Chapter 140

28 0 0
                                    



"Goodmorning po." ngumiti naman ako bago pumasok sa opisina ko.

Sumunod naman ang sekretarya ko at inilapag ang mga schedule ko today. Kahapon lang ay hinatid namin si Erin sa airport,pinigilan nga namin 'yung uminom para hindi mahuli sa flight niya.

Iyak naman siya ng iyak at nakakalungkot lang din dahil hindi man lang daw s'ya nakapagpaalam kay Yohan.

"Ah, ma'am?"

"Ow? Sorry Haha continue."sabi ko dahil kanina pa pala ako nakatulala.

"1pm to W-Industry, 3pm po to Servoss---"

"Servoss?" tanong ko.

"Yes po ma'am." sagot nito kaya napatango naman ako.

Parang pamilyar kase sa'kin ang Servoss, parang nabasa kona? Nakalimutan ko lang.

"Oh okay, paki-inform si Rosie sa packing area na merong mga bagong employee." sabi ko dito.

"Okay po ma'am." sabi nito at lumabas na.

Humarap naman ako sa glass wall na kitang-kita ang malawak na syudad. Sumagi sa isip ko ang mga kaibigan ko.

Si Ate Euryz na minsan ko lang nakakausap dahil busy, si Erin na kakaalis lang para sa pagmo-model, si Aida na sa ibang bansa na pinagpatuloy ang pag-aaral, si Blythe na hindi kona nakausap pero ang huling sinabi nito ay uuwi siya ng probinsya,si Nikki kahit hindi man lang namin ka-close pero mabuti at inaalagaan siya ni Charby.

Muli kong pinanood 'yung mga videos namin na lahat kami ay kumpleto kahit sa simple dinner lang. Marami na ring mga pictures na hindi ko man lang kayang burahin, haha.

Napatigil ako kakatingin nito ng may mensahe akong natanggap.

"Hays." bulong ko dahil hindi na bago sa'kin ang mga nababasa. death threats.

Alam ko namang hanggang mensahe lang mga ito at hindi na ito bago sa'kin dahil kahit noon pa sa school ay meganun akong natatanggap.

Hindi kona ito pinansin pero may mensaheng umagaw ng atensyon ko.

*Hawak namin ang kaibigan mo! ops! matalik na kaibigan hahahaha.

*Mukhang hindi na makakapasok pa sa kompanya mo ang kaibigan mong papatayin na namin.*

*Kung ayaw mong maniwala, come on check the cctv's* *(with eye emoji)*

"F-fari!" mabilis akong lumabas ng opisina at pumasok agad sa elevator para pumunta sa security room.

"Goodmorning po ma'am."

"Sa'n ang cctv sa parking area!" sigaw ko kaya agad nilang itinuro ang nasa harap ko.

"Ibalik mo 10minutes ago." utos ko kaya sinunod naman niya.

Tumawag sa'kin kanina si Farisha na pupuntahan niya ako dito sa kompanya kaya dapat nga ay nandito na siya.

"Damn! Bakit hindi niyo 'to napansin!?" sigaw ko matapos makita ang kuha ng Cctv kanina.

Kakalabas lang ni Fari sa kotse niya ng bigla s'yang lapitan ng mga lalaki na mula sa van na katabi lang ng kotse niya.

Hindi ko kilala ang mga dumukot kahit nakamask lang 'to.

"S-sorry ma'am." paumanhin nila at tumiklop na.

" Kapag may nangyari sa kaibigan ko! lahat kayo ay mawawalan ng trabaho!" sigaw ko. Lumabas na ako at sumakay ng elevator papuntang parking lot.

Hahanapin ko ang kaibigan ko kahit hindi ko naman alam kung saan siya dinala ng mga ito.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon