CHAPTER 65

67 7 0
                                    

HINDI ako makatulog at panay ikot ko sa kama dahil hindi pa rin mawala sakin yung kanina sa garden!

Damn!!!!

Nababaliw na ako-,-!

Hindi ko pa rin akalaing magugustuhan ko siya---wait!

Gusto ko ba siya? What do you think self? Hindi ako magkakaganito pag hindi ko siya gusto!

Right? 

Hindi ko naman narinig na gusto niya ako o.....mahal niya ako?

That's impossible!

Pano niya ako mamahalin? Baka nga ginagawa niya lang ito dahil sa paparating na kung ano sa buhay ko!

Hindi ako tanga para hindi mahalata 'yun! Alam kong dati pa ay may gagampanan na ako sa pamilyang 'to.

At may isang sign na akong nakita ng bata palamang ako. 

~Flashback~

"Wahh mommy,ayoko powh" nakapout kong sabi matapos makita ang injection. 

"Baby...promise hindi ito masakit okay?Mommy's here,di kita pababayaan" sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko. 

"Masakit po yun mommy,daddy" sabi ko pero ngumiti lang sila. 

"Tiana anak...parang kagat lang 'to ng langgam okay?Please baby" pakiusap nito. 

Eh masakit rin naman ang kagat ng langgam eh-,-!

"Mommy hold my hand plesss"sabi ko.

"Daddy too" sabi ko. 

Natawa na lang sila at hinawakan nga ang kamay ko bago ko naramdaman ang sakit at hapdi nung injection. 

Pagkatapos nung ay parang inaantok ako.

"Mommy,I'm sleepy na" sabi ko.

"Go ahead baby" sabi nito pero talagang inaantok na ako. 

"Simulan na natin" huling rinig ko bago tuluyang nakatulog. 

Hindi ko alam kung ilang-oras akong natulog at nagising na lang dahil medyo may kumirot sa likod ko,bandang balikat. 

"Ow babyy..gising na baby namin" sabi ni Mommy na nasa tabi ko. 

"Mommy,masakit po dito" sabi ko sabay turo sa may balikat ko.

Ngumiti lang ito saka pinakita sakin. 

Nasa kanang balikat ko ito at nilingon pa para makita. 

"what's that mommy?" tanong ko. 

"Hmmmm malalaman mo yun pag malaki kana kaya kailangan dapat malakas ka okay?" sabi nito. 

Nguguluhan pa ako dahil sa mga sinasabi niya. 

"Malakas po ako" sabi ko,hinaplos nito ang buhok ko at hinalikan ako sa noo.

"Yes baby,you're strong.." sabi nito. 

"Basta tatandaan mo,lagi nasa tabi ni Mommy mo..tsaka si Dad,Grandpa ang Grandma" sabi nito. 

Nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig sa mga sinasabi nito kahit hindi ko naman alam.

"Pag dumating na ang panahong lalaban ka at wala ako sa tabi mo ay lagi mong iisiping lalaban ka lang para sa sarili mo..patutunayan mong kaya mo" sabi nito. 

"Sleep na baby,bibili tayo ng ice cream bukas" sabi nito. 

"Yeyyyy,thank you Mommy muah" sabi ko at humalik sa pisngi nito. 

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon