always updated." mabilis naman kaming tumayo nang marinig namin ito.

Yumuko kami sensyales nang pagbigay-galang bago ito umupo at sumunod naman kami.

"Binigyan ako ni Pops ng kopya baka kase magmumukha naman akong tanga na walang kaalam-alam" sabi nito.

"Tiana---" Razen

"Just kidding" bawi nito at natawa pa.

Weird.

"Anyway...I have good news and a piece of bad news, which do you prefer to spill first?The good or bad?" tanong nito at tumayo para umikot sa'min.

Wow! I know na may nangyayaring kakaiba pero sa kinikilos ngayon ni Tiana, sobrang cool!

Something's thrilling.

"Bad." halos sagot namin kaya napangisi naman ito bago inilabas ang baril at itinutok kay Prix.

Kaming lahat ay nagulat, hindi makapaniwala sa nangyayari ngayon.
Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Prix.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon