CHAPTER 103

40 2 0
                                    

May mga bagay sa mundo ang hindi inaasahan,lalo na hindi natin 'to naisip man o hindi man lang sumagi sa isip mo.

Gugulatin kana lang sa paggising mo ay ibang mundo na pala ang nilalakaran mo,tapos maraming katanungan agad ang mailalabas.

Hindi natin masasabing pinaglalaruan lang tayo ng tadhana dahil naniniwala akong tayo ang gumagawa ng tadhana natin.

Remember that God gave us an freedom to choose.

Nasa atin pa rin kung pa'no natin pahalagahan ang isang bagay na pinagkatiwala.

*knock, knock*

"pasok" sigaw ko ng may kumatok sa labas ng kwarto ko.

Kakalabas ko lang galing balcony parang makapag-isip man lang.

"Lady M." pumasok si Ivette saka yumuko.

"oh bakit?"tanong ko.

"Nandito na po si Prix,sugatan naman mga kasamahan niya"sabi nito kaya nagulat naman ako.

"Tara"sabi ko nagmamadaling bumaba.

"Lady M." sabay yuko nila ng makita ako.

"Anong nangyari?" tanong ko kaya napaangat na sila ng tingin.

"Hindi ko alam, basta na lang kaming tinambangan"sagot ng isang lalaki na may pasa.

"Mukang nalaman nila ang ginagawa namin,pasensya na Lady M." paumanhin ni Prix.

"Hindi na muna mahalaga 'yon,'bat hindi pa sila ginagamot? Bilis na!!!"inis ko agad sabi sabay datingan ng ibang nurse.

Amp!

Dumalaw kase si Pops dito at sinabi ang tungkol sa malaking sindikato na kailangang tugusin pero nagpresinta si Prix na sila na raw muna magmamatyag.

Mabuti na lang at hindi sila masyadong nabugbog.

Ibinalita rin kase samin na sinasabotahe ang mga negosyo at pagmamay-ari ng Ceveste.

Sinisiraan rin kami sa hindi ko malamang dahilan at mas lalong hindi ko kilala kung sino man ang nasa likod nito!

Damn!

Masyado itong papansin sa negosyo namin kaya nasisira kaya kakampi rin ang mga pulis dahil ayon sa imbestigasyon nila ay may malaking pagawaan ito ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi lang raw nila mahuli dahil siguradong may kapit sila sa ibang politiko at nasa mataas na posisyon kaya natatakpan.

"Kumusta na pakiramdam niyo?"
tanong ko sa kanila ng matapos silang gamutin.

"Okay na po, salamat" sabi nung katabi ni Prix.

"Ano nga ulit pangalan ng gang 'nyo?" tanong ko.

"Posporo Gang,Lady M." sabay nilang sagot.

Gusto ko man matawa pero pinigilan ko dahil mukang seryoso nama sila.

"Sino naman nagpangalan ng gang niyo?" tanong ko.

"si master Prix" sagot nila.

Wow,master.

"Ahhh,nice" komento ko.

"Wag ka ngang matawa!" iritang sabi ni Prix.

"Okay sorry"paumanhin ko at hindi na nga pinagtawanan ang pangalan ng grupo nila.

"Magpakilala nga kayo"sabi ko sa kanila,nasa lima lang sila kasali na si Prix.

"Kel..."

"Tony"

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon