Chapter 121

40 2 0
                                    


AIDA's POV

"Pa'no ba 'yan? Mauuna na ako, okay?" paalam ko sa mga kaibigan ko.

Nandito kase kami ngayon sa bahay nina Scarlet kasama mga ilang kaibigan ko, bonding raw before Christmas.

"Oh, ba't nagmamadali? Oyyyy" tukso nila.

"Hoy tumigil nga kayo" suway ko sa kanila dahil baka hindi na naman sila titigil at hindi na ako makauwi.

"Pero sayang wala si Angel, tsk" sabi ni Lilia.

"Naku naku,magtataka kapa don? Humagit na naman yon ng bebe boy nya" sabi ni Scarlet kaya nag tawanan naman kami.

"Masasabi kong kawawa ng lalaking mabibiktima niya" sagot ko naman kaya natawa sila.

Kilala na kase naman si Angel, she's pretty, sexy at kahit sino siguro mapapatingin sa kanya pag dumaan.

Sa amin siya ang..

"Playgirl with angelic awra, Di talaga bagay name niya sa kanya" sabi ni Lilia, the direct to the point.

"Hayaan niyo na, malay niyo magbabago pa yon" sabi ni Scarlet the mapagtanggol

"Naku dai, himala kung ganun" sagot ni Kate, the tahimik pero observer

"Tama na nga yan Hahaha mauuna na ako, pupunta pa ako kina kuya" awat ko.

"Eh ikaw naman the mabait at mahinhin, bantayan mo jowa mo tsaka wahhh! Regards mo ako kina Fafa Razen wahhh sa Ceveste boys" pahabol ni Lilia

"Okay okay" sagot ko na lang saka nakipagbeso at hinatid pa ako muna ako ni Scarlet palabas.

"Ayaw mo talaga magstay muna dito?" tanong niya.

"Pasensya na, nag promise na kase ako kina ate Tiana na doon ako sa kanila mag Christmas eve hehe" sagot ko saka inayos pa ang ilang hibla ng buhok papunta sa tenga dahil nahihiya naman ako.

"Naku sige, naiintindihan naman namin, ingat ka" sabi nito saka ngumiti at niyakap ako.

"Merry Christmas, bye" paalam ko saka sumakay na ng kotse.

"Ah kuya diretso na sa Mansyon po" sabi ko sa driver.

"Sige po maam" sagot niya.

Excited naman akong makasama ulit silang lahat, siguradong masaya ang gabing to.

Napapansin ko kasing halos sila ay busy, lahat naman kami kaya mabuti na lang at muli na naman kaming mag sasama-sama.

Tinawagan ko naman si Prix pero hindi naman nito sinasagot.

Di rin nagrereply sa mga text ko, baka na busy lang ngayon sa mansyon.

Tama dahil magpaparty na naman sila.

Panay ngiti ko dahil sa kaba at excited, sa wakas magkakasama na ulit kami.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa madadaan namin habang nakangiti.

"P-prix" tawag ko kaya agad naman nahinto si kuyang driver at muntikan pa akong masubsob.

"Sorry po ma'am, bigla po kaseng huminto yung kotse sa harapan kaya na bigla po ako" paliwanag nito kaya napatingin naman ako sa harap.

"O-okay lang kuya" sagot ko tumingin ulit kung saan ko nakita si Prix, at siya nga!

Nasa labas siya bar, nakatayo kaya nagtataka naman ako kung bakit siya nandon.

"Ah kuya, dito na lang po ako, nandon naman po si Prix oh, sa kanya na lang ako sasabay para kahit papaano ay maaga kayong makauwi sa inyo" sabi ko.

"Naku ma'am - - -"

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon