Chapter 113

31 2 0
                                    

"Tiana...wake up,princess" ramdam ko ang paggalaw ng kama dahil sa pag-upo nito.

"Hmmm" ungol ko saka binaon ang mukha sa unan.

"Baby, mommy prepared a breakfast for you,wake up darling" sabay haplos ng buhok ko.Tamad naman akong umupo habang kahit inaantok pa.

"Good morning my princess" bati nito kaya napatingin naman ako kay mommy na ngayon ay nakangiti na ng napakatamis at may dalang tray na may laman ng breakfast.

"Mommy,I missed you" nasabi ko."Me too baby..." sabi nito sabay haplos sa pisngi ko.

"Ow hi good morning to my favorite and loving apo,our princess" napatingin naman ako kay Grandma na kakapasok lang sa kwarto at umupo naman sa kabilang tabi ng kama.

"I love you Grandma"sabi ko."I love you too,apo" sabi nito at lumapit sakin para bigyan ako ng halik sa noo.

"Kain kana,anak" sabi ni mom."okay po" magiliw kong sabi saka kumain na nga habang nakangiti silang pinagmamasdan ako.

"Kumusta na apo?" biglang tanong ni Grandma habang umiinom ako ng tubig at si mom naman ay nililigpit mga pinagkainan ko.

"Okay naman po" sagot ko."Mommy ,sa'n po kayo pupunta? bat kayo nakabihis ni Grandma?" tanong ko.

"Malayo 'yon anak" sagot nito.

"Masaya po ba 'don?gusto ko pong sumama " tanong ko ulit kaya nagkatinginan naman silang dalawa.

"Masayang-masaya 'don apo pero hindi kapa pwedeng sumama"sabi ni Mom.

"Bakit po?gusto kona pong sumama lagi niyo na lang akong iniiwan" malungkot kong sabi.

"Marami kapa namang makakasama dito,apo kaya masaya rin dito" sabi ni Grandma.

"Pero ansama po nila"sagot ko.

"Hindi lahat anak,alam mo sa sarili mong sino yung totoo sayo.." sabi ni mom.

"Tandaan mong laging nananaig ang pagmamahalan sa isa't-isa kaya magtiwala ka lang" sabi nito.

"Tama ang mommy mo apo, sa buhay natin mas marami pa rin talaga yung totoong tao kesa sa nagpapanggap lang pero di naman totoo" sabi ni Grandma.

"O-opo" sagot ko dahil sa wala akong masabi at pilit iniintindi.

"Apo,pwede bang may hilingin ako sayo?" nakangiting tanong ni Grandma.Nakangiti naman akong tumango dito dahil hindi ko namang matanggihan si Grandma.

"Pwede bang wag mong pabayaan ang sarili mo apo?" nakangiti at si sinserong sabi nito kaya parang bigla namang hinaplos ang puso ko.

"Opo Grandma" naluluha kong sagot at agad naman nila akong niyakap.

"Kailangang mahanap mona ang korona,anak. Lagi kang mag-iingat" sabi ni sabay halik nila sa pisngi ko.

"Nasa'n po ang korono?" tanong ko.Paulit-ulit kong tanong pero wala akong makuhang sagot.

"Grandma! Mom!!" tawag ko habang umiiyak na naman.Napahagulgol na ako sa iyak ng wala na akong narinig pang salita mula sa kanila.Iniwan na naman ako ulit.

"Tiana! Tiana, iha gising na""m-manang" sabi ko at ang lalim ng paghinga.Tinanggap ko naman ang bigay nitong tubig saka nito pinahiran ang pisngi ko.

"Ba't ka umiiyak?" tanong nito.Napahawak naman ako sa pisngi ko saka napailing dahil hindi ko rin alam kung bakit.

"Nakita ko po si Mom and Grandma" sabi ko.

"Sapagka't nag-aalala lamang sila sayo,Tiana.Alam mo kung gaano ka kamahal ng Grandma at ng mommy mo" sabi nito na nakangiti.

Para naman akong nalungkot kahit alam kong totoo naman 'yon dahil hindi sila nagkulang na iparamdam kong gaano nila ako kamahal.Bakit yung mga taong importante pa ang nawawala sa buhay ko?Bakit kailangang may mawala pa?

"Sinabi sakin ni Grandma na hindi ko raw pababayaan ang sarili ko" sabi ko at napaiyak pa.Hinahagod naman nito ang likod ko at niyakap ako.

"Mahal na mahal ka nila,Tiana" sabi nito.

"Tsaka...kailangan kona raw hanapin ang korono" sabi ko ng kumalas siya ng yakap.

"Kailangan na nga,alam mong maraming gusto ang kumuha nito dahil hindi pa nila nakikitang suot mo 'to" sabi nito.

"Hindi ko po alam kung saan,Manang"sagot ko.Naghihinayang dahil hindi ko man lang makita ang iniwan sakin ni Mom at Grandpa.Naaawa rin ako sa sarili ko dahil parang wala akong magawa man lang.

"Tiana....kilala mona kung sino yung kalaban mo,at sa ngayon kailangang magtiwala ka sa sarili mo mismo" sabi nito.

"Oo nga po manang, wala akong magawa lalo na't yung pinagkatiwalaan ko ay inaatake na pala kami patalikod" sabi ko.

Ang hirap lang dahil mismong Tito kopa pala ang may gawa ng nangyari kina Dad at Grandpa.Gusto ko man itong sugurin pero wala akong magawa dahil tito ko ito.Sobrang hirap ng ganun.

"Sundin mo lang kung anong iniwan sayo ng Grandma mo at mommy" sabi nito.Bigla naman akong napaisip sa mga paalala ni Grandma sakin.Tama, kailangan ko na nga 'yong mahanap.Gagawin ko lahat para mahanap 'yon.

"Meryenda po Lady M." ngumiti naman ako.

"Salamat" sabi ko kaya yumuko naman ito saka umalis.Lahat sila dito ay Lady M. ang tawag sakin maliban kay Manang syempre.

"Lady M." napalingon naman ako sa isang tauhan."bakit?" tanong ko.Simula nung nakilala ko ang mga clevers ay pinadala na dito sa amin ang iba habang ang ilan naman ay patuloy nag-eensayo.Tuwing sabado at linggo naman kaming lahat ay nandon sa Amore De Majeste para mag-ensayo.

"Nandito po si Mr.Saturno Salazar" sabi nito kaya agad akong napatayo at dumirestong gate.

"Tianaaaa,magandang pamangkin ko" salubong nito at nakahanda na ang dalawang kamay para akapin ako.

"Titooo! ang magaling kong tiyo" salubong ko rin.Ang ganda naman palang makipaglaro sa taong kalaban mo.

"Naparaan po kayo?" tanong ko dito dahil hindi man lang lumabas ang mga bodyguards na kasama niya.

"Gusto ko lang kumustahin ang papa mo at si Grandpa" sabi nito.Gusto kong tumawa ng tumawa pero ngumiti lang ako.

"Okay naman po sila, nasa trabaho po si Dad...habang nagpapahinga pa sa ngayon si Grandpa" sagot ko.Nakita kong ngumisi pa ito.

"Mabuti naman at ayos lang sila" sabi nito habang kinaklaro ang ayos ng boses.Bakit? Gusto mo bang meron talagang may mawala sa kanila?

"Oo nga po eh,ang hirap nga tugisin ang DEMONYONG gumawa nun" diretsong sabi ko dito kaya nakita kong napalunok siya pero pinapakita pa rin ang lawak ng pagkangiti.Tss, kung gugustuhin ko lang ay hindi na siya makakalabas pa ng buhay dito.

"Hayaan niyo't mahuhuli rin 'yon" sabi nito.Muli na naman itong napalunok pero hindi pa rin mawala ang ngiti.Ngiting di mapakali.

"Alam kong magagawa mo 'yan,pamangkin kita alam ko yan!" sabi nito kaya ngumiti lang ako.

"Pa'no ba yan? mauuna na ako't may kailangan pa akong puntahan" sabi nito.

"Okay po Tito, sasabihin ko na lang kay Dad na dumaan po kayo,ingat" nakangiti pa saka bumeso.

Yumuko pa ito bago sumakay sa kotse at umalis na bago ako bumalik sa may garden.

"Sundan n'yo" sabi ko kay Cloud.

"Masusunod Lady M." ani nito saka yumuko.Kasabay pa ng dalawang clevers ay umalis na sila.

"Ako mismo ang huhuli sa kanya" diin kong sabi.

Napapabuntong hininga akong pilit pinapakalma ang sarili. Gusto kona itong patulan pero pinipigilan ko lang ang sarili.

Saan niya nakukuha ang pagiging makapal ang mukha  at nagawa pa n'yang pumunta dito, humarap na nakangiti na para bang walang kademonyuhang ginagawa.

Gusto n'ya ng laro?Ibibigay ko, Tito!.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon