CHAPTER 51

70 6 0
                                    


GRABE andami palang pwedeng puntahan dito sa loob ng masyon? 

Meron naman palang bar,game room,guest room Hahaha. 

Bat pa sa ibang bar pa umiinom si Prix eh meron naman dito?

May library din,study room.. edi sana dito na lang ako nag-aral sa mansyon eh kompleto naman. 

Nasa kwarto ako ngayon dahil pinili ko munang magpahinga ulit dahil pagkatapos ata ng house tour namin ni Kuya Hux ay sumakit ulo ko sa sobrang lawak ng mansyon nila. 

Hindi ko pa rin alam kung haharap ba ako sa bisita nila dahil nakakahiya naman. 

Kinuha ko naman si Azee at niyakap para makatulog agad.

Madali akong nakakatulog pag nayayakap ko ito.

ZZZzzzzzzzz...

*knock,knock,knock*(who's there?,char)

"Pasokkk" paos ko pang sigaw.

Ampucha naman oh,ang ganda ng tulog ko tapos maalimpungatan ako!

"Tiana!Tiannaaaaaaa" kahit nakapikit ako ay kilala kona kung sino ang gumigising sakin.

"hhhmm?" tugon ko dahil gusto ko pang matulog eh!

"Help us please" sabi nito. 

Tinatamad naman akong umupo.

"Ano ba!?Inaantok pa ako eh, maya na lang ako kakain ng lunch" sabi ko. 

Anong oras naba? 

Napatingin naman ako sa wall clock ko,takte oh! alas-10 palang naman.

"Ilang oras lang tulog ko:<" sabi ko sa kanila ni Yohan.

"We need your help okay?Wala kasing magluluto eh" sabi ni Yaco.

"Anong wala? Nasan sila Manang?" tanong ko. 

"Wala ngayon si Manang,umalis kaninang umaga kase may emergency tsaka day-off ngayon ng mga maid" sabi pa nito.

"Oh tapos?" tanong ko. 

"Tulungan mo kami magluto kase dadating mamaya ang mom nila Kaebe at Razen please" sabi ni Yohan.

"Aishhh,mag-order na lang kayo"sabi ko. 

Ang yaman nila dapat nagpa-catering na lang sila. 

"Hindi na aabot ng oras,kaya no choice...tayo magluluto" sabi ni Yaco. 

"Dali naaa" sabay hila sakin. 

Putek naman oh!

Yan kase!,bat kailangan paghandaan 'to? Tss

Strict ba parents nila?Nakuuu! 

Nakabun naman ang buhok ko at habang pababa palang ako ng hadgan parang may sunog na!

"pwee!! ano ba 'yan?" reklamo ko. 

" what the! patayin mo ang apoy Prix!" rinig kong sabi ni Kuya Hux. 

"ang alin? patayin? asan ang kutsilyo?" sabi nito.

Ampucha naman oh,parang minasaccre naman ang kusina. 

Agad ko namang pinatay ang apoy!

Nakatayo na ako sa harap nila habang nakacross-arms pa. 

Parang nanay lang ang peg!

"Anong ginagawa nyo?" tanong ko. 

"Nagluluto" sagot nila. 

Inilibot ko naman ang tingin sa kitchen saka napasapo sa noo ko. 

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon