Chapter 130...

26 0 0
                                    


"NO! this can't be , he's so very freaking f*cking insane." inis na sabi ni Yaco.

Ako naman ay napaupo na lamang at naiiyak na.

"Tubig po ,Lady M." bigay ni Xie.

"Salamat...btw, kamusta na sina Renz?" tanong ko habang mahigpit ang hawak sa bottled water.

"Maayos naman po Lady M., okay na sila kaya 'wag na po kayong mag-alala." sabi nito kaya ngumiti na lang ako.

"Galos lang naman 'yon para sa kanila, para rin sa amin... ganun talaga 'pag sa mga katulad namin." sabi nito.

"Yeah, pero ayoko lang na may mangyayari na hindi maganda lalo sa mga clevers." sabi ko.

"Minamabuti po namin ang aming tungkulin Lady M, at hindi kayong nagkulang sa amin...puntahan ko na lang po muna sina Vie." sabi nito saka yumuko pa.

"okay, salamat." sambit ko.

Ngumiti lang ito saka naglakad na papunta kung saan ginagamot ang mga nasugatang clevers, mabuti na lang at hindi gaanong kalaki ang naging dulot nito sa mga tauhan.

"Ano na guys? Kailangan harapin natin si Saturno!, mas lalo atang lumalala ang kabaliwan niya." rinig ko pang bulyaw ni Prix habang papalapit sa amin.

"Hindi madali ang sinasabi mo Prix dahil tulad nga ng sinabi mo ay hindi na nito alam mga ginagawa niya at baka meron itong plano kaya niya ito ginawa." paliwanag naman ni Kuya Hux ng tuluyan na silang nakalapit.

Ako naman ay nakikinig lang sa kanila.

"Halatang meron nga dahil pati si Austere ay kinuha niya! Isang mabangis na buwaya ay basta na lamang niyang nakuha...at nasugatan pa mga tauhan natin." sabi naman ni Kaebe.

"Sinadya niyang gawin 'to dahil alam niyang tayo mismo ang lalapit sa kanya, bago paman natin makuha ang nais natin ay siguradong may nakahanda na itong kapalit." sabi naman ni Yohan.

Parang ganun na nga.

"Kailangan nating maibalik dito si Austere ,as soon as possible." sabi ko naman kaya natahimik naman sila saka napatingin na lang sakin.

"Pero bago natin ito puntahan, kailangan ko ng ipakita yung first crown." sabi ko.

"Okay Lady M., nakahanda na ang ating photographer." sabi ni Airron(charby) na ikinabigla ko.

"Photographer?" tanong ko.

"Kailangan lamang na makunan ka ng litrato at maya ay kasama rin kami dahil sila na ang bahalang ipalabas ito sa publiko."

"Meron na ring mga kasuotan na gagamitin, kailangan na muna namin magbihis." sabi ni Kuya Hux saka sila yumuko at nauna na.

"Lady M. ,tara na po." sabi ng isang clevers kaya nauna na akong naglakad.

"Ayan kase! masyado kang mayabang, kita mo nangyari sayo!? Pa'no kung napahamak ka? Huh!?" rinig kong sermon ni Vie at siguradong si Renz na naman pinapagalitan niya.

"Aminin mo na lang kaseng nag-alala ka sakin Hahaha." sabi ni Renz pero inirapan lang siya ni Vie.

"Oo nga, halata rin naman kanina sa kilos mo Vie Hahaha yung tipong sobrang nag-aalala sa minamahal ni--aw!" hindi nito natapos ng binatukan siya ni Vie.

"Nag-aalala ako sa inyong lahat at ikaw naman Renz baka tuluyan ko pa 'yang mga sugat mo eh." depensa naman ni Vie kaya natawa na lang mga kasama nito.

Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko.

Dumiretso na ako sa isang malaking tent kung saan pwedeng magbihis at naroon na mga susuotin ko.

May ibinigay naman sa'king long fitted dress na brown, kakulay nito ang mga dahon.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon