CHAPTER 10

147 9 0
                                    


[Monday, Morning]

"BILISAN niyo kase!" sigaw ko kina Yohan at Yaco, tsk! Kanina pa kami naghihintay dito sa Van papuntang school.

Isang Van ang ginamit namin dahil wala pa ang kotse ko..mamaya kopa kukunin,tsaka isang paaralan lang naman kami.

"Tinalo niyo pa ang babae kung kumilos" bulyaw ko naman pagdating nila,HHAHAH

"Eto na nga po mama --ouch!" edi sapul sa kanya ang itinapon kong box ng tissue.

Nasa tabi naman ako ng driver,muka tuloy silang mga batang ihahatid sa kani-kanilang room,amp!

"Dito ka kase Tiana!" reklamo ni Yaco ng paalis na kami.

"Eh sa ayaw ko kayong katabi!" sigaw ko.

"Sa gwapo kong 'tooooo? ha! bilang lang ang mga babaeng nakakatabi sakin" pagmamayabang nito.

"Ulol! shermolang?" sagot ko dito.

"Baka kase magmukha siyang yaya pag sa tabi mo" asar ni Prix, nakikisali?

"Shermolang din?" sagot ko at inirapan ito. 

"3 Ninjas,isabay niyo si Tiana maya pag-uwian" sabi ni Kuya Hux.

"Yes bossssss!!" sagot ng tatlo at ngumisi pa ang mga mokong!

"Kuya Hux,kaya ko naman eh..tsaka nandyan yung mga kaibigan ko" sagot ko.

"Medyo maaga ang uwian ni Hux,kaya hihintayin natin siya at babantayan ka namin" sabat ni Prix,nyenye

"Hindi na ako bata" sigaw ko,minsan lang eh.

"Really,Tss" singit ng katabi ni Prix

"Really,tas nyenye" pang-gagaya ko,puro kontra eh!

"Sa parking lot tayo magkita-kita" Hays,mabuti pa si Kaebe.Kyahhhh,ampogiii niya ngayonnnnn!

"Okay" nakangiti kong sagot,ang sama naman ng tingin ng magkapatid.

"Kailangan bang sabay ako sa inyo?" tanong ko,baka kase alam niyo na! daming issue..at kung ano-ano naman ang sasabihin sakin! 

"Bakit naman hindi?" tanong ni Yoshi.

"Ehh kase alam niyo na" sagot ko,nakuu sikat na sila ngayon..samantalang ako ay hindi masyadong palibot-libot sa campus pero isa akong Dean's Lister,phew!

"Ano naman ngayon?wala naman silang alam kaya hayaan mona" sabat ni Yohan.

"Nandito lang naman kami,tsaka walang pwedeng mambully sayo" sabi ni Yaco,as if naman hindi ako lalaban.

"Matapang ka naman eh,HAHAHAH" inirapan ko lang si Prix.

"Ang saket mo ngang manghampas" reklamo ni Yohan

"Ang saket nung sampal hahaha"Prix

"Gusto mo ulitin ko?" sabi ko rito.

"Warfreak ka talaga eh no?" sabi nito.

"Hindi naman,ayoko ko lang na inaapi ako" sagot ko.

"Mag-ingat ka lang at sabihin mo pag kailangan mo ng tulong" sabi ni Kuya Hux,tumango lang ako.

Pagkarating namin ay unang bumaba si Yoshi at pinagbuksan kami.

"Thanks" sabi ko at hinanap si Fari at Charby.

"Goodmorninggggg!!!" alam na dis.
Agad naman akong niyaka ni Fari.

"Bongga ka gurl ah? ano? balik elementary ang peg at may humatid pang mga pogiiii kyahh" sabi ni Charby,niyakap niya lang ako pero agad na napabitaw ng biglang umubo ang lahat na nasa likod ko.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon