"Tiana!" napalingon ako kina Mom and Grandma ng tawagin nila ako.
"Mommm,Grandma" agad ko silang niyakap ng makalapit ako.
Nasa garden kami ngayon dahil nagtatanim sila ng bulaklak.
"Gusto ko ikaw mag-aalaga ng mga itinanim ko anak ah" sabi ni Mom.
"opo mom,bakit po ba?hindi niyo na ba ito maaalagaan?" tanong ko dito.
"alam mo namang aalis kami apo,kaya sana kahit wala na kami ay aalagaan mo lahat ng iniwan namin"sabi ni Grandma kaya ngumiti naman ako.
"promise po Grandma" sabi ko at muling yumakap.
"Teka po?San ba kayo pupunta? Iiwan niyo na ba ako?" tanong ko.
"malayo pupuntahan namin anak,at wag mong iisipin na iiwan ka namin ni Grandma dahil kahit san kaman pumunta?....." putol ni Mom.
"lagi ko po kayong kasama"dugtong ko.
"Ganun nga apo,kaya wag kang matakot at kayanin mo lahat...ng sa gano'ng paraan ay magiging masaya ka" sabi ni Grandma.
Kahit kailan yung kasiyahan ko talaga ang inuuna ni Grandma.
"Mahal na mahal ka namin,anak"sabi ni mom.
"Mahal na mahal ko din po kayo"sabi ko saka sila niyakap.
"Kailangan na naming umalis,magtiwala ka sa sarili mo anak" sabi ni Mom.
"Lumaban ka habang nabubuhay pa dahil sa huli ikaw ang magwawagi" sabi ni Grandma at sabay silang nawala.
"Mom....Grandma?" hanap ko sa kanila pero hindi kona sila nakikita.
"Wag na po kayong magtago,mom...grandma" tawag ko ulit pero wala pa rin.
Nagsimula na akong umiyak ng umiyak baka babalik sila Mom at Grandma.
"Tiana...tianaaaa!"
"Mom!Grand...ma....." agad akong napabangon at hinahabol ang hininga.
Agad naman akong inabutan ng tubig ni Fari saka naupo sa tabi ko.
Agad na namang namuo mga luha ko kahit ilang-araw na ang lumipas.
Parang isang panaginip lang lahat at patuloy akong binabangungot.
Hindi ko kayang tanggapin lahat ng nangyari,lalo na't lagi kong napapanaginipan si Mom at Grandma na nagpapaalam na.
Araw-gabi akong umiiyak,gusto ko man tanggapin pero sobrang sakit.
Sobrang sakit ng mawalan ng isang nanay pero mas dumoble 'yon ng pati si Grandma ay kinuha na rin.
How unlucky I am?
"Shhhh" mas lalo lamang akong naiyak ng niyakap ako ni Fari.
Ang sakit,sakit na parang ang sikip ng dibdib ko sa sobrang emosyon.
"Hindi ko kaya....h-hindi" umiiyak kong sabi pero siya ay patuloy parin sa paghagod ng likod ko.
"Hindi kita iiwan,nandito lang kami"sabi ko.
Batid kong nasasaktan din sila sa pagkawala ni Grandma pero hindi nila 'yun pinapakita sakin dahil ngumingiti sila pag pumapasok sa kwarto ko.
Lahat sila ay pinapakitang masaya lang,pero heto ako...napakahina ko.
Ng huminahon na ako ay hinarap niya akong may ngiti sa labi saka hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ko.
"Kakayanin mo,Tiana." matigas nitong sabi na parang 'yon ang pinakamadaling paraan.
"P-pakiramdam ko...hindi ako nababagay bilang reyna...n-napaka...hina k-ko Fari,alam mo 'yon? Sobrang hina ko" sabi ko at nagbabadya na naman mga luha ko.
"Wag mong sabihin 'yan,tandaan mong lahat ng nangyayari sayo ay may rason.Sinusubok ka lang kung gaano ka katatag,Tiana" mahinahong sabi nito.
"Nahihirapan na ako...s-sobrang hirap" sabi ko dito habang sa ibang direksyon nakatingin at ramdam ko naman ang mainit kong mga luha.
.
"Alam mo kung gaano kalaki ang tiwalang naiwan sayo ni Grandma Tiana,alam mong kailangan na niyang magpahinga dahil alam niyang kaya mo" sabi nito."Hindi ka niya iiwan kung hindi kapa handa,marami ka pang mararanasan Tiana but always remember that we're here to support you,to walk with you...in all trials" dugtong niya na siyang kinaiyak ko at agad napayakap sa kanya.
"Salamat Fari....s-salamat" sabi ko dito.
"Hindi humihinto ang mundo Tiana kaya dapat patuloy ka paring bumabangon.Sama-sama nating harapin 'to"sabi nito ng makawala na ako sa yakap namin.
"Okay...Thank you so much,hindi ko alam ang gagawin pag wala kayo" sabi ko.
"Marami kaming naiwan para sa'yo,nandyang pa ang mga tuta mo Hahaha" biro nitong sabi kaya natawa naman ako.
Talagang hindi kona nga sila nakakausap.
"Maghahanda na kami ng makakain at.....gusto kong bumaba ka,kuha mo?" sinubukan pa nitong magtaray.
"Yes po ma'am" sagot ko kaya ngumiti lang ito saka umalis na.
Bigla namang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi nito.
Talagang napakaswerte ko sa kanilang mga kaibigan ko kahit minsan ay hindi nagkakaunawaan.
"Anak..." nakita ko naman si Dad na nakangiting pumasok.
"Dad..." sabi ko kaya umupo rin ito sa may tabi ng kama.
"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong nito at tinap pa ang ulo ko.
"okay na po"sagot ko.
Actually may iniinom akong gamot,nung una ay nahihirapan silang painumin sakin pero kalaunan ay natanggap ko rin.
"I'm so very proud of you" sabi nito kaya parang bigla namang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya.
Minsan talaga,napakasweet ni Dad.
"Dad naman eh" maktol ko saka pinahiran ang luha kaya narinig ko itong natawa.
"What? It's true anak...kase kahit sinasabi mong mahina ka ay ang totoo naman ay malakas ka dahil hanggang ngayon ay lumalaban kapa rin"sabi nito.
"dahil po sa inyong lahat,eh sa bawat minuto namang pagpunta nila sakin dito" pabiro kong sabi.
"Mahalaga ka kase samin,wag mong pababayaan sarili mo dahil utos 'yon ni Grandma mo at ayaw naming dalawin niya kami dahil pinapabayaan ka namin" sabi nito na natawa pa.
"Tss...dad naman" nakasimangot kong sabi.
"Naku anak,hindi pwedeng lagi kana lang nandito. Matuto kang tumayo dahil maraming bagay pa ang haharapin mo" sabi nito.
"opo dad" sagot ko dahil naiintindihan ko naman mga sinasabi niya.
"sasabay na po ako sa pagkain niyo mamaya" sabi ko.
"Talaga?Mabuti kung ganon,alam kong nagsisimula ka palang dahil kailangan na namin ng reyna"sabi nito kaya napangiti naman ako.
"okay po dad, salamat"sinsero kong sabi.
"para sayo anak,lalabas na muna ako at pupuntahan ko na ang Grandpa mo"sabi nito.
"opo" sabi ko kaya lumabas na nga siya.
Hindi rin naging maganda ang pakiramdam ni Grandpa kaya kailangan ko ng maghanda.
Kailangan kong ihanda ang sarili ko,kakayanin ko para sa kanila.
Alam kong sa bawat laban ko ay hindi ako nag-iisa kaya kailangan ko ng gampanan ang tungkulin ko.
Kahit naging mahirap pero hindi ko bibiguin si Mom at Grandma dahil alam ko ang tiwalang binigay nila sakin.
Mom,Grandma....mahal na mahal ko kayo.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...