After a months......
"Good day everyone"
"Good day sir", paalam rin namin sa huling Prof. namin ngayon araw.
Nakabalik na kami sa LCU,hindi pareho yung schedule namin ni Fari katulad ngayon.
Ako lang naiiba sa kanila at hindi naman kami gumamit ng katungkulan namin para lang magkasama kami.
Hindi naman sa lahat ng oras ay nasa tabi ko sila.
"Goshhh!!" parang nanigas ako palabas palang ng pintuan dahil sa pinturang nabuhos sakin.
"BWAHAHAHAHA" agad nabalot ng tawanan pero bumuntong-hininga na lang ako at pinapahaba ang pasensya.
"Opppssssss sorry" nangibabaw ang tawa ni Haze kasama ang mga alipores niya.
Kung hindi ko lang siya pinsan, nakuuuu!!!
Wala kase masyadong nakakakilala sakin dito.
Napailing na lang ako saka ngumiti ng malapad kaya nagulat pa sila sa naging reaksyon.
"Oh my goshhh!" tili ni Fari ng makalapit.
"Ikaw na naman!?" sabay turo kay Haze na patawa-tawa lang.
"What!?" sabi nito saka ngumisi.
"Sinong may gawa nito!?" sigaw ni Ivette.
"Again!! Sinong may---"
"S-si Haze" sabay turo nila kay Haze.
"I-inutusan lang kami ni Haze", sabi ni Kyla,kaklase ko.
"Mga bobo!! sinunod niyo naman!? Pag sinabi niyang tumalon sa building,gagawin n'yo ba!?", sigaw nito.
"Tara na" pagpipigil ko.
"Ano bang pakialam mo!?Wag kang makisali,okay!?tsk" sagot ni Haze.
"Pvtangina mo talaga!!!" sabay pulot ni Ivette ng pintura at sinaboy kay Haze.
"What the f*ck!!" angil ni Haze.
"Fuck your face!!" sigaw ni Ivette saka kami umalis.
Dumiresto kami sa may restroom tsaka pinaalis lahat ng tao do'n.
May tinawagan naman si Ivette habang ako ay tinutulungan ni Fari sa damit kong puno na ng pintura.
Mabuti na lang at nakatali yung buhok ko kaya sa balikat ko nabuhos yung pintura.
Amp.
"Gosh that bitch!" gigil na sabi ni Ivette.
"Hayaan n'yo na" sabi ko.
"No way Tiana!. Lilipat na ako sa lahat ng subjects mo para magkasabay tayo", sabi nito.
"Ivette,kaya ko naman eh...'di ko lang pinapatulan" sagot ko.
"No,lilipat ako" pagpupumilit niya.
Napapabuntong-hininga na lamang ako habang hinuhubad ang blouse,
nakatube naman ako."Okay na?" tanong ni Fari.
"Yeah,thanks" sabi ko saka naghilamos.
Si Ivette at Fari lang kasama ko ngayon dahil hindi pa siguro natapos klase nila. Sina Erin at Aida naman ay nasa ibang University habang si Kuya Hux ay nag-uumpisa na sa kompanya nila.
"Wait" sabi ni Ivette saka lumabas.
Pagbalik niya ay may dala na siyang supot saka binigay sakin.
Pumasok naman ako sa cubicle para magbihis ng t-shirt tsaka pants,meron ring sapatos.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...