HINDI ko alam pero dalawang-araw na nila akong hindi pinapansin?May problema ba?
Wala naman akong ginawang masama,kahit anong pinag-usapan namin hindi maganda.
Maayos naman kami pero bat ngayon umiba ang ihip ng hangin?
Tinatanong ko rin sila pero hindi naman sumasagot!
"Ma'am Tiana,san po kayo?" tanong ng guard ng makitang palabas ako ng gate.
"sa labas lang po,may titingnan lang"sabi ko at tuluyang lumabas.
Hapon na mas nauna akong umuwi sa kanila at ewan ko kung nasa school pa sila.
Lumingon naman ako sa paligid,sa di kalayuan ay kita ko ang park kung saan ay doon ako nagjojog.
Naglakad-lakad lang ako habang nag-iisip pa rin kung ano bang nangyayari sa mansyon?
Para kaseng hindi ako nag-eexist sa kanila eh,kahit na pagkumakain kami.
Sinusubukan ko namang magtanong at kinukulit sila pero lahat umiiwas,naiinispa...kaya kung minsan ay nagwawalk-out ako pero wala man lang pumipigil.
Ano bang nagawa ko?
Hindi lang siguro ako nasanay sa sobrang tahimik nila kase nasanay ako sa pagiging maingay nila lalo na si Yaco.
Kahit pababa palang ako ng hagdan ay rinig kona ang mga boses nila at pagbati sakin ng 'goodmorning' 'morning,ang ganda mo ah' pero ngayon hindi na.
Bakit ba nila ako iniiwasan?Wala naman akong nagawa eh!
Umupo naman ako sa swing habang nakatingala sa kalangitan at malapit ng dumilim.
Kamusta na kaya sina Dad? sina Grandma?Grandpa?
Kung pwede lang lumipad papunta sa kanila ay matagal ko ng ginawa pero hindi talaga.
Eh si Mommy kaya? Ano kayang pakiramdam kung nandito siya? Ang isa sa laging karamay ko?
Hindi kona naiintindihan sarili ko!
Ang buhay ko.
May lumapit namang isang bata at umupo sa isa pang swing.
Nakangiti ito habang nakatanaw sa isang babae na papalapit.
Yumakap ang babae sa batang nakaupo sa swing.
"M-mom?" naisusal ko.
Kita ko kung gaano sila kasaya pero unti-unting naglaho.
"mommy!mommy! I want ice cream!" napatingin naman ako sa batang babae habang hila-hila ang ina palapit sa isang ice cream vendor.
"Not too much baby ah?" sabi ng ina nito kaya napangiti naman ako ng mapait.
"Yes Mommy! Yeheyyyy Thank you po mommy,I love you" masiglang ani ng batang babae habang patalon-talon pa.
Pumantay naman ang ina nito at bahagyang hinaplos ang pisngi ng batang inosenteng tumingin sa kanya.
"I love you more baby,always remember that ha? I love you so much" nakangiting ani ng ina habang hinahaplos na ang buhok ng anak.
"Yes po mommy! Love ko po kayong lahat" sagot ng bata.
Hindi ko na lang ito pinansin dahil alam kong nagbabadya namang kumawala ang mga luha ko.
Napatingin sakin ang babae ang ngumiti pero agad na naman silang naglaho.
Umalis na lang ako sa park para umuwi.
Sa di kalayuan ay may nakita akong isang kotse at ang taong nakahawak sa manubela habang nakangisi sakin.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...