after one month...
AUTHOR's POV
Kasalukuyang nagaganap ang isang 'Party Grandé' sa mansyon ng Ceveste.
Patuloy pa rin sa pagdating ang mga bisita, bisitang hindi nakakasalamuha ng mga ordinaryong mga tao.
Kahit saan tingnan ay makikita ang engrandeng disensyo na halatang pinaghandaan."Are you ready?" tanong ni Tiana--- Lady M. sa kaniyang sarili habang tinatanaw ang sariling repleksyon sa salamin.
Halong kaba at excited ang nararamdaman nito, ito ay kauna-unang party na makikilala na niya ang iba pang katulad niya, katulad niyang binigyan ng isang obligasyon. Isang pribiliheyo ang pagkakataon na ito, hindi niya man tanggap nung una pero ngayon ay hindi niya inakalang nakayanan niya.
Napangiti ito dahil sa daming pinagdaan niya, dumating na rin ang panahong kinahihintay ng lahat at higit sa lahat ay nasisigurado nitong merong taong proud na proud sa kanya.
"Mom, thank you for everything because of you...I experienced a lot in my beautiful life, sinigurado mong maging mabuti ang buhay ko. Hindi man kita nakasama ng matagal pero naging sapat ang sampong taon na nakasama kita, sa sobrang pagmamahal mo na kahit lamok ayaw mong dumapo sakin." aniya at napangiti.
"Grandma, kung meron man na magtatanong sakin kung sinong number 1 fan ko at nakapa supportive, ikaw ang unang nasa isip ko. Your love for me is beyond."
"It's hard for me...missing those people who gave me a meaningful life and supported me in everything. It's hard for me na sa panaginip ko na lang sila mayayakap. I miss you so much, Mom... Grandma without you, I'm not here standing in front of many people talking as Lady Majesty."
Nakangiting tinanaw nito ang mga eleganteng bisita, nakikita rin niya ang pamilya nito, mga kaibigan, Royal Clan, at iba pa.
"Salamat sa mga kaibigan kong hindi nagsasawang sumuporta sa'kin at sa pagmamahal na binibigay nila, especially sa pamilya ko...Dad, Grandpa salamat sa lahat." pagpapatuloy niya.
Nagsimula na itong magsalita tungkol sa obligasyon at responsibilidad bilang isang Lady Majesty, naiiba ang kanyang awra at presensya. Bawat salita ay nararamdaman mo ang awtoridad na lahat ay nakatuon ang atensyon sa kaniya.
"Bilang isang Reyna, hindi masamang mauuna minsan ang puso bago isip, isip bago puso pero palagi natin tatandaan na kahit sa anong sitwasyon meron ka, kung uunahin mo ang iyong puso ay 'wag kalimutang dalhin ang isip o utak, kung isip naman pinapahalagahan mo ay 'wag kalimutan na may puso ka na nakakaramdam dahil kahit saan tingnan dapat balanse ang lahat."
"Para akong tumatawid sa ilog na kung saan bawat hakbang ko sa tubig ay maraming pangyayari na hindi inaasahan, kung hihinto ako sa gitna baka tuluyan akong tangayin ng tubig pero patuloy akong humakbang hanggang sa makatawid at doon ko naisip na sobrang ganda ng buhay, and now I'm here." nakangiti nitong sabi.
"Hindi porket sumuko ay talo na, hindi porket nagpahinga ay mahina.Lahat ay nagsisimula sa hamon ng buhay." pagtutuloy nito.
"Enjoy the process, the slower you reach your goal the more experiences you go through." taas noo nitong wika.
Lahat tayo ay nakakarealize kapag tapos na ang isang pangyayari kaya laging nasa huli ang pagsisisi.
"Ako, bilang bahagi ng gabing 'to, bilang Reyna, bilang Lady Majesty, bilang tagapagmana at higit sa lahat biglang isang Tiana. Sukuan ka man ng lahat 'wag lang ng sarili mo. You are limitless, I am limitless." she proudly said and bow.
Mula sa kanyang suot na korona, siya'y ginagalang ng lahat. Mula sa kanyang suot sa pagiging totoo sa sarili ay mas lalo siyang minamahal.
Hindi maiiwasang humanga ang kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nandito silang lahat. Nasa likuran naman ni Tiana ang Ceveste na nagpapakitang prinoprotektahan nila ang kanilang Reyna habang nasa tabi naman nito si Razen bilang simbolo na inaalay niya ang kaniyang buhay para sa Reyna.
BINABASA MO ANG
THE WARFREAK AND 7 BOYS
ActionShe's a limitless, she hates limitation because she loves FREEDOM. Buhay niya, desisyon niya. She loves racing, pero bakit ayaw niya sa bagong takbo ng buhay niya? Does she have more friends, bestfriends, or enemies? She's a warfreak, bakit biglang...