Chapter 139

20 0 0
                                    


Napangiwi ako dahil sa nakita kong balita.

"Inilabas na mula sa La Ceveste Fam ang koronang matagal nang pinaghahanap mula ng pumanaw ang huling Reyna na umano'y nagtago nito. Sa dyamante palamang nito ay nagkakahalaga na ng bilyon. Sa ngayon, ito ay pinapangalagaan na ng La Ceveste Fam...."

Hindi kailangan pang ilabas ang pangalan ko sa balita.

Napailing naman ako at hindi na nakinig pa sa balita. Kahapon lang ay isina-publiko na ang korona kahit pa na hinabol kami ng mga tauhan ni Saturno.

Hindi ko alam kung ano ang magiging dulot sa paglabas ng korona pero nasisigurado kong marami ang magkakainteres nito.

Sa bagay, sino ba naman ang ayaw sa koronang bilyon bilyon ang halaga. Marami na ang magnanais na mapasakamay nila ang korona.

Tssk.

"Salamat Manang." sabi ko ng hatiran ako ng kape at cookies na pinag-utos ko kanina.

"May problema ba, Tiana?" tanong nito at umupo sa tabi ko.

"Manang kase... pakiramdam ko ay delikado na ang buhay ko ngayon..." sabi ko dito kaya nakita ko naman ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Hindi ka pababayaan ng Ceveste. Tandaan mong marami kaming nandito para sa'yo." nakangiting sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Sa tingin ko kaya ko naman po...pero iniisip ko naman 'yung mga taong nasa paligid ko,mga taong mahal ko Manang pati kayo ay ayaw kong madamay pa, nagiging komplikado sitwasyon ko ngayon...namin." paliwanag ko.

"Tiana...anong gusto mong gawin ko?" diretsong tanong nito.

Parang pinapa-aalis ko ba siya? It's not what I meant.

"Manang...hindi po kayo mawawalan ng trabaho, kayo paba? hehehe mahalaga kayo sa'kin kaya ayoko lang na madamay kayo---"

"Handa ako...handa kami, sa tingin mo ba ay makakapagtrabaho kami dito na walang mailalaban?" tanong nito.

Kumunot-noo ako dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya at parang nakuha nito kaya napabuntong hininga siya.

"A-ano pong ibig n'yong sabihin?" tanong ko.

"Tiana, alam mo namang hindi basta-bastang tumatanggap ng mga tauhan ang LCF, unang inaalam ay kung marunong ka bang ipagtanggol ang sarili mo" sabi nito kaya napatango naman ako.

Alam ko naman 'yon pero hindi pa rin maliwanag sa akin.

"Ibig sabihin, kailangan marunong kang lumaban...pangalawa ay aalamin at kilalanin ang pamilya mo... strikto diba?" nakangiting sabi nito.

"Ibig s-sabihin?" tanong ko kahit alam kona ang sasabihin nito.

"Isa akong clevers , kaming mga kasambahay...mga Clevers kami dati." sabi nito.

"Dati? Bakit po?" tanong ko.

"Nasa kasalutan na merong hangganan ang pagiging Clevers, meron rin na kung gusto mong tumaas ang ranggo mo." paliwanag naman niya.

Merong kategorya ito base sa nabasa kong libro mula kay Mom.

Clevers na gugustuhing maging tauhan lang. Clevers na gugustuhing tumaas ang posisyon tulad nila Vie at Xie.

Sa huli ay ikaw parin ang magdedesisyon, walang kondisyon ang gustong maging tauhan lang pero katulad nila V&X ay merong mga kondisyon/patunay.

Isa lang naman ikinatutuwa ko.....ang pagiging kontento nila.

'Yung sinasabi ni Manang na hangganan pa ay kapag natapos mo na ang serbisyo mo ay tutulungan kana ng La Ceveste Fam habang buhay. Tulad ni Manang na kahit retiro na siya sa pagiging Clevers, pwede pa rin s'yang magtrabaho dito bilang kasambahay.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon