CHAPTER 17

117 9 0
                                    

RAZEN's POV

Lumabas na ako ng CR habang buhat si Tiana.

Sakto namang umilaw na at rinig ko ang mga takbo nila papunta samin.

"Razenn! Tiana--" napatigil si Yaco ng makitang nakapikit si Tiana.

"F*ck! Bakit ito nangyari?" sigaw ni Hux!

"Sinong may gawa nito?Gusto kong malaman! bukas na bukas!" sabi pa nito.

"S-sorry sir,akala kopo kase wala ng tao paglibot ko kanina" sabi nung isang staff!

"What the hell!!! try to check the CCTV!!" sabi naman ni Yaco.

Agad na akong umalis habang buhat-buhat pa ito papunta sa sasakyan ko.

Inilagay ko naman ang seatbelt nito,saka dumiretso sa driver seat.

"Tigas ng talaga ng ulo mo"sabi ko habang tulog ito,nakasandal ang ulo nito sa bintana.

Mugto ang mata dahil sa iyak!
Akala ko matapang siya?

Napailing na lang ako habang naalala ang pagyakap nito sakin at ramdam ko ang takot niya.

Wag ka ng umiyak pa!

Bat ka napunta sa banyo pa talaga ng mga lalaki?Parang sinadya itong ikulong dahil may kadena pa itong hindi naman nakalock pero nakalibot.

Pagdating sa mansyon ay kasunod lang sila Hux.

"Susmaryosep! anong nangyari sa kanya?" tanong ni Manong.

"Manang kumuha po kayo ng maligamgam na tubig" sabi ni Kaebe.

Binuksan naman ni Yohan ang pinto sa kwarto nito.

Agad ko itong binaba sa kama niya.
Kasunod ko pa rin ang lima.

"Kinakausap na ni Hux ang mga pulis at guard ng school" sabi ni Prix, tumango naman ako at umupo sa kama.

"Humanda talaga sakin ang gumawa nito!" inis na sabi ni Yaco.

Ang seryoso ng mukha niya.

"Relax na 'pre,bigyan mona lang siya ng chocolates pagkagising" binatukan naman ni Yaco si Yoshi.

"Uloll!Alam mo na ngang napahamak na si Tiana!" sabi nito.

Chineck naman ni Kaebe si Tiana dahil magdo-doktor nga pala ito.

"Okay naman siya" sagot nito.

"Sinabi kona rin ang nangyari kina Fari,gusto pa sanang pumunta pero gabi na kaya bukas na lang" sabat ni Yoshi.

"Sana kase sinamahan kona lang siya" sabi ni Yohan at nagpout pa ang gaguuu!!

"Iwww!hindi bagay sayo Yaco!" sigaw ni Yohan at tinapunan siya ng unan.

"Pakialam mo!Reregaluhan pa niya ako ng house and lot----ouch! ano ba!" sigaw nito kay Yohan ng batukan siya.

"Tumahimik nga kayo" suway ko sa kanila.

" Mga iho,labas muna kayo..anong bahala sa kanya" sabi ni Manang na dala pang planggana na maliit.

"Bakit manang? Anong gagawin mo?Hindi na kami pwedeng manood?" tanong ni Yaco.

"Bibihisan ko siya kaya labas na kayooo! Kayo talagang mga bata ohh alis na" natatawa pa si Manang.

"Hindi ba talaga pwe----" hindi na nito natapos ng hilain na siya palabas ng kapatid nito.

"Manang sabihan niyo ako pag tapos na" sabi ko,tumango naman ito kaya lumabas na ako.

Nasa sala na kami ngayon.

THE WARFREAK AND 7 BOYSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon