CHAPTER 85

41 2 0
                                    


TIANA's POV

MALAKAS na simoy ng hangin agad ang sumalubong sakin ng pinili kong mapag-isa sa tabi ng dagat. 

Kagaya nung nakasama ko si Prix ay umupo lang ako sa tsaka sumandal sa may kotse ko.

Tumingala ako tsaka sinuyod ang malawak na karagatan. Sobrang lalim siguro sa may bandang asul na kulay?

May nakikita rin akong mga turista na naglalakad,may magkaholding hands at may mga magkaibigan na nagtatawanan habang naglalaro sa buhangin.

Hihintayin kong lumubog ang araw bago umuwi,at gusto kong maliwanagan sa sarili ko.

'Namimiss kana namin,kumain kana ah.Kahit galit ka ay wag kang magpapagutom siss'

Natawa naman ako ng marinig ang sinabing 'yan kanina ni Charby.Pakiramdam ko bumalik sa pagiging ashusherang bakla ito.

Natigilan ako ng mapansing natatawa ako dahil sa iniisip ko,maging mga alaala naming magkakaibigan.

~Hello sissss,ako nga pala si........charby! tama si Charby! pwede tayong magkaibigan diba? Total pareho naman tayong maganda Hahaha~

Naalala kopa nung una ko itong makilala,talagang sinasabi nitong mas maganda siya sakin.

~hoy! saken yang fafs na yan ah,mas bagay sa beauty ko sisss! kyahhh! amfogiiiii~

Maging sa makita nitong gwapo ay inaangkin niya dahil mas maganda raw siya sakin.

~Ano kaba gurlll! Ano gusto mo? resbakan namin ni Fari?Wag kang mag-alala at nandito lang kami kaya wag ka ng umiiyak mas pumapangit ka! hindi mo malalagpasan ang kagandahan ko Hahaha~

Kahit anong gulo ang nakaharak ko ay lagi silang nandyan,kahit malungkot ay gumagawa ng paraan para mapangiti ako.

~Wahhh ang galeng mo talaga gurl! Wala na talagang tatalo pa sayo!~

Lagi silang nakasuporta,hindi man lang nawala sa mga laban ko. Lalo na sa race.Nakasuporta sila lagi sakin.

May mali ba sakin? O sadyang kulang lang ako sa pag-intindi?

Hindi ko man lang naisip ang kalagayan nila. Nadala ako sa inis at nasampal kopa siya.

"argh" reklamo ko sabay yuko sa dalawang binti ko saka niyakap ang sarili(Wawa self-love>\\<).

"a-aray" napaangat ako ng tingin tsaka nakita ang isang batang lalaki na nadapa kaya dali-dali akong tumakbo sa may buhangin para tulungan siya.

"okay ka lang bata?" tanong ko dito sabay pagpag ng damit niya.

"okay lang ate" sabi nito kaya ngumiti naman ako.

"anong pangalan mo?" tanong ko dahil sobrang gaan ng pakiramdam ko pagkausap ang mga bata,lalo na pag tinatawag nila akong ate.

"Junjun po" sagot niya.Ngumiti naman ako saka ginulo ang buhok niya.

"ilang taon kana?hm?" tanong ko kaya nag-isip naman siya ng mabuti.

" it po" sagot niya kaya natawa naman ako.

"Junjun, eight hindi it" sabi ko dito pero bumingisngis lang ito.

"gusto moba ng foods? meron ako 'don,tara"sabi ko saka hinila ang kamay niya palapit sa kotse ko.

"wowwww sa iyo po ito ate?" tanong niya habang hinahawakan ang kotse ko.

"oo,regalo 'to sakin ni Dad" sagot ko saka binigyan siya ng sandwich,chips, chocolates na binili ko papunta dito.

"wowww andami po,salamat ateee" sabi nito

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon