Chapter 141

27 0 0
                                    


"Tiana."

"Tiana!!!!"

"Ahh!" naramdaman ko ang hapdi sa pulsuhan ko nang tatayo sana ako dahil sa biglang pagsigaw.

"Fari naman!" napairap ako dahil naramdaman ko ang pagtaas ng dugo ko!

Ikaw ba naman biglang gulatin habang natutulog?

"Eh kase na-aano na ako." sabi nito at parang gumigiling pa sa kinauupuan niya.

"Anong na-aano?" naguguluhan kong tanong.

"Ano kase! anong-ano na ako." sigaw nito.

"Tngina! anong ano?puro ka ano! ano ba kase 'yung ano!?" sigaw ko naman.

"Hoy!" pareho pa kaming nagulat dahil sa biglaang paghampas sa pintuan dahil sa ingay namin.

"Hoyy ka den!!!"sigaw ni Fari.

"Nawi-wiwi na ako." sabi nito at napanguso.

Hanep!

"Excuse me!!!! heyyy!" sigaw ni Fari kaya naman may pumasok na isang lalaki.

"Ang ingay-ingay mo! para kang manok sa umaga." reklamo naman ng lalaki habang may hawak na baril.

"Nasa'n ba ang banyo dito? kanina pa ako naano dito! 'pag ako talaga nagkasakit amp! makikita n'yo talaga---"

"Tumayo kana dyan! hindi ko ugaling magbuhat ng babaeng maingay!" sabi nito at tumayo na nga si Fari.

"As if naman magpapabuhat ako sayo!? yucks!!" sagot naman ni Fari habang nakatali pa rin mga kamay nito at hawak s'ya ng lalaki sa isang braso.

Napangiwi naman ako dahil sa dalawang to na nagtatalo. Lumabas sila habang ako naman dito ang naiwan.

Sinubukan ko talagang makaalis pero mas lalo lamang sumasakit yung kamay ko.

Nag-aalala naman ako kay Fari baka kung ano na ang gawin sa kanya sa sobrang kadaldalan.

Napaisip naman ako kung ano na ang nangyayari sa labas ng kwartong 'to.

*Boom!*

"Ahhhhh!!" napasigaw ako dahil ramdam ko ang lakas na pagsabog at umabot pa talaga dito sa kinauupuan ko.

Nanatili akong nakayuko dahil nga sa lakas ng impact nito. Unang naisip ko ay si Fari, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Lady M." mula sa pintuan ay pumasok ito at natulala pa ako sa sobrang kagwapuhan nito!

May gyera na nga lumalandi pa!

"R-razen." tawag ko kaya dali-daling lumapit ito sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.

"You okay?Sinaktan kaba dito?May masakit ba sayo--"

"Pakawalan mo kaya muna ako dito." putol ko sa kung ano pamang itatanong niya.

"Si Fari?Nakita nyo ba sya?" tanong ko habang inaalis niya ang pagkakagapos sakin.

"Hindi ko s'ya nakita, but I'm sure...she's safe now." sabi nito at lumapit ulit s'ya ng makatayo na ako para yakapin ulit. Humalik ito sa noo ko bago pinag-isa ang kamay namin.

Sabay kaming lumabas habang may sariling baril ang magkabilang kamay namin habang nagmamasid sa paligid.

Hindi ko alam kung ano bang ginawa nila at ano na ang nangyayari. May nakikita
na rin akong mga bangkay kung sa'n man kami dumadaan.

"Ohhh!" ramdam ko ang biglaang pagkayap nito.

*Bang!* paglingon ko ay patay na.

"Hindi pa safe dito kaya magmasid ka, 'wag kang aalis sa tabi ko" sabi nito habang palakad-takbo ang ginagawa namin para makapunta man lang sa sinasabi nitong safe na.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon