CHAPTER 67

82 3 0
                                    


TIANA's POV

"UUWI naba tayo?" tanong ni Fari

"tara----Ouchh!!!" reklamo ko ng batukan niya ako,nasa mall pala kami ngayon matapos ang napakabusy na oras namin kanina sa pag-aayos ng booth namin.

"Gaga! anong tara? kararating lang nga natin tapos tara ka jan? Hellloooo!!! gisingggg na please!" sabi nito.

Napasimangot naman ako at tinulak ang cart.

Nauna naman itong kumuha ng kailangan namin para sa pagbake ng cake,mga ingredients.

Ito ang napag-usapan namin kaya dumiresto kami dito sa mall pagkauwian.

Hindi kopa nakasama  si Razen mula ng ihatid niya ako kanina sa school dahil napakabusy nila kaya hinatiran namin ito ng pagkain pagkabreak-time saka lunch

Tuloy napapaisip ako na parang ako pa 'yong nanliligaw say kanya-,-!

Gosh! my beauty fessss,amp!

Hays,di ko rin alam kung aware naba sila Kuya Hux na nanliligaw sa akin si Razen,halata naman siguro sa pagiging sweet nito sa hapag-kainan pero pakiramdam ko ay napaka-awkward.

Yung nasa iisang mansyon lang ang tinitirhan namin tapos may isang nanliligaw sakin.(ganda mo kase>//<)

Sa mga hindi nakakaalam sa sitwasyon namin ay baka masabi nilang nagli-live-in kami ni Razen pero  hindi pa naman kami.

Ewan ko lang din kung alam 'to ni Dad,baka akala niya lang ay binabantayan lang ako ng Cevéste's.

Well,totoo naman pero talagang pafall yung isa eh!

Dad naman kase bakit ganung nilalang pa ang napiling bantayan ako,duh!
Gusto niya na atang maaga akong mag-asawa?Alam naman niyang marupok ang unaka ija niya tas bonus pa yung pagiging maganda.

Pati tuloy kahanginan nila ay nakuha kona rin.

"hoy!! nasa outer space kana ba? gusto mo hanapin ko muna isip mo,ha!??" biglang sigaw ni Fari kaya nagulat ako.

"h-ha? ah oo,kunin mo" sabi ko pero kutos ang natanggap ko sa kanya. Natatawa na tuloy yung ibang namimili.

"Ano ba Farishaaa!" reklamo ko at medyo lumayo pa.

"Argh! ikaw talaga! Anong gagawin mo dyan sa ketchup?Ibalik mo yan!!" sabi nito kaya napatingin naman ako sa hawak kong ketchup nga kaya napakamot na lang ako sa noo saka ito binalik.

"Gosh! ,Ano bang iniisip mo ha!? Di lang nakasama bebe mo ay ganyan kana" sabi nito at binalik pa ang ibang nakuha ko.

Tatanga ka self?

"wala naman" sagot ko pero tiningnan lang ako nito na parang sinasabi na napakasinungaling ko.

"okay fine!" suko ko dahil sa tingin palang niya ay kinikilatis na ako.
Alam niya talagang may bumabagabag sakin.

Ganun naman talaga basta kaibigan mo,napapansin agad iba yung mood mo.

si Fari ang lagi kong sinasabihan ng mga sekreto ko pero syempre meron talaga yung ako lang ang nakakaalam.

Like my tattoo,hindi pa nila ito nakita o alam.

"Oh c'mon Tiana,what is it?" sabi nito
habang ang isang kamay ay nasa bewang niya.

"Kase....naiisip ko lang naman yung sitwasyon namin ni Razen sa mansyon.Alam mo 'yun? Awkward" sabi ko.

Kumunot naman ang noo niya at nag-iisip din dahil bahagya pa siyang tumingin sa taas.

"panong awkward?wala namang mali 'don ah" sabi nito.

"sa inyo wala,pero pano yung sa mga
hindi nakaalam kung anong merong  sitwasyon kami?" tanong ko.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon